Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2019

Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang

Imahe
Bakit kami mga aktibista: Bukas na liham sa lahat ng magulang Philippine Daily Inquirer, Agosto 29, 2019 Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Walang alinlangang tayo'y nasa panahon ng ligalig. Lahat ng hintuturo mula sa pamahalaan at masmidya ay tila nakaturo sa mga estudyanteng aktibista bilang "salot ng bayan" sa pinakamabuti, at tagakalap ng kasapi ng rebeldeng grupong komunista sa pinakamasahol. Alam naming maaari ninyong maramdamang dapat ninyo kaming protektahan mula sa galamay ng ating kasundaluhan, kapulisan, at iba pang elemento ng estado sa pamamagitan ng pagsira ng aming loob mula sa pagtungo sa mga lansangan... ngunit nais naming maglaan kayo ng panahon upang maunawaan kung bakit sa pangunahin ay naging aktibista ang inyong mga anak. Nananahan ang inyong mga anak sa daigdig kung saan sa bawat sulok ng kanilang mga mata, ay napapalibutan sila ng mga resulta ng isang lipunang hinati-hati ng di mapigil na kapitalismo. Sa kanang baha

Tanaga sa Paglisan

TANAGA SA PAGLISAN namatay ang katawan subalit di ang diwa ang pamana’y nariyan naiiwan sa madla umaalis ang tao upang magtungo roon sa iba pang mundo upang doon umahon maraming magigiting ay nagiging bayani marami naming praning ay nagpasyang magbigti anong dapat gawin upang tupdin ang misyon iyo munang suriin kung wasto ba ang layon lilisan din ang lahat sa ibabaw ng lupa aking pasasalamat sa kapwa manggagawa marami man ang gusot ito’y mapaplantsa rin huwag kang sumimangot minsan, ngumiti ka rin ang bilin ay asahan at gawin nang maigi ating kapaligiran alagaang mabuti salamat po sa inyo tuloy ang paglilingkod pagandahin ang mundo at ating itaguyod - gregbituinjr. * Nalathala ang tulang ito sa pahayagang Diwang Lunti, isyu ng Agosto 2019, pahina 20

Bukrebyu - Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Imahe
Bukrebyu: BANAAG AT SIKAT ni Lope K. Santos Maikling sanaysay ni Greg Bituin Jr. Nabili ko nitong Hulyo 26, 2019 ng hapon ang aklat na " Banaag at Sikat " ni Ka Lope K. Santos sa Popular Bookstore sa halagang P295.00. Ito ang ikalawa kong pagbili ng aklat na ito, pagkat naiwala ko o marahil ay nasa hiraman, na di ko na matandaan, ang una kong aklat na nabili ko noong Hulyo 4, 2008, sa halagang P250.00. (Natatandaan ko ang petsang iyon pagkat naisalaysay ko na ito sa isa pang artikulo.) Ang  Banaag at Sikat  ang kauna-unahang nobelang sosyalista sa ating bansa. Isinulat niya ito ng serye sa pahayagang Muling Pagsilang noong 1904-05 at nalathala naman bilang ganap na aklat noong 1906. Ayon kay LKS, "Ang unang pagkalimbag nitong Banaag at Sikat ay noong 1906. May dalawang taong sinulat ko araw-araw at inilathala sa pahayagang Muling Pagsilang, at nang matipon na at mabuo, ay ibinigay ko sa imprenta McCullough, at doon nga ginawa ang paglilimbag." Binub