Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2020

Di basta susuko

ito ang prinsipyo ko, di ako basta susuko sa kanilang satanas na teroristang hunyango na ang gusto'y ang sambahin ang kanilang pinuno na kapit-tuko sa upuan pagkat mukhang tuko sila ang mga nagpauso ng kulturang tokhang na kahit mga inosenteng bata'y pinapaslang ang mga tulad nila'y higit pa sa mambabarang pagkat sila'y mga bampirang kamukha ng aswang naturingang awtoridad ngunit pumapatay ng langaw at sa pagpaslang ay laging naglalaway mapanghi ang mga bunganga nilang mukhang bangkay nakakatakot, kaya ka nilang dalhin sa hukay may takot man ngunit di susuko sa mga praning kahit na sa sangkaterbang hinebra pa'y malasing maniningil ang budhi't bayan, sila'y may araw din balat nila'y tatalupan ng mga magigiting - gregoriovbituinjr.

Dalit na nagngangalit

DALIT NA NAGNGANGALIT I O, bakit nga ba ganito di nila nirerespeto ang karapatang pantao pati na wastong proseso bulok na sistema'y ngitngit ang dulot pagkat kaylupit ngunit di sapat ang galit karapatan ay igiit karapatang tinotokhang ng mga may pusong halang karapatan na'y pinaslang nitong mga salanggapang II O, kapwa ko maralita tayo'y magkaisang diwa at labanan nating pawa ang mga tusong kuhila silang mapagsamantala at mapang-api sa masa ang sanhi ng pagdurusa at ng bulok na sistema halina't sila'y bakahin at sa palad ay durugin mapagsamantala'y dalhin sa kangkungan at ubusin III O, hukbong mapagpalaya dinggin ang tinig ng dukha kaisa kayo ng diwa sa pagbaka sa kuhila tayo na'y magkapitbisig sa pagsagip sa daigdig ang mapang-api'y mausig sila'y tuluyang malupig - gregbituinjr. *  Dalit  - katutubong tulang may walong pantig bawat taludtod * Unang nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahan ng Kongre

Ang makatang Cirilo F. Bautista at ako

Imahe
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si Cirilo F. Bautista, pambansang alagad ng sining para sa panitikan ng ating bansa. Iginawad sa kanya ang pagiging national artist for literature noong 2014. Nakabili ako ng kanyang dalawang aklat noon, ang Sugat ng Salita, at ang Kirot ng Kataga, mga orihinal, bago ko pa mabili sa UP Bookstore ang pinagsamang aklat na iyon. Una ko siyang nakilala noon dahil kolumnista siya ng Philippine Panorama, kung saan tinatalakay niya noon ay hinggil sa English poetry o mga tula sa Ingles. Nang binasa ko ang kanyang talambuhay, nakita kong may munti kaming pagkakapareho, dahil kapwa kami mula sa Sampaloc, Maynila, manunulat at manunula. Ayon sa pananaliksik, si Bautista ay isinilang sa Maynila noong Hulyo 9, 1941, at lumaki sa Balic-Balic, Sampaloc. Tulad ko, ipinagbuntis ako ng aking ina sa Washington St. (ngayon ay Maceda St.), sa Sampaloc,  hanggang ako'

Palaisipan

Imahe
muli akong bumili ng mga palaisipan upang may libangan naman sa oras ng kawalan kaysa sa kisame'y laging nakatunganga na lang baka malundagan lang ng butiki sa bumbunan may pinapala ang isipan sa tigang na lupa habang nasa laot ang lalim ng mga salita maraming mababatid ang malikot na diwa nakararahuyo kahit na dama'y walang-wala sa palaisipan ay ating hasain ang isip may mga salitang di mo batid na mahahagip subalit may bokabularyong di mo pa malirip gayunman, nalibang na, natuto pa't di nainip kinse pesos ang isang libretong palaisipan bawat isa'y dalawampu't pitong krosword ang laman sa apat na libreto'y tiyak kang masisiyahan pagkat higit sandaang krosword ang masasagutan - gregoriovbituinjr.

Pasasalamat sa mga grupong pampanitikan

maraming salamat sa inyong tumanggap sa akin dito sa bunying grupong di ko sukat akalain pagkat ang mga kasapi'y pawang manunula rin asahan n'yong patakaran dito'y aking tutupdin di ko man hangarin ang malaki ninyong paglingap ngunit laking pasalamat kahit munting pagtanggap nais kong matuto sa mga tulang masasagap upang ang iwi kong buhay ay di aandap-andap lalo na't nananalasa pa ang coronavirus na di natin malaman kung kailan matatapos maraming nawalan ng trabaho't pawang kinapos O, laksa-laksang buhay ang dinaanan ng unos muli, maraming salamat sa bunying grupong ito tinanggap ang tulad ko't kapwa karaniwang tao sa ating nalikhang tula'y magbahaginan tayo at payabungin pa ang panitikang Pilipino - gregoriovbituinjr. 09.29.2020 * Handog na tula sa mga grupong pampanitikan sa facebook na sinalihan ng makata, na ipinadala rin niya sa mga grupong ito.

Kahalagahan ng edukasyon, ayon sa awit

may awit: "Kung natapos ko ang aking pag-aaral" na ang dugtong: "Disin sana'y mayr'on na akong dangal" at sa isa pang awit: "Grade One lang ang inabot ko" na ang karugtong ay malungkot: "No read, no write pa 'ko" isa pa: "Sabi n'ya'y Freddie, mag-aral kang mabuti" dinugtong ay payo: "Tulungan mo ang 'yong sarili" samutsaring awitin tungkol sa kahalagahan ng edukasyon para sa ating kinabukasan na kung may pinag-aralan ka raw at nakatapos ay tiyak kang uunlad, pamilya'y makakaraos mga aral o payo ng mga klasikong awit tila inihahanda tayo sa buhay na gipit paano haharapin ang kagipitan sa dilim upang di maghirap at mangunyapit sa patalim mag-aral kang mabuti upang gumanda ang buhay mag-aral upang sa kapitalista'y umalalay mag-aral upang maging manggagawa sa pabrika mag-aral upang makapag-ambag sa ekonomya mag-aral bakasakaling sa hirap ay masagip ang abang pamilya mula sa sinturong kaysikip - greg

Larong numero palito

Imahe
nag-download ako sa selpon ng laro sa numero ang isang nakita ko'y parang larong Pilipino na ginagamit ay mga palito ng posporo nakaayos na palito'y tanong na iwawasto ikakamada muna yaong palito sa lupa pagmasdan mo't may tanong doon, suriin mong kusa isang palito lang ang iurong upang tumama dito sa selpon ay numero naman ang ginawa tulad naman sa calculator ang numero doon gayon ding panuntunan, isang guhit ang iurong upang maitama mo ang mga maling ekwasyon gamit ang iyong lohika, adisyon at subtraksyon tara, isip-isip, bawat ekwasyon ay titigan suriin mong mabuti't iyo ring masasagutan i-download ang Math Games sa selpon at masisiyahan pampatalas na ng isip, maganda pang libangan - gregbituinjr.

Himutok ng isang kakilala

ayokong maging tuod na animo'y walang malay na pinatigil maglingkod sa bayan, parang bangkay ano na ako? tropeyong naka-displey sa bahay? gayong ako'y tibak na may prinsipyo't misyong taglay dahil sa lockdown ay di makahanap ng trabaho upang sana'y makaamot kahit kaunting sweldo; nawalan nga ng trabaho'y milyon-milyong obrero ako pa bang walang sahod ang siyang magtatampo? ayoko nang maging tuod, ako'y aktibong tibak na gagawin ang kaya kahit gumapang sa lusak gagawin ang anuman sa laban man mapasabak huwag lang maging tuod na sarili'y hinahamak aalis ako upang tupdin ang mga pangarap di na dapat maging tuod, dapat may nagaganap na kahit kamatayan man ang aking makaharap di ako papayag na pagkatuod ang malasap - gregbituinjr.

