Mga Post

Dapat nang kumayod

Imahe
DAPAT NANG KUMAYOD kumayod, magtrabaho't maging sahurang alipin mga solusyon sa problema'y dapat hagilapin ang buhay ko'y balintuna, aktibista, makata kaysipag tumula gayong walang pera sa tula sa masa'y kumikilos kahit na walang panustos walang pribadong pag-aari, buhay ay hikahos ang ginagawa'y Taliba, tumula't magsalaysay kumatha ng mga kwento't pagbaka'y sinabuhay ngunit ngayon, nahaharap sa problemang pinansyal mga ipon ay di sapat pambayad sa ospital naging tao nang nananalasa'y kapitalismo kumilos upang lipunan ay maging makatao subalit dapat kumayod, paano magkapera ng malaki't may ipon para sa emerhensiya hindi upang yumaman, kundi may ipampagamot kalusugan ay lumusog, at mapatay ang salot subalit sinong tatanggap sa akin sa pabrika? maitatago ko ba ang pagiging aktibista? maglako o magtinda ng gulay o kaya'y taho upang makaipon lang, aba'y di iyon malayo - gregoriovbituinjr. 11.23.2024

Sa ika-32 araw sa ospital

Imahe
SA IKA-32 ARAW SA OSPITAL di pa kami nakalabas dito sa pagamutan walang pambayad, naghahagilap pa ng salapi ngunit hemoglobin ni misis ay kaybaba naman kaya tuloy ang gamutan, isa iyon sa sanhi mahal magkasakit, ah, kaymahal ding maospital mga naipong salapi'y ginastos nang tuluyan ako na'y ligalig, parang hangal, natitigagal kung anong gagawin ng isang tibak na Spartan na nagdurusa sa ilalim ng kapitalismo kaya tumpak lang baguhin ang bulok na sistema ngayon nga'y sinaliksik at binabasa-basa ko yaong akda kina Norman Bethune at Che Guevara anemik, kaybaba ng dugo, paano paglabas ang hemoglobin niya'y paano magiging normal imbes dose ay siyete, paano itataas upang paglabas sa ospital, siya'y makatagal isa itong panahong punong-puno ng pasakit at palaisipang dapat lapatan ng solusyon ako'y sadyang naliligalig na't namimilipit parating na ba ako sa kalagayang depresyon - gregoriovbituinjr. 11.23.2024 * mapapanood ang bisyo sa kawing na:  https://www.facebook.c

Warfarin

Imahe
WARFARIN tila mula sa warfare ang warfarin at kasintunog naman ng 'war pa rin' ngunit ito'y sistema ng pagkain sa ospital anong wastong kainin lalo kay misis, sakit ay kaiba na may namuong dugo sa bituka na doktor ay nabahala talaga kaya kaagad siyang inopera walang kain ng isang linggong higit hanggang unti-unti kumaing pilit di tulad ng kinakaing malimit binigay sa kanya'y warfarin diet pwede lugaw, walang kanin at manok no dark colored, malambot ang malunok may paliwanag bawat tray na alok dapat maunawa, ito'y maarok warfarin, sa bituka yaong digma upang pagalingin ito ng sadya sa pagkain sistema'y tinatama unti-unti, sakit ay mapahupa - gregoriovbituinjr. 11.22.2024

Krosword na Ingles, nasagutan din

Imahe
KROSWORD NA INGLES, NASAGUTAN DIN inaamin ko, nagsaliksik ako sa internet, pagkat sinagutan ko ang palaisipan ng  The New York Times na nalathala sa  The Manila Times krosword sa Ingles ay nabuo ko rin interes dito'y nabigyan kong pansin sa tulong ng internet sayt na  DanWord ay nasagutan ang Ingles na krosword habang nagbabantay pa sa ospital at kalamnan ko't diwa'y napapagal sudoku't krosword na'y naging libangan at Ingles na krosword ay natsambahan di ko akalaing ito'y magawa pagkat sa Pinoy krosword lang nahasa naglilibang sa ganitong panahon bantay kay misis magdamag, maghapon - gregoriovbituinjr. 11.21.2024 * palaisipan mula sa The Manila Times, Nobyembre 21, 2024, p.C3

Book Sale

Imahe
BOOK SALE laking  National  at laking  Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwili ngunit may ulat na magsasara ang  Book Sale  na aking kinalakhan sa  MegaMall , pwesto'y nalipat na sa  Letre 'y   tinanggal nang tuluyan sa  Farmers  at  Fiesta Carnival ang  Book Sale  pa nila'y nakatayo sana patuloy sila't magtagal  sila'y umiral pa't di maglaho sa pagbabasa ako nag-ugat kaya salamat sa mga libro lalo sa  Book Sale , mura ang aklat binili't binabasa-basa ko - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * dalawang unang litrato mula sa mga balita sa fb * ikatlong litrato ay kuha ng makatang gala sa isang Book Sale branch

Paalam, Aegis Mercy Sunot

Imahe
PAALAM, AEGIS MERCY SUNOT taginting ng boses mo'y nanunuot sa puso't diwa'y di nakababagot tinig mong kapanatagan ang dulot subalit wala ka na,  Mercy Sunot kami'y taospusong nakikiramay sa pamilya mo, O, idolong tunay sa Aegis, taospusong pagpupugay sa mga narating ninyo't tagumpay mula nang mapakinggan ko ang  Aegis hinanap ko na ang awit n'yo 't boses ginhawa sa puso'y nadamang labis bagamat nawala na ang vocalist  subalit mananatili ang tinig sa aming henerasyon nagpakilig Mercy , patuloy kaming makikinig sa inyong awit at kaygandang himig - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * litrato mula sa isang fb reel

Meryenda

Imahe
MERYENDA hopya ang nabili ko sa 7/11 sa tapat ng ospital upang meryendahin may handa namang pagkain sa silid namin pag di kinain ni misis, akong kakain anumang sandali, pag ako'y nagutom na maghahanap na ako kung anong meryenda iiwang walang bantay si misis tuwina lalabas ng ospital, tawid ng kalsada pangdalawampu't siyam na araw na rito mamaya, gagawin sa kanya'y panibago endoscopy at colonoscopy raw ito na sana sa colon cancer ay negatibo animo, hopya yaong sa amin ay saksi sa kwartong iyon, hopya ang aking kakampi habang di palagay, sa ligalig sakbibi di panatag ang loob sa araw at gabi - gregoriovbituinjr. 11.20.2024