Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2021

Okra na naman

Imahe
OKRA NA NAMAN sa sikmura ko, ang karne'y di na kayang tanggapin nakita na akong suka ng suka pagkakain noon, akala ko, dahil lang sa mamantikain ang ulam at nagsusuka pag dumami ang kain ako nga'y tinanong nang mapansin ito ni misis at nagbiro pa siyang baka ako raw ang buntis hanggang pinagtapat sa kanya ang di na matiis kaya raw pala maraming pagkaing napapanis payo noon ni ina sa teks kong isinagawa aba'y tigilan ang pagkain ng mamantika habang si Ate'y nag-teks din at nagpayo ring kusa na sa kalusugan nga'y huwag nang magpapabaya subalit natagpuan ko rin ang tanging solusyon pagkat di isinusuka pag ito ang nilamon okra, petsay, sitaw, siling lara, ginisang kangkong,  kamatis, bawang, sibuyas, mustasa, pritong talong kaya nagpasyang mag-vegetarian at budgetarian ngayong hapunan, huwag magtaka, okra na naman na siyang paboritong gulay noong kabataan kaya tara, sa hapunang ito, ako'y saluhan - gregoriovbituinjr. 05.31.2021 (World No Tobacco Day)

Ang regalong inuman ni misis

Imahe
ANG REGALONG INUMAN NI MISIS binigyan ako ni misis ng lagayan ng tubig upang kung mauhaw, may mainom, di man malamig nang sa pagkauhaw ko raw ay di agad manginig sadyang tunay na kanyang ginawa'y kaibig-ibig minsan kasi'y nasa initan akong nagbabadya ang alinsangan, tirik na araw nga'y bubulaga banas ng panahon sa katawan ko'y humihiwa mabuting may tubig nang sa init ay nakahanda animo'y inahing mapag-alaga sa inakay animo'y diwatang ginagawa'y laging may saysay isang asawang aking katuwang sa tuwa't lumbay na bisig niya sa dibdib ko'y kaysarap dumantay sa regalo mo'y maraming salamat, aking giliw sa ating pagsasama'y tapat at walang bibitiw - gregoriovbituinjr. 05.31.2021 (World No Tobacco Day)

Magsulat ng magsulat

Imahe
MAGSULAT NG MAGSULAT patuloy na magsulat ng magsulat ng magsulat anumang yaong paksa'y isulat at isiwalat prinsipyong tangan ay isulat upang may mamulat na sa bawat lathala'y naroon ang pag-iingat magsulat ng sanaysay, ng nobela, kwento't tula at patuloy na magsikhay sa pagiging makata sina Batute't Balagtas ay mga halimbawa ng makata sa kasaysayan na dinarakila magsulat upang pangalagaan ang kalikasan at para sa pangarap na makataong lipunan magsulat upang makapaglingkod sa sambayanan at upang panlipunang hustisya'y kamtin ng bayan nagkalat ang upos at plastik, ano nang gagawin? upang kalikasan ay mapangalagaan natin kayraming inosente ang pinaslang ng salarin atas nga ba ng bu-ang ang isinagawang krimen? magsulat ng magsulat, magpatuloy sa pagkatha sa araw at gabi'y ginagawa't inaadhika na kabulukan din ng sistema ang tinutudla  prinsipyadong magsusulat para sa aba't madla - gregoriovbituinjr. 05.31.2021 (World No Tobacco Day)

Nang mawala ang awitan ng mga kuliglig

Imahe
NANG MAWALA ANG AWITAN NG MGA KULIGLIG himbing man, dinig ang awitan ng mga kuliglig tila kaysasaya't walang nadaramang panganib subalit bigla, dumatal ang unos, nangaligkig kaylakas ng sipol ng hangin sa gabing malamig umaga'y iba ang narinig, pagputol ng kahoy habang pakiramdam ko, mga puno'y nananaghoy habang katutubo'y patuloy na itinataboy ng mga tuta ng kapitalistang mapangdenggoy hinahanap ko'y pag-aawitan ng mga ibon sabay sa pagkawala ng puno'y nawala iyon naging maalinsangan na ang bawat kong pagbangon naging mabanas na ang dating masayang kahapon ah, paano ba maililigtas ang kagubatan mula sa tubo't kasakiman ng mga gahaman upang dibdib ng kagubatan ay pagkakitaan habang nasisira naman ang gubat na tahanan sa ngayon, sa tula ko sila maipagtatanggol gayong di ito solusyon sa kanilang hagulgol dahil ang pagtatanggol sa kanila'y may ginugugol panahon, buhay, pawis, dugo, sa kanilang ungol kaya paumanhin kung ito lang ang magagawa ngunit pagbubuti