Paggawa ng sariling face shield

Imahe
nais kong maitaguyod ang pagkamalikhain kaya ako'y gumawa ng face shield na gagamitin mula sa boteng plastik na ibabasura lang din tipid na, sa kalikasan pa'y nakatulong ka rin bakit nga ba bibili ng face shield na ang halaga ay katumbas na ng ilang kilong bigas sa masa gayong may malilikha naman mula sa basura na epektibo ring gamitin ngayong kwarantina halina't paganahin ngayon ang creativity at makakagawa ka rin ng face shield mong sarili linisin, gupitin, ayusin, di ka magsisisi ang mahalaga, binasura'y mayroon pang silbi sa ngayon nga'y ito ang aking itinataguyod ambag ko sa kapwa ngayong walang kita o sahod kaunting diskarte lang, di gaanong mapapagod pag nakagawa ng face shield, tiyak kang malulugod - gregbituinjr. 09.26.2020

Ang nais ko sa sangkatauhan

Imahe
Nagwi-wish din sa shooting star ang isang Bituin ang munting tula kong handog sana'y inyong namnamin: I panlipunang hustisya ang sa Pasko'y aking nais at ang masa'y di na sa kahirapan nagtitiis II magkaroon ng laman ang katawan kong manipis at ang mutya kong asawa'y tuluyan nang mabuntis III sa Noche Buena't Pasko'y walang pagkaing mapanis alagaan ang ngipin, huwag pulos matatamis IV sa karapatang pantao'y simple lang ang aking wish na ang kulturang tokhang ay matapos na't magahis - gregbituinjr. * ito'y tugon ko sa isang kasamang nagtanong sa facebook kung anong wish ko sa kapaskuhan

Ako na'y lilisan

aalis ako upang liparin ang kalawakan upang sa planetang Mars ay magtungo nang tuluyan baka sa planetang iyon ay may kapayapaan ng puso't isip, at pansamantalang pahingahan aalis akong sisisirin ang lalim ng laot magtungo sa Atlantis na di ko pa naaabot at baka doon ko matagpuan ang mga sagot sa mga bugtong at talinghagang masalimuot aalis ako't itutuloy ang pakikibaka tatawid sa mga bundok at ulap sa umaga upang mamagitan din sa mulawin at rabena upang gapiin ang leyon at kamtin ang hustisya lalakbayin ko ang lamig ng nanunuksong gabi upang di sagilahan ng lagim na sumakbibi habang sa bayan ay patuloy pa ring nagsisilbi upang matingkala ang pangarap na sinasabi aalis na ako upang tuluyang sumagupa sa karima-rimarim na dambuhala't sugapa susubukan kong putulin ang gintong tanikala na sa bayan ko'y yumurak sa dignidad ng madla - gregbituinjr.

Pag-ibig ang sasagip sa sangkatauhan

"Love is the only way to rescue humanity from all ills." - Leo Tolstoy wrote to Mahatma Gandhi pag-ibig ang tanging sasagip sa sangkatauhan mula sa anumang pasakit na nararamdaman pag-ibig na sanhi ng maraming kaligayahan pagsinta'y sanhi bakit hustisya'y pinaglalaban pagsintang sanhi upang harapin ang mapanghamak at sanhi upang mapasagot ang mutyang bulaklak pag-ibig na ang ibinunga'y laksa-laksang anak na upang mapag-aral sila'y gagapang sa lusak pag-ibig ang dahilan kung bakit nakikibaka kaya di lang pulos galit ang dama na sistema pag-ibig sa masa't bayan kaya may aktibista pagkilos nila'y pagsinta, ayon kay Che Guevara O, at labis daw ang kapangyarihan ng pag-ibig ani Balagtas na puso'y kay Celia pumipintig pag-ibig ang bubuo sa makataong daigdig kaya sa uring manggagawa'y nakikapitbisig bunying nobelistang si Tolstoy kay Gandhi'y sumulat pag-ibig ang sasagip sa sangkatauhang lahat mula sa anumang sakit na sa mu

Face shield mula sa boteng plastik

Imahe
maraming materyales na maaaring gamitin ngayong kwarantina'y dapat ding maging malikhain may malaking boteng plastik na naabot ng tingin isinukat ko sa mukha, tila ito'y kasya rin sayang ang boteng plastik, nasa basurahan na nga nang matitigan ko'y biglang may kumislap sa diwa kinuha ko ang gunting, nasa isip ko'y ginawa hinati ko sa gitna, dalawa ang malilikha lalagyan ko ng lastiko sa magkabilang gilid lilinisin ko ito't nakagawa na ng face shield malikhaing kontribusyong di ko agad nabatid mula sa basurahan ay inobasyon ang hatid aba'y wala pang gastos, maging malikhain lamang kung may sirang boteng plastik, baka magamit naman kaysa bumili ng face shield, sa paligid hanap lang baka may materyales na itatapon na lamang kunin ang anumang maaari mo pang magamit pambili ng faceshield, sangkilong bigas ang kapalit ito'y munting payo ko rin sa kapwa nagigipit baka may matulungang sa patalim kumakapit - gregbituinjr.

Pag-iipon muli ng plastik

Imahe
kinuha ko sa basurahan at aking nilinis yaong mga basurang plastik na pagkaninipis pinili ko't ibinukod yaong plastik ng hapis na pag napunta sa laot, isda'y maghihinagpis nilagay ko sa tubig, sinabunan ko't kinusot binanlawan ko't isinampay, pinatong sa bakod ilang oras patuyuin, habang sa ulo'y kamot kayraming plastik na di sana mapunta sa laot pag natuyo, saka ko isa-isang gugupitin sukat na isa o dal'wang sentimetro'y ayos din sa malinis na boteng plastik ay isuot na rin at ang bote'y punuin ng plastik at patigasin hangga't may plastik, mananatili na itong layon na gagawa ng ekobrik, ito'y malaking hamon upang sagipin ang kalikasan, di makalulon ng sangkaterbang plastik, ito'y isa ko nang misyon - gregbituinjr.

Paglilipat ng itinanim

Imahe
inilipat ko ang tanim mula sa boteng plastik dahil lumago na ito't ugat na'y sumisiksik; ang ilalim ng boteng plastik ay aking ginupit nang tanim ay malipat ko sa paso, ang naisip ang paso ang bagong bahay ng tanim na halaman at sana'y tuluyang lumago sa bagong tahanan; ang paraan ng urban farming pag naunawaan ay malaking bagay na para sa kinabukasan dalawang buwan makalipas itanim ni misis ay lumago na rin ang sibuyas sa boteng plastik lagi ko itong binibisita upang madilig na animo'y nagdidilig din ako ng pag-ibig sana'y tuluyang magbunga ang sibuyas na iyon at pagsikapang maparami iyon pag naglaon tulad ng pagsintang inaalagaan maghapon at magdamag ay makamit ang bungang nilalayon - gregbituinjr.

Hanap ko'y bagoong Balayan

Imahe
limang buwang mahigit sa malamig na probinsya sa norte't bagoong Balayan ay di natikman pa na paborito kong sawsawan pag kumakain na bagoong na pinigaan ng kalamunding, aba anong sarap ng kain ko, tiyak bundat ang tiyan aba'y pagkasarap sadya ng bagoong Balayan na wala naman dito sa malayong lalawigan buti't may bagoong mula Lingayen, Pangasinan kaya ito na rin ang binili namin ni misis at sumarap ang kain ng katawan kong manipis huwag lang maya't maya, baka sa tiyan lumabis alagaan pa rin ang kalusugang walang hapis ang bagoong Balayan ay akin ding matitikman pag umuwi muli kami ni misis sa Balayan subalit natitiyak kong ito'y matatagalan wala man iyon, mahalaga'y may pagmamahalan - gregbituinjr.

Pagbabalik-aral sa sipnayan

panahon ng pagbabalik-aral ang kwarantina ito ang aking napagtanto habang binabasa ang talambuhay ni Euclid mula Alexandria at ni Archimedes na bumulalas ng "Eureka!" dalawang matematisyang parehong mga bantog na nag-ambag sa sipnayan, sa mundo'y inihandog ang mga akda nila'y balak kong isa-Tagalog upang mga iyon sa bayan ko'y pumaimbulog geometriya'y paksang pamana nila sa atin na pinaunlad pa nila upang magamit natin kanilang akda'y di naman mahirap unawain baka mas mapadali pa pag aking naisalin isasalaysay kong patula ang kanilang gawa na nais kong iambag sa panitikang pambansa sunod ay si Pythagoras na isa ring dakila na akda't buhay niya'y tutulain ko ring kusa - gregbituinjr.

