Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2019

Bakit may luksang parangal?

Imahe
BAKIT MAY LUKSANG PARANGAL? Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nakayayanig ang malamang namatay ang limang kasama sa pakikibaka sa loob lamang ng halos dalawang linggo. Isang lider ng KPML si Doreen Mendoza na namatay sa sakit noong Marso 26, 2019. Si Benjie Resma, pangulo ng Partido Lakas ng Masa - Tatalon chapter ay binawian ng buhay noong Abril 5, 2019. Si Ka Richard Lupiba ng ZOTO / KPML ay yumao naman noong Abril 6, 2019. Si Ka Cesar Bristol, Bise Presidente ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino - Timog Katagalugan (BMP-ST) ay sumakabilang-buhay noon ding Abril 6, 2019. At si Larry Labian na nasa gawaing teatro ay namatay naman ng Abril 9, 2019. Sa lahat ng ito, nagbigay ang mga kasama ng luksang parangal bilang pagpupugay sa mga kasamang namatay. Naging tradisyon na ng kilusang paggawa, kilusang sosyalista, at/o kilusang rebolusyonaryo na mag-alay ng luksang parangal sa kasamang namatay. Kadalasang ginagawa ito sa huling araw ng lamay, dahil kinabukasan na ay ililibing. Maraming