Dagat na'y nalulunod sa upos

Imahe
DAGAT NA'Y NALULUNOD SA UPOS dagat na'y nalulunod sa upos sa basurang ito'y lubos-lubos paano ba ito mauubos ika nga, labis ay kinakalos hanggang maisipang mag-yosibrick na estilo'y para ring ecobrick di na lang plastik ang isisiksik kundi upos din sa boteng plastik baka sa upos, may magawa pa lalo't binubuo rin ng hibla barong ay mula hibla ng pinya lubid ay sa hibla ng abaka pagyoyosibrik ay simula lang ng pagtatanggol sa kalikasan pati sa ating kapaligiran at sa daigdig nating tahanan masasamahan ba ninyo ako sa marangal na gawaing ito salamat sa pagsuporta ninyo sa dakilang adhikaing ito - gregoriovbituinjr. 05.31.2021 (World No Tobacco Day)

Tula ngayong World No Tobacco Day

Imahe
TULA NGAYONG WORLD NO TOBACCO DAY ngayong World No Tobacco Day, patuloy ang adhika ng paggawa ng yosibrick na layon ay dakila tumulong upang sa upos ay mayroong magawa upang di ito basurang kakainin ng isda aba'y tadtad ng upos ang ating kapaligiran isa sa nangungunang basura sa karagatan kaya gawaing pagyoyosibrik ay naisipan upang may maitulong din kay Inang Kalikasan tulad ng ecobrick na plastik ang isinisiksik upos naman ng yosi'y ipasok sa boteng plastik isang layuning ginawang walang patumpik-tumpik baka masagip pa ang kalikasang humihibik - gregoriovbituinjr. 05.31.2021

Bukas na'y world No Tobacco Day

Imahe
BUKAS NA'Y WORLD NO TOBACCO DAY 'Day, bukas na'y world No Tobacco Day, paalala lang lalo't kayrami kong tanong na dapat matugunan maraming nagyoyosi, upos nama'y naglutangan sa sapa, ilog, lawa, at laot ng karagatan mareresiklo pa ba ang upos na nagsumiksik sa mga bahura't tangrib? sadyang kahindik-hindik! lalo kung basurang ito'y magiging microplastic na kakainin ng mga isdang di makahibik habang kakainin natin ang mga isdang iyan at microplastic ay mapupunta sa ating tiyan dahil sa upos ng yosing tinapon ay kung saan lang wala bang magawa sa upos ang pamahalaan? hanggang paunawa lang bang "Bawal Manigarilyo"? habang sa upos ay walang nagagawa ang tao? anong gagawin sa upos? pag-isipang totoo! ang mga hibla ba ng upos ay mareresiklo? kung nagagawang lubid iyang hibla ng abaka at kung nagagawang barong iyang hibla ng pinya sa hibla ng upos baka tayo'y may magawa pa upang di lang ito maglipana bilang basura 'Day, bukas na'y World No Toba

Samahang Engels at Kalikasan

Imahe
SAMAHANG ENGELS AT KALIKASAN nais kong magtatag ng pangkalikasang samahan na Dialectics of Nature ni Engels ang batayan papangalanang Samahang Engels at Kalikasan na tututok sa mga isyu ng kapaligiran pag-aaralang mabuti ang kanyang buong akda at isasalin ko rin ito sa sariling wika upang ito'y madaling maunawaan ng madla na dagdag sa habangbuhay kong misyon at adhika mag-organisa pa lang ng samahan ay mahirap ngunit dapat simulan nang maabot ang pangarap ngunit dapat magturo't mga dukha'y makausap at mga aral ni Engels ay maipalaganap sa Earth Day at World Environment Day, kami'y sasama sa mga pagkilos para rito'y makikiisa at itataguyod ang aral ni Engels sa masa baka makatulong din sa pagbago ng sistema Dialectics of Nature ni Engels ay gawing gabay ng bagong samahang may layon at adhikang lantay sa panahon niya'y di ito nalathalang tunay kundi ilang taon nang malaon na siyang patay dapat kumilos upang magtagumpay sa layunin dagdag pa'y susulat ng pahayag