Pagpapanday ng hindi karpintero

inaamin ko, ako'y di bihasang karpintero o marahil nga'y talagang di ako karpintero bukod sa lakas, lohika ang kailangan dito tama ba ang sukat? martilyo't pako ba'y kumpleto? ito ang napagtanto ko sa ganitong gawain sa paglalagari'y mag-ingat, huwag madaliin tiyaking nilagari'y di baluktot, puliduhin bisagra'y ikabit, pait ba'y paano gamitin? dapat plano mo'y nakabalangkas na sa isipan o idrowing mo sa papel upang mapag-aralan ito'y gabay pag pagkakarpintero'y sinimulan di man karpintero'y maganda ang kalalabasan magandang danas ang magpanday ngayong kwarantina ginagawa man ay kulungan ng manok o silya paglagay ng seradura sa pinto ng kubeta pag-ayos ng marupok na estante o lamesa kahit matanda na, pagkakarpintero'y aralin at sa mumunting bagay man, nakakatulong ka rin kung marupok na ang silya mo'y alam ang gagawin, at ako naman ay may bagong paksang tutulain - gregbituinjr.

Pagsakay sa eroplano't paglalakbay

ang eroplano'y inimbentong tinulad sa ibon na sa himpapawid ay nakalilipad din iyon di nagawa ni Icarus na makalipad noon at nagawa ng Wright Brothers ang kanilang imbensyon nakakatuwa ang eroplanong inihahatid itong tao sa pamamagitan ng himpapawid nararating ang ibang bansa, walang nalilingid marami kang nakakasalamuha't  nababatid aba'y narating ko nga ang ibang bansa sa Asya tulad na lang ng bansang Japan, Thailand, Burma't Tsina habang narating ko rin ang malamig na Europa lumahok din sa Climate Walk at naglakad sa Pransya sa maliit na eroplano'y sumakay din naman galing Davao, Cebu, Cagayan de Oro, Palawan dahil sa mga isyung karapatan at kalikasan bilang tibak na hangad ay makataong lipunan pasaporte ko na'y paso, di muling makasakay sana'y may pagkakataon muling makapaglakbay upang mga adbokasya'y mataguyod kong husay sa tagaibang bansa't tupdin ang prinsipyo't pakay - gregbituinjr.

Naabot din ang 1,000 sudoku

Imahe
Naabot ko rin ang 1,000 sudoku games na na-download ko mula sa internet. Bukod sa math games ay sudoku ang aking palipasang oras pag di nagsusulat. Dahil nakasanlibong nasagutang sudoku, napatula ako: NAABOT DIN ANG SANLIBONG SUDOKU isang libong sudoku na rin ang aking naabot na kinagiliwang laro sa selpon at nasagot di lang pulos numero kundi lohika ang dulot kaysarap nitong laruin at di ka mababagot may arawan, bawat petsa, ang aking nasagutan daily sudoku na umabot higit walong daan maaaring pumili ng lebel na pahirapan custom sudoku, na umabot higit isang daan noon, binibili ko'y mga libretong sudoku may manipis, may makapal na akala mo'y libro maraming perang ginugol, makabili lang nito dahil sa lockdown, sa internet na'y nag-download ako bukod sa pagsulat, pagtanim, at gawaing bahay bukod sa pagbabasa ng anuman, pagninilay ang pagsagot ng sudoku ang nilalarong husay kaya ang sanlibong sudoku'y ganap nang tagumpay - gregbituinjr. 08.23.2020

Mabuti pang maging frontliner kaysa maging tuod

iniisip ko, mabuti nang mamatay sa COVID kaysa parang tuod sa bahay, sa dilim nabulid buti pang maging frontliner pag buhay ko'y napatid kaysa parang uod lang sa tae, nanlilimahid sana'y maging frontliner sa panahong kwarantina kaysa parang tuod na nakatulala tuwina sana'y makatulong pa rin sa problema ng masa lalo't ako'y tibak, sagad-sagaring aktibista kahit sana tagabalot ng mga ibibigay na relief goods, basta maging frontliner na ring tunay kaysa laging tititig sa kisame't nagninilay baka lundag lamang ng butiki ang ikamatay kung mamamatay ako dahil sa coronavirus ayos lang basta naging frontliner din akong lubos kaysa isang tuod, stay-at-home, parang busabos buti pang naging frontliner na tuloy sa pagkilos buti't di pa ako nagkakasakit hanggang ngayon ngunit ayokong maging tuod na pulos lang lamon sana'y maging frontliner na may gagawin maghapon kaysa maging langaw sa tae, ayoko ng gayon - gregbituinjr.

Ang pagbabalik sa tunay na ako

oo, nais ko nang bumalik sa tunay na ako di tulad ngayon na tila ako'y isang anino dusa't ligalig itong dama sa payapang mundo esensya ng buhay ay di ko maramdaman dito sa malayong probinsyang tila baga sementeryo walang naitutulong sa laban ng maralita gayong sekretaryo heneral ng samahang dukha di rin nakakalahok sa laban ng manggagawa dahil kwarantina pa't sa bahay lang naglulungga nagninilay ng anuman, laging naaasiwa dapat gumising na sa matagal kong pagkaidlip ayokong maging pabigat kahit sa panaginip tila uod ako sa taeng ayaw mong mahagip tila damong ligaw ako sa gubat na kaysikip kung sino ako'y balikan, nang sarili'y masagip di ako ito, na isang anino ng kahapon tila ako'y isang multo, kailan ba babangon sa kwarantina'y nalulunod, paano aahon nais ko nang bumalik sa kung sino ako noon makilos na tibak, may adhika, prinsipyo't layon - gregbituinjr.

Misyon kong pageekobrik

Imahe
gawain ko'y di pa matatapos hangga't may plastik ipon ng ipon, gupit ng gupit ng mga plastik bawat nagupit ay isisilid sa boteng plastik ang di ko na lang magupit ay mga taong plastik ito na'y misyon at tungkulin ko sa kalikasan tipunin ang mga plastik doon sa basurahan paunti-unti man, nang di mapunta sa lansangan, ilog, karagatan, landfill, iyang plastik na iyan patuloy pa akong nageekobrik hanggang ngayon upang kalikasan ay di malunod o mabaon sa sangkaterbang plastik na sa mundo'y lumalamon ngayong lockdown ay plastik ang uso't napapanahon isang aral mula sa Kartilya ng Katipunan gugulin ang buhay sa malaking kadahilanan di kahoy na walang lilim o damong makamandag at pageekobrik ay malaki ko nang dahilan - gregbituinjr.

Pagpupugay kay Lorraine Pingol

Imahe
Pagpupugay kay Lorraine Pingol tinulungan niyang manganak ang isang babae na napairi sa isang bangketa sa Makati di na nagdalawang-isip ang nars na anong buti isang nars na may puso, at tunay ang pagsisilbi kayganda pa ng kanyang sinabing makabuluhan anya, "May sinumpaan kami, 'yung 'Good Samaritan'. "Whenever you are," tutulong ka saanman, sinuman "kahit outside of work ka, kapag may nangailangan" "in the name of humanity," gagawin ang adhika "you have to help because you're a nurse," tunay kang dakila maraming salamat, Lorraine Pingol, sa 'yong ginawa kayganda ng iyong ipinakitang halimbawa wala man sa trabaho o pauwi na sa bahay ikaw ay isa pa ring nars na may tungkuling taglay kaya sa iyo, Lorraine Pingol, mabuhay, mabuhay! sa maganda mong halimbawa, kami'y nagpupugay - gregbituinjr. 08.22.2020 * balita't litrato mula sa fb ng ABS-CBN News, 08.20.2020

Matutulog ng gutom

minsan, matutulog na lang akong gutom na gutom may pagkain man, pipikit na akong nakakuyom ang kamao, may alalahanin, bibig ko'y tikom tutulog ng mahimbing, walang kain, walang inom paano ka ba makakakain kung walang sigla ang matamis na sorbetes, lasahan mo't mapakla sugat-sugat ang damdamin pag dama'y walang-wala ito'y itulog na lang at baka mabalewala sa panahon ng kwarantina'y walang mapasukan maging frontliner lang sana'y nakatulong sa bayan gawa ko'y magsulat ng mga isyung panlipunan ngunit bisyo kong pagtula'y di mapagkakitaan matutulog akong gutom kahit may makakain habang nakabara'y pulos tinik sa saloobin tititig sa ulap, magninilay, anong gagawin matulog na muna't baka gumaan ang damdamin - gregbituinjr.