Ang pangarap

Imahe
ANG PANGARAP nakakagutom ang katarungan kaya dapat matutong lumaban upang makamit ang inaasam: pantay at parehas na lipunan malupit ang kawalang hustisya lalo na sa karaniwang masa sadyang nangwawasak ng pandama ang dulot ng bulok na sistema ang mga dukha'y binubusabos lalo't buhay nga'y kalunos-lunos sahod ng manggagawa pa'y kapos tiis-tiis lang, makakaraos anong dahilan ng mga ito may tao ba talagang demonyo o dahil pag-aari'y pribado kaya maraming hirap sa mundo ah, kailangan nating magsuri bakit may burgesya't naghahari dahil sa pribadong pag-aari sumulpot ang interes at uri nakikita na ang kasagutan bakit sa mundo'y may kahirapan kung susuriin ang kalagayan ng pamayanan, bansa't lipunan pribadong pag-aari'y pawiin yaman ng lipunan ay tipunin ipamahaging pantay-pantay din upang ang lahat ay makakain kahit isa'y walang maiiwan kamtin ang hustisyang panlipunan at ating itatayong tuluyan ay isang makataong lipunan - gregoriovbituinjr.05.30.2021

Salamat sa mga unyon

Imahe
SALAMAT SA MGA UNYON salamat sa mga unyon manggagawa'y nagsibangon nang tuluyang magkaroon nitong pagbabagong layon pagkilos nang sama-sama ay nagawa't kinakaya upang kamtin naman nila ang panlipunang hustisya sahod ay bayarang wasto walong oras na trabaho karapatan, unyonismo katarungan, makatao ngunit marami pang hamon: pagkat kontraktwalisasyon sa obrero'y lumalamon ang wakasan ito'y misyon - gregoriovbituinjr. * litrato mula sa google

Sa minsan kong paglalakbay

Imahe
SA MINSAN KONG PAGLALAKBAY aking pasya'y lakbayin ang iyong mga pahina kahit plumang tangan ay halos mawalan ng tinta sa kalooban ay binibigyan kitang halaga pagkat batid kong sa iyo'y mayroon pang pag-asa narito akong mandirigmang sa iyo'y lulusob halukipkip ang iwing hangaring sadyang marubdob upang mailabas ang lahat ng nasasaloob at iyang kinalalagyan mo'y tuluyang makubkob sa unang kabanata pa lang ay nararahuyo matiyagang tinatahak ang samutsaring yugto ang hanap kong maninibasib ay tila naglaho habang sa paggalugad ay naritong di huminto ang ikalawang kabanata'y di matapos-tapos tila ba kung saan ay lagi akong humahangos upang iwasan lamang ang mga kalunos-lunos na sa puso'y sumiklab, na sa balat ko'y lumapnos hanggang tahakin pa ang iba't ibang kabanata nailagan ang palaso ng bunying mandirigma ngunit nakaliligalig ang unos at pagbaha habang mga nasalanta'y sadyang kaawa-awa - gregoriovbituinjr.05.30.2021

Basyan

Imahe
BASYAN may taal palang salita sa suksukan ng pana na magagamit sa mga sanaysay, kwento't tula halimbawa, ang kwento ng Aztec na mandirigma o kwento ni Robinhood o kawal-Spartan pa nga kung ang tawag sa suksukan ng itak ay kaluban na laging gamit ng magsasaka sa kabukiran ang suksukan naman ng mga palaso ay basyan na ginamit ng mandirigma noong una pa man bihirang pansinin ang basyan kahit napanood ang Lord of the Rings, Sacred Arrows, Rambo at Robinhood dahil di alam ang tawag doon ng inyong lingkod ngayon, bilang makata'y aking itinataguyod ito'y sinaunang Tagalog, ayon sa saliksik sa U.P. Diksiyonaryong Filipino natitik gawa sa kahoy ang basyan, gamit ng mababagsik na mandirigma, lalo ng aping nanghihimagsik salitang taal sa atin ay gamiting totoo lalo na't nasasaliksik natin ang mga ito ang salitang basyan ay binabahagi sa inyo upang magamit na sa ating mga tula't kwento - gregoriovbituinjr. *  basyan  - kaluban o suksukan ng mga palaso na gawa sa kahoy, mula sa

Pagbabasa ng tula ng kapwa makata

Imahe
PAGBABASA NG TULA NG KAPWA MAKATA binabasa-basa ang tula ni Archibald Mac Leigh ang Ars Poetica habang dito'y di mapakali pananalinghaga'y anupa't nakabibighani na tila yakap ko na ang magandang binibini minsan, dapat tayong magbasa ng tula ng iba at baka may ibinabahagi silang pag-asa na dapat pala tayong patuloy na makibaka upang kamtin ang asam na panlipunang hustisya ang mga mapagsamantala'y sadyang anong lupit na kawawang obrero sa mata nila'y mainit bulok na sistema nga'y pilit pang pinipilipit kaya karapatang pantao'y dapat pang igiit paglalarawan nito'y tungkulin naming makata sariling pagsulong ang pagbasa ng ibang katha baka may mapulot na ginto sa putikang lupa nagbabakasakaling tayo rito'y may mapala - gregoriovbituinjr. 05.29.2021     

Nang kinain ng bakunawa ang duguang buwan

Imahe
NANG KINAIN NG BAKUNAWA ANG DUGUANG BUWAN ang duguang buwan ay lumitaw kamakailan bakunawang kumakain ng buwan ba'y nariyan? buwan ba'y nakipagbuno rito kaya duguan? ang dating pitong buwan, ngayon ay iisa na lang anang alamat, malaking ahas ang bakunawa na diumano'y may bungangang sinlaki ng lawa may pakpak din daw ito at pulahan pa ang dila nakatira sa bungalog o malalim na wawa ang nilikha umanong buwan ni Bathala'y pito nilamon ng bakunawa ang anim, bakit kamo? dahil daw sa pagkahumaling sa liwanag nito natitirang buwan nga'y dapat iligtas ng tao sa pagsapit ng eklipse o laho kung tawagin itataboy ang bakunawa, mundo'y paingayin o kaya naman, awit at musika'y patugtugin o katutubong tagulaylay ay idaos man din sa alamat, si Haliya ang diwata ng buwan nagsasagawa ng tagulaylay ay mga baylan upang natitirang buwan ay maipagsanggalang mula sa bakunawang nais lamunin ang buwan - gregoriovbituinjr. 05.29.2021 * datos mula sa aklat na  Mga Nilalang na Kagila-g

Maagang pagbangon

Imahe
MAAGANG PAGBANGON madaling araw ay bumangon na ang inyong lingkod pagkat di na dalawin ng antok bagamat pagod nagmumog, naghilamos, nagsepilyo, at kumayod isinulat sa papel ang isyung tinataguyod madalas, madaling araw ako na'y nagigising at agad nang tatayo mula sa pagkagupiling kayraming napagninilay sa mababaw na himbing na tila dapat maghanda sa unos na parating habang naririnig pa ang aso sa pag-alulong na animo sa aking tainga'y may ibinubulong nagyayabang pa ba ang mga palalong marunong ngunit sa tunay na sagupaan ay urong-sulong maagang bumangon upang trabahuhin ang salin habang mga kuliglig ay naghaharutan pa rin maya-maya'y magluluto ng ulam at sinaing upang sa maagang pagtatrabaho'y di gutumin - gregoriovbituinjr.05.29.2021 * litrato mula sa google

Makasaysayang Mayo Bente Nuwebe

Imahe
MAKASAYSAYANG MAYO BENTE NUWEBE Bente nuwebe, sa Batangenyo'y kilalang balisong ang may tangan nito sa laban ay di umuurong Mayo Bente Nuwebe, araw ng maraming pagsulong o sa kasaysayan nga'y marami rin ang pag-urong bumagsak sa kamay ng Turko ang Constantinople makasaysayan ang talumpati ni Patrick Henry tulong sa pagtayo ng ospital ng Union Army nang mapatunayan ang Theory of Relativity araw na patunay ng lakas ng kababaihan Sojourner Truth at Dorothea Dix yaong pangalan na mas inisip ang kapakanan ng karamihan; si Abraham Lincoln, may sinabing makasaysayan tinatag ni Charles de Gaulle ang pamahalaang French  naging pangulo ng Russian Republic, Boris Yeltsin pasinayang araw ng United Nations Peacekeepers sinimulan sa Hong Kong ang grupong Scholarism tinayo ang replika ng Statue of Liberty sa Tsina't tinawag itong Goddess of Democracy ang Tiananmen Square ay napuno ng estudyante batid na sa kasaysayan ang sunod na nangyari sa kalusugan nga'y ngayon ang World Digestive