Ang magtrabaho para sa sahod

ako'y magtatrabaho muli para na sa sahod imbes na sa uri't bayan, sa iba maglilingkod upang buhayin ang pamilyang itinataguyod sistema'y ganito't sa kapitalista luluhod isipin na lang ito'y panahon ng COVID-19 kayraming nawalan ng trabaho't di makakain kayraming nagdurusa't kumapit na sa patalim ganito ba ang esensya ng buhay? nasa dilim? aplay ng aplay gayong wala namang mapasukan pag nalamang tibak o dating tibak, tatanggihan tila ako'y aninong naglalakbay sa kawalan nanalasang COVID ay kayraming pinahirapan marahil mag-aplay na muna ako sa N.G.O. na ipinaglalaban ang karapatang pantao o sa mga samahang nagtatanggol ng obrero doon sa mga sang-ayon sa aking aktibismo - gregbituinjr.

Nasa aking dugo ang pagiging Katipunero

nasa aking dugo ang pagiging Katipunero kaya tinataguyod ang lipunang makatao at nakikibaka kasama ang dukha't obrero nang pinaglalaban ay tiyaking maipanalo ang Kartilya ng Katipunan nga'y sinasabuhay pati akdang proletaryo'y inaaral ding tunay "Iisa ang pagkatao ng lahat" ay patnubay na sinulat ni E. Jacinto upang maging gabay ako'y makabagong Katipunero't aktibista aktibong kumikilos tungo sa lipunang nasa lipunang walang pang-aapi't pagsasamantala upang tiyaking mabago ang bulok na sistema ang pagiging Katipunero'y nasa aking dugo dukha't manggagawa'y kasangga sa tuwa't siphayo iwing buhay na'y inalay, dugo man ay mabubo nang lipunang makatao'y tiyaking maitayo - gregbituinjr.

Pag nakikita mo akong minsan nakatunganga

pag nakikita mo akong minsan nakatunganga di nangangahulugang ako'y walang ginagawa abalang-abala ako, tambak ang nasa diwa maya-maya lang, kukunin na ang pluma't kakatha dahil pagtunganga'y isa ring malaking trabaho lalo't manunulat ako't makatang proletaryo ang pagtunganga ko'y di katamaran ang simbolo kundi kasipagang balangkasin ang tula't kwento nakatitig sa kisame, nagninilay na naman kongkretong sinusuri ang kongkretong kalagayan habang tulalang nakatitig doon sa kawalan ang kinakatha'y samutsaring paksa sa lipunan pagtunganga'y isa lang proseso sa pagsusulat pagtunganga'y pagtugaygay din sa paksang nagkalat habang pinagninilayan anumang mabulatlat na maaaring magamit sa akda't pagmumulat kaya minsan, hayaan mo akong nakatunganga masipag lang nagtatrabaho ang iwi kong diwa iyan ako, nagsusulat, akala mo'y tulala sipag ko'y di sa pagbubuhat, kundi sa pagkatha - gregbituinjr.

Aba'y may matematika rin kahit sa pagsinta

aba'y may matematika rin kahit sa pagsinta na kapansin-pansin pag ikaw na'y nagkapamilya pupunta sa nililigawan, mamamasahe ka magastos man ngunit mag-iwan ng barya sa bulsa huwag kang manligaw kung walang pambili ng rosas iba na ngayon, inaasam ang mabuting bukas at pag sinagot ka'y pag-isipan na ring madalas huwag pakasal kung wala kang pambili ng bigas isipin magkano ang lingguhang gatas ni beybi maglalakad ka na lang ba kung walang pamasahe o, pagsintang labis ang kapangyarihang maghele hinehele si beybi sa umaga hanggang gabi ang matematika'y kaakibat ng ating buhay pagkat bawat kibot, pera'y bibilangin mong husay sahod mo'y pagkakasyahin, magtitipid kang tunay numero'y kasa-kasama na kahit humingalay kaya bata pa lang, matematika na'y aralin huwag itong katakutan bagkus ito'y alamin tulad ng chess, matematika'y kaysarap namnamin pagkat ito nama'y bahagi na ng buhay natin - gregbituinjr.

Ako ba'y namamalikmata't sa Mars daw nagpunta

ako ba'y namamalikmata't sa Mars daw nagpunta doon daw ay di pa uso ang pagsasamantala wala pang ipaglalabang panlipunang hustisya pagkat doon ay nakikipagkapwa bawat isa ngunit sabi ng mga tibak, "There is no Planet B!" kaya planetang Earth pa rin ang tahanang sarili ngunit dito'y may pagsasamantala't pang-aapi at mga trapo'y sa sarili lamang nagsisilbi manggagawa'y lumilikha ng yaman ng lipunan magsasaka ang nagpapakain sa sambayanan bakit silang kaysisipag ang walang-wala naman ang kapitalista't asindero'y nagbubundatan namamalikmata lang ba akong sa Mars nagtungo kung saan wala pang pang-aapi't pagkasiphayo lipunang makatao ba'y doon maitatayo ewan, sa balintataw ko'y agad itong naglaho - gregbituinjr.

Minsan nga'y maging kompositor ang aking naisip

minsan nga'y maging kompositor ang aking naisip tila ako'y himbing na himbing pa't nananaginip pagkat may paksang sa diwa't puso ko'y halukipkip na nais ipahayag subalit di ko malirip minsan, naisip kong gawing awit ang kathang tula bakasakaling dito'y magtagumpay na ring pawa marahil, mag-ensayo nang maggitara't tumipa lagyan ng tono ang tulang pinagbuntis ng diwa ngayong nasa kwarantina'y naisip kong gagawin dapat nang kumilos, di ko man itulak-kabigin upang tula'y di mo na lang sa aklat babasahin kundi maririnig bilang awit sa papawirin maglilingkod sa masa ang mga awit na ito na tatalakay din sa buhay ng dukha't obrero aawitin ang paksa ng lipunang makatao ah, dapat nang simulan, sa gitara'y mag-ensayo - gregbituinjr.

Sa aking ika-26 na anibersaryo

pangdalawampu't anim na taong anibersaryo nang ganap kong niyakap ang sinumpaang prinsipyo na ipaglaban ang isang lipunang makatao na para sa adhika, buhay ay isakripisyo ako'y aktibistang may adhika't paninindigan upang kamtin ng bayan ang hustisyang panlipunan upang maggalangan ang bawat nating mamamayan karapatang pantao't dignidad ay ipaglaban kaya ngayon ay naritong payapang nagninilay ninanamnam, anong lasa ng esensya ng buhay puspusang nakikibaka't may simpleng pamumuhay sa rebolusyong yakap ko'y buhay ang inaalay kaya sa aking pangdalawampu't anim na taon ng pagiging kasapi ng bunying organisasyon naririto pa ring kumikilos para sa layon hanggang mamatay na tutupdin ang inangking misyon - gregbituinjr. 08.17.2020

Itulog muna ang nararamdaman

minsan, ayaw ko nang mag-isip, ayaw nang kumatha minsan, nais ko nang biglang mawalang parang bula ang panahon ng kwarantina'y nakakatulala animo'y digmaang ang patay ay kabi-kabila nais ko nang matulog kahit labinglimang taon at gigising lang sa ikalabing-anim na taon maglalakbay doon sa malayo, maglilimayon magmumulat na lang ng mata sa ibang panahon ah, depresyon na ba itong aking nararamdaman ay, di pa tapos ang laban, di ba? walang ayawan! nagsusulat pa rin ako't nagsisilbi sa bayan patuloy ang pagkatha't kumakatha sa kawalan hungkag ba ang buhay sa panahon ng kwarantina? buhay ba sa mundo'y anong esensya, ang halaga? marahil kailangan ko itong itulog muna at baka bukas masalubong ang bagong umaga - gregbituinjr.

Pagbabasa ng mga kwentong katatakutan

Imahe
ang korni ko raw, nagbabasa ng katatakutan ngunit tinutunghayan ko ito bilang aliwan di upang takutin ang sarili kundi malaman ang epekto ng maikling kwentong ito sa bayan binabasa ko rin ito upang matutunan ko kung anong simula, gitna't wakas ng bawat kwento kung paano't bakit sinulat ng may-akda ito layunin ba niyang manakot ay naabot nito sinu-sino ang karakter, anong istorya, banghay matatakot ka ba kung ang kwento'y tungkol sa bangkay paano kung may aninong sa iyo'y nakabantay likhang isip lang ba ang kwento, saan nakabatay aba'y kaysarap magbasa't magpalipas ng oras lalo na't kwarantina, walang magandang palabas mabuti nang magbasa, kontrolado mo ang dahas kaysa tunay na buhay, na labanan ay di patas - gregbituinjr.