Pagtitig sa kawalan

Imahe
PAGTITIG SA KAWALAN ang makata'y naroong nakatitig sa kawalan bakit kaya? ano na namang pinagninilayan? bakit puno ng plastik at upos ang karagatan? dumating ang Bakunawa nang pumula ang buwan? ang natanaw ba'y ang dambuhalang hayop na Lumbong? ano nang gagawin sa natipong hibla't yamungmong nagutom ba't nalimutan ang inihandang bug-ong? bakit kayrami ng tao sa nadaanang tuklong? maglalamay muli mamaya sa gawaing salin lumulubog na mata'y si misis ang nakapansin bagong damit ay ihiwalay muna sa labahin baka malalinan ang puti, lalo na't dumihin ang musa ng panitik ba'y muling dumalaw doon upang bigyan ang abang makata ng inspirasyon? maraming tanong na hanap ay maayos na tugon sa pagkatitig, makata'y iidlip at babangon - gregoriovbituinjr.05.28.2021

Isa lang akong panitikero

Imahe
ISA LANG AKONG PANITIKERO "Poets are the unacknowledged legislators of the world." ~ Percy Byshe Shelley (1792-1822), makata mula sa Inglatera huwag birahin, isa lang akong panitikero bagamat mga tuso't tiwali'y binibira ko huwag din sanang tokhangin ang manunulang ito kahit krimeng pagtokhang ay binibirang totoo bagamat di naman nasulat sa anumang batas na sa akda'y bibirahin sinumang talipandas marangal ang layon at misyon naming nilalandas lalo't hangad ay lipunang gumagalaw ng patas pag may kamalian, marapat ba kaming pumikit lalo't pinagsasamantalahan ang maliliit lalo't babae't dukha'y inaapi't nilalait tamang presyo ng lakas-paggawa'y pinagkakait kung kabulastugan ay isiwalat ko sa tula kung nangyayari sa bayan ay aming isadula kung sa aming kwento'y ilahad ang danas ng madla ito'y marangal na tungkulin ng mga makata isa man akong panitikero, may adhikain upang mali sa lipunan ay aming tuligsain at kung dahil sa tungkulin

Kurot sa puso

Imahe
KUROT SA PUSO may kurot sa puso ang bawat kong pinapangarap tulad ng limanglibong tulang tatapusing ganap habang ang ilawan sa silid ko'y aandap-andap habang ang musa ng panitik ay kinakausap tagumpay ang tanging nobelang katha ni Harper Lee ito nga ang "To Kill a Mocking Bird" ng binibini dalawa lang ang nobela ni Rizal, Noli't Fili kay Stephen King ay gusto ko ang Pet Sematari kahit isang nobela lang ay dapat pag-isipan paano magaganap kung di ito sisimulan sa unang kabanata pa lang ay pagpapawisan ngunit dapat naroong nakatuon ang isipan dapat nga bang pusong bakal ang mga kontrabida? talaga nga bang mapagsamantala ang burgesya? panlipunang hustisya't karapatan ba ang tema? ah, di ako dapat mabigo sa unang nobela nakapaglathala na nga ako noon ng libro na hinggil sa "Ang Una Kong Sampung Maikling Kwento" ito ang isa kong batayan at kakapitan ko upang makakatha ng nobela, isa man ito unang hakbang, unang simula, unang kabanata may kurot sa puso, sadyan

Maraming hakbang pang lalandasin

Imahe
MARAMING HAKBANG PANG LALANDASIN napagtanto kong maraming hakbang pang lalandasin gaano man kalayo ang lugar ay mararating dapat maging handa kung mapudpod ang gagamitin patungo sa mga sangandaang nais tahakin sa tula nga ni Robert Frost ay aking naalala na daang bihirang tahakin ang nilandas niya tulad ng paglakad sa Tacloban galing Luneta na kasama akong nakaranas dahil sa klima hanggang aking buksan ang isang panibagong pinto kumbaga sa akda'y tatahakin ang bagong yugto habang nabubuhay ay pangarap na di maglaho kaya sa paghakbang na ito'y tiyak walang hinto libo na ang tula, walang nobela kahit isa na pangarap kong malikha habang nabubuhay pa tangkang tahakin ang pagkatha ng unang nobela kung saan walang iisang bida kundi ang masa habang nakatalungko'y patuloy sa pagninilay mga kwento ng karaniwan ang adhika't pakay tauhan, tagpuan, tunggali, kabanata, banghay maisulat na ito bago tumawid ng tulay - gregoriovbituinjr.05.28.2021