Paalala sa karatula

Imahe
basa-basahin ang nakasabit na karatula baka dahil dito'y makaligtas ka sa sakuna "watch out, falling debris", di ito isang pelikula "watch out", tingnan, "falling debris", baka mahulugan ka sa lugar ng konstruksyon, "safety first" lagi ang una dapat may proteksyon ang manggagawa, helmet, bota, gwantes, at iba pang dapat upang di madisgrasya kayhirap maaksidente't kawawa ang pamilya maging alisto, "safety first" lagi'y pakaisipin noong manggagawa pa ako'y sinabi sa akin bilang machine operator ay tinanggap kong bilin upang di madale ng makinang tinanganan din may sensor man ang makina'y baka ka malusutan mahirap nang masaktan, may daliring maputulan saanman mapunta, "safety first" ay laging tandaan idagdag pa ang "presence of mind", huwag kalimutan - gregbituinjr.

Kung walang tulo sa gripo

Imahe
sa gripo'y malalaman mo kung bukas o sarado kung gamit mo'y makabago o ibang klaseng gripo tandaan lang, three-o'clock bukas, six-o'clock sarado nang walang tubig na masayang at makasiguro ayos ito ng orasan, kung sakaling matanong kung bukas ba o sarado ang gripo tulad ngayon gripo'y walang tulo, gamitin ang imahinasyon at kung sakaling magkatubig, di ito matapon kung alam mong walang tubig sa bahay, aalis ka laging tandaang ang gripo'y iwan mong nakasara o kaya'y ang kuntador ang isara mo tuwina kung hindi, baka pagdating mo, tubig ay awas na isara lagi ang gripo kung di mo ginagamit kung walang tubig, huwag iwang bukas kahit saglit three o'clock bukas, six o'clock sarado'y aking hirit upang walang maaksayang tubig, di ka magipit at sa muli, ayos ito ng orasan, di oras ayos ito ng gripo kung sarado ba o bukas sa ganito man lang ay madali mo nang nalutas kung gripo'y sara o bukas, tubig nga'y di nawaldas - gregbi

Ang babaeng may hawak na plakard

kaylakas ng dating ng babaeng plakard ang hawak doon sa rali habang pawis ay tumatagaktak kulang na lang ay bigyan mo ng rosas na bulaklak ang totoo, sila'y naroong may pusong busilak sapagkat ipinaglalaban nila'y karapatang pantao, dignidad, at katarungang panlipunan sa plakard nila'y nasusulat ang daing ng bayan nakatitik sa plakard ang kanilang panawagan mataba man o payat, may kurikong man o wala pagtangan lang niya ng plakard ay kahanga-hanga mga bunying aktibistang nagtatanggol sa madla nakikibakang kasama ang dukha't manggagawa bilib ako sa kanila kaysa babaeng pa-sweet na ayaw sumamang ipagtanggol ang maliliit kung manliligaw ka, piliin ang may malasakit sa bayan, ligawan mo'y tibak kahit di marikit hanapin mo kung sinong handang humawak ng plakard may prinsipyo't handang sumama sa mahabang lakad tungong Mendiola, sa araw ay di takot mabilad na tulad ko'y lipunang makatao rin ang hangad - gregbituinjr.

Ang kaliwang kamao ng kapamilya

Imahe
nagtataas na rin sila ng kaliwang kamao patunay lang ng pagkamulat sa sistemang ito na may mga mapanupil na naupo sa pwesto na kaysa paglilingkod, mas matingkad ang negosyo na pinaglalaruan lang ang buhay ng obrero simbolo ng pakikibaka ang kamaong kuyom upang sa problema ng bayan, tayo'y makatugon sagisag rin ng pakikibaka laban sa gutom at paglaban sa bulok na sistema'y ating tugon laban sa paniniil, kaliwang kamao'y kuyom sa inyong nakakuyom na ang kaliwang kamao nakikiisa kami sa ipinaglalaban n'yo marangal na hanapbuhay, patuloy na trabaho sikmurang gutom, pamilya, karapatang pantao pakikibaka, katarungan, at wastong proseso magsama-sama tayo sa paglaban, Kapamilya upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya halina't lumahok din sa pakikibakang masa at sama-samang baguhin ang bulok na sistema magkapitbisig tayo tungo sa bagong umaga - gregbituinjr. * ang litrato ay mula kay Minda Castro sa https://www.facebook.com/photo?fbid=1229353260749266&set=pcb.4653

Tanaga sa dalita

Tanaga sa dalita I pinaslang si Echanis chairman ng Anakpawis dugo niya'y tumigis sa lupa ng hinagpis tinangay pa ng pulis ang bangkay ni Echanis ngipin mo'y magtatagis sa ginawang kaybilis mga kamag-anakan niya'y kuyom, luhaan panawagan ng bayan hustisyang panlipunan II Anti-Terrorism Act sa marami'y pahamak ito'y sadyang panindak ng gobyernong bulagsak ito ba'y instrumento? upang supilin tayo? manahimik lang dito? at huwag magkritiko? III O, maralitang lungsod atin nang itaguyod tunay na paglilingkod pagkat nakalulugod karapatang pantao'y ipaglabang totoo pati wastong proseso'y tiyaking sigurado - gregbituinjr. * Unang nalathala sa pahayagang  Taliba ng Maralita , ang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 1-15, 2020, pahina 20.

Nais kong balikan ang daigdig na nagisnan ko

nais kong balikan ang daigdig na nagisnan ko kung saan doon ay may silbi ako bilang tao di sa ibang bayang tila ako'y isang multo lalo sa kwarantinang nawala ang pagkatao pagkat doon ay kumikilos ako't naglilingkod sa bayan, sa uring manggagawa, nakalulugod sa bawat rali'y nasa unahan, sugod ng sugod sa bawat pagsulat ng katha'y nagpapakapagod pagkat doon, nagagawa kong lubusan ang layon bilang sekretaryo heneral ng organisasyon dito sa malayo, sa kompyuter lang tumutugon animo'y arm chair revolutionary ako ngayon masakit isipin ang gayon, ngunit may pandemya sa pagsusulat lang ng akda nagkakapag-asa sarili'y inihahanda kung kailanganin na sa anumang pag-aaklas ang buo kong presensya pagkat ako'y aktibistang lingkod ng sambayanan ng uring manggagawa't naghihirap sa lipunan handa kong ialay ang talino ko't kakayahan sa prinsipyong niyakap ng buo kong katapatan - gregbituinjr.

Istorya ng isang torpe

tila sa panaginip lang ako di mahiyain ngunit sa totoo'y dungo, kiming di unawain napipipi sa diwatang nais kong kausapin walang masabi sa harap ng sinasambang birhen tila ang ganda niya'y kapara ni Ara Mina na magandang artistang pinangarap ko noon pa kaysarap halikan, nangungusap ang mga mata kayhirap maging kimi, bibig ay di maibuka sobra akong mahiyain, tawag nga nila'y torpe nanginginig, napipipi sa harap ng babae minsan, nagkunwari akong maton, isang salbahe subalit di umubra hanggang ako'y pinagkape nangangain ba ang mutyang di naman manananggal bakit pag kaharap siya, tuhod ko'y nangangatal maginoo naman ako't nagbibihis marangal ngunit ako'y torpe, napapaso't di makatagal hanggang makatulog na ako't muling nanaginip ang aking mutya'y sa patibong ay dapat masagip tinangay siya ng halimaw na di ko mahagip ako'y nagising na siya pa rin ang nasa isip - gregbituinjr.

Bugtong sa hayop

tila ba iyon ay bastong di mahawak-hawakan o kaya'y sinturong baka ikaw ay puluputan pausad-usad sa puno o kaya'y sa damuhan dala-dala'y kamandag kaya kinatatakutan kulisap yaong malaki ang mata kaysa ulo sa kabukiran nga ito'y paroon at parito kahit di lumilipad ay di maitiklop nito ang pakpak na kung lumipad ay parang eroplano animo'y sastre itong kung manahi'y nagbabaging sa gitna'y tumitigil, doon nagbahay sa lilim subalit walang bubong o haliging itinanim sa ibang kulisap nga, gawang bahay nito'y lagim pagmasdan mo't sa kalupaan ay kukupad-kupad ngunit pag nasa tubig na'y kaybilis ng pag-usad laging usong ang bahay kaya kaybagal lumakad ngunit pag bahay na'y binangka, tila may pag-unlad - gregbituinjr.

Ang pagngata ng hilaw na bawang

hilaw na bawang sa umaga'y aking nginangata kaya raw pala bumabaho ang aking bunganga matapos kong ngatain ay magsisipilyong kusa maamoy man ang bawang, pampalakas namang sadya minsan nga'y isasama ko ang bawang sa kamatis upang iulam, kunwari'y inulam ay matamis nakasanayan ko na ang ganito't pampaalis umano ng sakit, at ang ngipin mo pa'y lilinis anila, bawang ay pambugaw ng gaway o kulam ngunit sa akin, sa kalusugan ito'y mainam katutubong lunas daw sa anumang dinaramdam pamimitig, ubo't sakit ng ulo ko'y naparam sa mahahabang lakaran nga'y tatagal kang tunay titibay ang resistensya't di basta mangangalay marahil bawang sa ngipin ko rin ay pampatibay pampaalis na ng umay, pantanggal pa ng lumbay - gregbituinjr.

Planado o palyado ang tugon sa pandemya

planado o palyado ang ginawa sa pandemya? ito'y katanungan, pagsusuri, o pagtatasa kung nangyaring pandemya'y nilulutas ba talaga? pasaway na agad ang gutom na gutom na masa kapag walang facemask, bigyan ng facemask, di ginawa hinuli pa't ikinulong ang dukhang walang-wala imbes doktor, pulis at militar ang nangasiwa imbes medikal, serbisyong militar ang ginawa parang War on Drugs na gusto agad nilang matokhang ang coronavirus na di nakikitang kalaban subalit imbes na coronavirus ang kalaban ang mga nakawawa'y karaniwang mamamayan ang karapatang pantao't dignidad ba'y biktima? A.B.S.-C.B.N., sinara; hinuli si Ressa Anti-Terrorism Act ang kanilang ipinasa at parusang bitay nga'y nais nilang ibalik pa imbes na free mass testing, sa paglutas ay kinapos shoot them dead sa pasaway, ang pangulo ang nag-utos kaya apat na kawal sa Sulu, si Winston Ragos ay pinaslang, imbes kalaban ay coronavirus galing sa Wuhan ang COVID-19, oo, sa Tsina pin

Mumunting libretong pampanitikan

Imahe
di ko na nasisilayan ang munti kong aklatan doon sa lungsod kung saan ako naninirahan dahil sa kwarantina'y naipit sa lalawigan biniling aklat sana'y babasahin kong mataman subalit wala ang mga iyon sa aking piling parang sayang ang gintong panahong tumataginting magbabasa ng literatura bago humimbing itutuloy naman ang pagbabasa pagkagising soneto ni Shakespeare nga'y sinimulan kong isalin ilang tula ni Edgar Allan Poe'y naisalin din nang makalabas, bumili ng ilang babasahin mumurahin mang libreto'y pampanitikan pa rin binili'y hinggil sa mitolohiyang Pilipino may hinggil sa bugtong, bagong alamat, at epiko may parabula hinggil sa buhay-buhay ng tao may balagtasan, dati'y gumagawa ng bukrebyu may palaisipan din, kinse pesos bawat isa sa isang upuan nga, isa nito'y tapos ko na subalit magagandang kumiliti ng ideya pagkat may natutunang bago sa mga nabasa mitolohiya't epiko'y sa isip sumariwa palaisipan, balagtasan, bugto

Alagaan natin ang planetang Earth

Imahe
paano ba dapat alagaan ang kalikasan kung asal natin ay magtapon lang kung saan-saan basura'y nagkalat sa lansangan at karagatan daigdig nating tahanan ay naging basurahan anong kinabukasan ang maibibigay natin sa ating mga anak kung ganito ang gawain minina pati kabundukan kaya kalbo na rin at plantang coal ay hinayaang magdumi sa hangin paano natin inunawa ang ekolohiya paano naintindihan ang nagbabagong klima ugali lang ba natin ang dahilan o sistema paano alagaan ang nag-iisang planeta sabi ng kapwa aktibista, "There is no Planet B!" bakit natin sinisira ang planetang sarili alternatibo na ba ang Mars, sa balita'y sabi kaya Earth ay hinahayaang kainin ng bwitre "There is no Planet B!", alagaan ang kalikasan ito'y pamana natin para sa kinabukasan huwag gawing basurahan ang Earth nating tahanan gawin natin ang marapat para sa daigdigan - gregbituinjr.

Muli akong mageekobrik

maglalakad ako upang mamulot ng basura lalo't na't mga plastik na pwedeng iekobrik pa mag-iikot sa bayan nang may magawa tuwina kaysa nakatunganga sa panahong kwarantina ang mga balutang plastik ay basta itinapon istro, baso, at boteng plastik ang nais maipon habang naglalakad, nag-iisip, naglilimayon anong paksa ang itutula buong maghapon di ko naman tinutularan si Samwel Bilibid nakakulong sa paglalakad at ligid ng ligid kung may dagat lang, lalanguyin ko ito"t sisisid ngunit ngayon para sa paksa'y magmamasid-masid di maaaring aktibista ka'y nakatunganga maaari akong tumunganga pagkat makata sa imahinasyon ay kinakatha na ang akda at sinusulat sa kwaderno upang di mawala sana'y makarami ng plastik na ieekobrik gugupiting maliliit ang napulot na plastik at sa boteng plastik nga'y muli akong magsisiksik patitigasin ko itong parang hollow block o brick ngayong lockdown, ganyan akong animo'y isang hangal mabuti't di ko pa nai

Aktibista'y lumalaban sa terorismo

ako'y aktibista, lumalaban sa terorismo pagkat hangarin ko'y isang lipunang makatao na karapatan at dignidad ay nirerespeto na walang pagsasamantala ng tao sa tao na ang malasakit ay di yaong malas at sakit di gaya ng ginagawa ng gobyernong malupit nilalagay ng terorismo ang buhay sa bingit lalo't terorismo ng estado'y nakagagalit layunin ng aktibista'y makataong lipunan kung saan nakikipagkapwa bawat mamamayan nagpapakatao naman ang buong sambayanan terorismo't pagsasamantala'y nilalabanan hangad itayo ng aktibista'y lipunang wasto at pinaninindigan ang makataong prinsipyo tinig ng pinagsamantalahang dukha't obrero kalaban ng mga tiwali, gahaman at tuso nasa diwa'y aral ng mga bayani ng bayan isinasapuso ang Kartilya ng Katipunan papawiin ang pagsasamantala sa lipunan na pribadong pag-aari'y ugat ng kahirapan ako'y aktibistang lipunang makatao'y mithi kaya ugat ng kahirapan ay dapat mapawi ang pakikipagkapw

Tula yaong nagpapanatili ng katinuan

tula yaong nagpapanatili sa katinuan kaya ngayon ay narito't nagsusulat na naman kung di dahil sa pagtula, walang kinabukasan baka matuluyan akong tumungong kamatayan sa panahong kwarantina'y mabuti nang tumula kaysa naman tumunganga't lagi na lang tulala nag-iisip paano paunlarin ang Taliba na pahayagan ng mga kasamang maralita sulat ng sulat para sa lipunang makatao upang matiyak din ang ninanasang pagbabago isulat kahit pagkadapa't dugo'y sumasargo isulat ang nasa diwa wala man sa huwisyo ganito sa lockdown, nakakaburyong ngang talaga subalit patuloy pa ring naglilingkod sa masa nagpopropaganda pa rin kahit na kwarantina oo, pagkat iyon ako, makata, aktibista - gregbituinjr.

Ako'y aktibista

ako'y aktibista, kalaban ng mga kriminal pinaglalaban ang karapatang pantao't dangal ng kapwa't sambayanan laban sa ganid at hangal na namumuno sa bayan, lideratong pusakal hangad naming aktibista'y lipunang makatao na walang pagsasamantala ng tao sa tao na dignidad at wastong proseso'y nirerespeto at nakikipagkapwa sa bawat isa sa mundo kaaway kami ng namumunong mapagmalabis sa pwesto kaya dukha sa hirap na'y nagtitiis kalaban kami ng mga tuso't gahamang burgis na magpasasa't tumubo ng limpak lang ang nais nakikiisa kami sa laban ng manggagawa kaisa rin kami sa pakikibaka ng dukha kakapitbisig kami ng hukbong mapagpalaya upang makamit ng bayan ang asam na ginhawa ang bayan at ang lipunan ay aming sinusuri napagnilayan naming ang pribadong pag-aari ang ugat ng kahirapan, nagpasulpot ng uri, kaya may mapagsamantala't uring naghahari ako'y aktibista, na kalaban ng mararahas, hinahangad naming umiral ang pagiging patas, ka

Nilay sa paglisan

para lamang akong naghihintay ng kamatayan doon sa malayong lugar na animo'y himlayan tila ba yaon ay sementeryo na't pahingahan payapang-payapa, malayo sa anumang laban di ganito ang buhay at kamatayan kong asam mamamatay lang ba ako sa sakit na natalos? o mamatay akong sa noo'y may balang tumagos? gayong nakibaka sa anumang pambubusabos gayong sa bulok na sistema'y nakikipagtuos at pinaglaban ang dignidad ng kapwa hikahos nais kong mamatay sa laban, sa pakikibaka di sa payapang lugar na buhay mo'y binalasa nais kong mamatay, di sa sakit, kundi sa bala, na nakibaka para sa panlipunang hustisya, na ginawa ang layon para sa obrero't masa sana'y matupad ang kamatayan kong ninanais at nasa aktwal na laban pag tuluyang nagahis tiyaking sapol, nang di na mabuhay pagkat daplis, na ako'y aktibistang nakibakang labis-labis na ang makata'y naglingkod sa kabila ng hapis sinong makapagsasabing paano ba mamatay? sinong magsasabing paano

Tibak sa gabay ng Kartilya ng Katipunan

   "Ang buhay na hindi ginugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kundi man damong makamandag." ~ unang taludtod ng Kartilya ng Katipunan tibak akong nabubuhay sa gabay ng Kartilya ng Katipunan at kumikilos para sa masa na ipinaglalaban ang panlipunang hustisya asam na ginhawa'y kamtin ng bayang umaasa ayokong matulad lang sa kahoy na walang lilim na iwing buhay nga'y payapa ngunit naninimdim ako'y aktibista, abutin man ng takipsilim kumikilos kaharapin man ay ubod ng talim pariralang "Iisa ang pagkatao ng lahat!" ay mula kay Gat Emilio Jacinto na sumulat ng akdang Liwanag at Dilim na sadyang nagmulat sa akin at sa iba nang ito'y aming mabuklat kaya ang pagtatayo ng lipunang makatao ay pangarap na ipinaglalaban ng tulad ko sino bang di kikilos kung pangarap mo'y ganito na walang pagsasamantala ng tao sa tao kaya buhay ko'y laan na sa marangal na layon kaya sosyalismo ni Jacinto'y ginawang misyon sakali mang t

Oo, kaming aktibista'y mapang-usig

 oo, mga aktibistang tulad ko'y mapang-usig lumalaban upang mapagsamantala'y malupig nakikibaka upang hibik ng api'y marinig sa manggagawa't dukha'y nakikipagkapitbisig inuusig namin ang paglabag sa karapatan at mga pagyurak sa dignidad ng mamamayan nakikibaka para sa hustisyang panlipunan lumalaban sa mga kapitalistang gahaman hangad naming itayo ang lipunang makatao na walang pagsasamantala ng tao sa tao na karapatan at dignidad ay niterespeto na ginagalang ang due process o wastong proseso nakikibaka laban sa pribadong pag-aari pagkat ugat ng kahirapan at pang-aaglahi inuusig ang mga mapang-api't naghahari at nilalabanan ang mapagsamantalang uri oo, kaming mga aktibista'y tinig ng dukha nakikibakang kakampi ng uring manggagawa kaming tibak na kawal ng hukbong mapagpalaya upang makamit ng bayan ang asam na ginhawa - gregbituinjr.

Matapos lang ang lockdown

 matapos lang ang lockdown ay babalik ng Angono sa Mahabang Parang na dating pinamugaran ko at doon sa kapwa dukha'y muling magseserbisyo habang tinataguyod ang niyakap kong prinsipyo magiging katuwang muli ng kapwa mahihirap na sinasalita'y unawa ko't katanggap-tanggap doon, magsusulat muli't patuloy ang paglingap at bilang lider-maralita'y doon mangungusap ngayon ay nasa malayong iba ang kamalayan iba ang kultura, walang mga isyu o laban sayang lang kung tibak kang dito na maninirahan sa payapang nayon na prinsipyo mo'y natabunan ako'y aktibista, babalik ako sa labanan ang tulad kong tibak ay nababagay sa lansangan ayoko sa payapang lugar na pahingahan lang lugar na tila naghihintay lang ng kamatayan di ko nais magtagal dito sa payapang nayon di rito ang lunsaran ng asam na rebolusyon ang buhay ko'y nasasayang sa payapang maghapon mabuti nang umalis upang tuparin ang misyon - gregbituinjr.

Partisipasyon sa kilusang masa ngayong lockdown

 mabuting sa kilusang masa'y may partisipasyon at tuloy-tuloy kaysa nakatunganga maghapon ayoko namang nakatanghod lang sa telebisyon habang nag-iisip saan kukunin ang panglamon pagkat nakakaburyong ang panahong kwarantina mabuti't nakaugnay pa rin sa kilusang masa at nakakapaglingkod pa rin ang tangan kong pluma ang magsilbi sa masa'y tungkuling dama ko'y saya patuloy lamang ako sa gawaing pagsusulat anumang pakikibaka'y inaalam kong sukat kung may paglabag sa karapatang dapat maungkat ay dapat masaliksik upang ito'y isiwalat subalit wala namang kita sa pagsusulat ko gaano man ako kasipag sa gawaing ito ngunit ito'y tungkulin kung saan masaya ako lalo't ako'y manunulat, makata hanggang dulo magsulat para sa masa'y niyakap kong tungkulin habang naninindigan at yakap ang adhikain sapagkat ako'y tibak, ito'y tapat kong gagawin para sa masa'y maghahanda lagi ng sulatin - gregbituinjr.

Paso na ang aking pasaporte

 Agosto sais, limang taon nang nakararaan nang pangatlo kong pasaporte'y natanggap ko naman kaya muling nakapaglakbay at nangibangbayan ah, kaysarap gunitain ng panahong nagdaan limang taon na'y lumipas, pasaporte'y paso na dalawang bansa'y narating niyon, una'y sa Tsina lumapag iyon sa Ghuangzhou, sa paliparan nila, at dumiretso tungo sa destinasyon kong Pransya dahil sa Climate Walk kaya muli may pasaporte sa di pa narating na bansa'y nakapagbiyahe upang gampanan ang misyon kung saan napasali ipanawagan ang "Climate Justice" sa pilgrimahe dahil naglakad mula Luneta hanggang Tacloban mula umpisa hanggang matapos,  walang uwian, na pasaporte ko upang isama sa lakbayan, mula Lyon hanggang Paris, at saksi sa COP Twenty One ngayong Agosto 6, paso na ang pasaporte at isang alaala na lang ang mga nangyari sa Japan, Thailand, Burma, Tsina, Europa ang huli sana, minsan pa, muli akong makapagbiyahe - gregbituinjr. 08.06.2020

Nilay sa ika-75 amibersaryo ng pagbagsak ng bomba atomika

Imahe
Nilay sa ika-75 amibersaryo ng pagbagsak ng bomba atomika paggunita sa anibersaryong pitumpu't lima ng pagbagsak ng anong tinding bomba atomika na pumaslang ng maraming tao sa Hiroshima at Nagazaki, libu-libo'y naging hibakusha natapos ang Ikalawang Daigdigang Digmaan ang gerang nilahukan ng imperyalistang Japan bilang isa sa Axis, pati Italya't Aleman, upang palawakin ang sakop nila't kalakalan kayraming namatay, kayraming naging hibakusha o nabuhay sa epekto ng bomba atomika lapnos ang balat, katawan ay halos malasog na animo'y wala nang buhay ngunit humihinga pa mayoryang biktima'y mga inosenteng sibilyan nangyaring iyon ay kakaiba sa kasaysayan ng sangkatauhan, di dapat maulit na naman lalo't may sandatang nukleyar sa kasalukuyan "never again sa nukleyar", panawagan nga nila na dapat dinggin para sa panlipunang hustisya "nuclear ban treaty" hibik ng mga hibakusha silang nabubuhay sa

Ang pagbabaraha

sinusugal ko na nga buhay ko para sa masa bakit aaralin ko pa ang laro sa baraha di pa ba sapat na marunong akong bumalasa bakit aaralin ko pang maglaro ng baraha simple lang ang sagot mo, upang may magawa tayo bakit baraha, pwede namang magbasa ng libro katuwaan lang naman, malay mo, baka manalo e, ano kung manalo, pampatay oras lang ito gamitin natin ang gintong oras kung anong tama baka may maiambag pa tayo sa ating bansa kaysa magbaraha't gumawa upang may magawa pag nauwi sa sugal, baka pamilya'y isangla hayaan mo nang di ako matutong magbaraha baka iwing buhay ko pa ang aking mabalasa baka pag nahasa rito'y hanap-hanapin ko na matututo nang magsugal, pabarya-barya muna pag may nanghamon, aba'y lalaban na sa sugalan taya kung taya, hangga't bulsa'y naritong may laman sa una'y pinadama, kayraming napanalunan sa susunod ay talo na, salapi'y naubusan - gregbituinjr.

Nakakatamad man ang umagang kaylamig

minsan nga'y nakakatamad ang umagang kaylamig subalit dapat bumangon kahit nangangaligkig upang ihanda ang almusal, dapat nang tumindig igalaw-galaw ang ulo, katawan, paa't bisig dapat nang kumilos kahit umaga'y anong ginaw minsan, mapapabangon agad sa madaling araw upang umihi't di makadama ng balisawsaw matapos iyon, mag-ehersisyo't gumalaw-galaw kakainin ang bahaw at tirang ulam kagabi pagkat nakagugutom din ang pagmumuni-muni makikinig sa mga ulat, balita't sinabi baka maitula ang anumang tagong mensahe mabubusog, magpapahinga, magbabasa-basa maglampaso, magluto, magsaing, bago maglaba magsepilyo, maligo, magpunas gamit ang twalya magbihis, mag-ekobrik, sa tanim ay bibisita - gregbituinjr.

Ang pagkaing pam-budgetarian

laging handa ko'y talbos, o kaya'y tuyo't kamatis pagkat pagiging vegetarian na'y yakap ko't nais pagkat ako'y budgetarian ding di dapat magtiis isda't gulay lang, karne sa sistema na'y inalis habang nagkakarne pa rin ang pamilya't si misis ako'y pinagsamang vegetarian at budgetarian na bagong sistema upang lumakas ang katawan walang taba ng baka, baboy, manok, walang laman nakakapagtipid at nakakapag-ipon naman lalo't tulad ko'y sakbibi pa rin ng karukhaan vegetarian, budgetarian, dapat ipagmalaki kumbaga sa pananim, marami kang maaani sa paglilingkod sa bayan, lalong magkakasilbi pagkat lulusog ang katawan, panay pa ang muni di basta magkakasakit, tangi kong masasabi - gregbituinjr.

Pakiramdam ko'y puputok ang aking mga ugat

pakiramdam ko'y puputok ang aking mga ugat lalo't nadaramang palamunin lang at pabigat tila paslit akong inihihimutok ang sugat na ilang araw lang naman ito'y magiging pilat nadama sa kwarantina'y di dapat ipagtampo walang kinikita gayong wala namang negosyo wala ring sinasahod gayong di naman obrero masipag sa gawaing bahay, di man naempleyo may pinagkakaabalahan namang pahayagan na nalalathala dalawang beses isang buwan na paksa'y sinasaliksik at pinag-iisipan na buong dalawampung pahina'y dapat palamnan bawat araw nga, dalawang tula'y dapat malikha minsan isa, tatlo, basta't dalawa'y itinakda sa gawaing bahay at ekobrik nga'y nagkukusa sa pagsusulat lang madalas napapatunganga ayokong ituring na pabigat o palamunin kung iyan ang palagay o tingin nila sa akin mabuting mawala na't ako'y kanilang patayin upang mapawi ang sumbat na di ko kakayanin - gregbituinjr.

Parinig at pag-iipon

pag-iipon laban sa sistemang kapitalismo mag-ipon nang makapag-organisa ng obrero mag-ipon habang nasa kwarantina pa rin tayo kung paano makaipon, pag-isipang totoo magkatrabaho'y laging pinaririnig sa akin dapat daw permanenteng trabaho'y aking maangkin noon, ako'y permanente'y nilayasan ko pa rin pagkat ano bang esensya ng trabahong alipin wala kasing sahod kaya laging pinariringgan ngunit pananaw nila'y akin namang ginagalang pagiging Katipunero'y nasa ugat ko lamang kaya laging nasa isip ay paglaya ng bayan parinig naman nila'y tila naging inspirasyon paano ba mag-iipon para sa rebolusyon paano mag-iipon upang pondohan ang layon pag-aralan itong mabuti't simulang mag-ipon maghahanap ng paraan para sa maralita huwag lang makuntento sa paggawa ng Taliba paano ba popondohan ang pagkilos ng dukha ito'y dapat pagnilayan ng buong puso't diwa mula sa parinig, pulos parinig ng parinig mag-iipon habang mga dukha'y kakapit

Mahirap mang maging pultaym

pultaym na wala mang kita'y patuloy sa pagsulat pultaym mang walang sahod, patuloy na nagmumulat ganyan ang aking buhay-tibak, di mo man dalumat mahalaga, prinsipyo't adhika'y maisiwalat sulating patula ang nasa tiyan, puso't diwa saanman naroroon, tutuparin ang adhika bilang makata't kawal ng hukbong mapagpalaya nilay ng nilay, sulat ng sulat, gawa ng gawa may gawain bilang pultaym kahit na kwarantina basahing muli ang yakap na ideyolohiya rebyuhin din ang mga aklat at akdang nabasa magsulat ng polyeto't ipalaganap sa masa organisahin pa rin ang kapwa obrero't dukha, na lipunang mapagsamantala'y dapat mawala; lipunang makatao'y manggagawa ang lilikha at isang bagong sistema'y itatayo ng madla sa buhay na ito'y iyan ang munti kong pangarap na diwang malaya't makatao'y ipalaganap sa kabila ng pagiging pultaym, puspos ng hirap ay patuloy sa paggampan ng misyon at paglingap - gregbituinjr.

Ang masipag na tibak

tila ba itong kwarantina'y naging katwiran ko upang nasa bahay lang, tila nakakalaboso masipag, sa gawaing bahay nga'y pinakita ko ngunit walang perang ambag sa pamilya ko rito 'blessing-in-disguise' ba ang dinanas na kwarantina? upang tunay na kalagayan ay malaman nila? silang tingin dapat may permanenteng trabaho ka na talbusan mo ng panggastos para sa pamilya unawa ko naman ang ganoon nilang pananaw dapat may panggastos ka sa bawat kibot o galaw sa sistemang kapitalismo'y kulturang pinataw gayunman ako'y nagsisipag sa gawang matanaw nagsisipag pa rin akong gumawa ng ekobrik ginupit na plastik sa boteng plastik sinisiksik nagtanim din ng gulayin sa mga basong plastik balang araw, magbubunga ito't nakasasabik masipag ding magpropaganda't gumawa ng akda patunay ang dyaryong Taliba't sangkaterbang tula masipag magsulat tungkol sa prinsipyo't adhika hanggang mamatay ay magsusulat para sa madla huwag mo lang asahang may pera

Ang pinakamalaking banta sa ating planeta

Imahe
ANG PINAKAMALAKING BANTA SA ATING PLANETA "The biggest threat to our planet is believing that someone else will save it." - Robert Swan tayo na'y dapat kumilos para sa kalikasan gawin anong nararapat para sa daigdigan huwag gawing basurahan ang lupa't karagatan huwag iasa sa iba kung kaya natin iyan ang pinakamalaking banta raw sa ating mundo ay isiping sasagipin ito ng ibang tao o ibang nilalang, hindi ikaw, o hindi ako; ang dapat kumilos para sa ating mundo'y tayo isipin anong magagawa, sa kapwa, sa kapos makipagkaisa, magkapitbisig, at kumilos magtulungan upang mundong ito'y maisaayos kaya huwag na tayong maghintay ng manunubos ayon sa manlalakbay at may-akdang si Robert Swan ang pinakamalaking banta sa sangkalupaan ay ang isiping may iba namang sasagip diyan maghintay ng bathalang sasagip sa daigdigan kung may magagawa tayo upang mundo'y sagipin huwag nang umasa sa iba, pagtulungan natin walang aas