Pala-palagay

Imahe
PALA-PALAGAY I nahan ang mahal napatigagal sumbong ng bungal nagpakabanal nakalulungkot tila bangungot saan sumuot at nagpakipot kaya ang sinta ay nagwala na nagtago daw ba ito sa kanya II sila't tumagay ng walang humpay nang may umaray di napalagay pagkat biglaan ang kahangalan pinaglaruan yaong hukluban buti ng puso na ba'y naglaho at dinuduro ang masang dungo III kayraming gusot ang idinulot ng mapag-imbot at tusong salot nahan ang bait sa dukha't gipit na nilalait ng malulupit kapwa'y mahalin huwag apihin sila'y tao rin ating isipin - gregoriovbituinjr. 05.28.2021

Pagtatanim ng bell pepper o siling lara

Imahe
PAGTATANIM NG BELL PEPPER O SILING LARA itinanim ko ng hapon ang buto ng siling lara o bell pepper habang ito'y akin nang iginisa ang ginawa kong paso'y boteng plastik na nakita pagkat wala nang laman, kaysa naman ibasura sa samahang makakalikasan ako natuto upang basurang di nabubulok ay maresiklo gamit din sa ekobrik at yosibrik kong proyekto bilang tulong sa kalikasan at sa kapwa tao may natira pang lupa sa nakaraang pagtanim sa mga paso, sa libreng panahon ay gawain sa umaga't gabi'y laging dinidiligan man din upang balang araw tayo rin ay may aanihin dahil sa pandemya'y naging magsasaka sa lungsod pagtatanim ng gulay sa paso'y tinataguyod halina't mag-urban farming pagkat nakalulugod may mapipitas ka pag namunga ang iyong pagod - gregoriovbituinjr.05.27.2021

Ginisang bell pepper o siling lara sa hapunan

Imahe
GINISANG BELL PEPPER O SILING LARA SA HAPUNAN ginisa ko panghapunan ang limang siling lara habang buto nito'y itinanim ko na kanina di naman pala maanghang ng ito'y iginisa di maanghang para sa akin, ewan ko sa iba maanghang naman ang siling lara pag di niluto ramdam iyon ng dila, ako nga'y napapayuko kumbaga tamis at anghang animo'y naghahalo subalit nang iginisa, anghang na'y naglalaho kaysarap ng ginisang siling lara sa hapunan lalo na't pakiramdam ng katawan ko'y gumaan lunas din kaya ito sa anumang karamdaman pagkat ako'y napatula't luminaw ang isipan nakuha kong buto nito'y agad kong itinanim para di masayang, inipon na bago lutuin bakasakaling balang araw ay mapatubo rin at kung magbunga na'y tiyak tayong may aanihin - gregoriovbituinjr.05.27.2021

Magulong kapaligiran

Imahe
MAGULONG KAPALIGIRAN maraming gulong sa pamayanan nakaharang sa dinaraanan maraming gulo sa sambayanan na dapat lang bigyang-kalutasan "Gulong ng Palad" ay napanood noong bata pa't nakalulugod nang di pa alam ang manaludtod sa telebisyon nga'y nakatanghod heads will roll, mga ulo'y gugulong pagkat kaylakas ng binubulong na sa katiwalian sumuong kaya taumbayan na'y nagsumbong mahirap ang may magulong buhay kapayapaan sana'y manilay walang utang, mabuti ang pakay pinupuri kahit nasa hukay ayoko ng magulong paligid na sa utak, gulo'y laging hatid sana sa dilim ay di mabulid tanging kabutihan lang ang hatid magulong buhay ay itutula pagkat samutsari'y mapapaksa na bagamat nakakatulala ay malalarawan sa salita - gregoriovbituinjr.05.27.2021 * kuha ng makatang gala paglabas sa UP puntang Katipunan sa QC

Pagpupugay sa isang makata

Imahe
PAGPUPUGAY SA ISANG MAKATA siya'y dakilang manunulat na kahanga-hanga minsan ko nang isinalin ang ilan niyang tula mula sa wikang Ingles tungo sa sariling wika ngunit kanyang tula'y dapat talagang maunawa siyang kinilala ng iba't ibang henerasyon bilang dakila hanggang kasalukuyang panahon subalit ako'y sa kanyang soneto nakatuon nagbasa't inunawang mabuti ang mga iyon mula Italya'y mayroon tayong Petrarchan sonnet mula Inglatera naman itong Shakespearean sonnet kaiba pa itong Ingles na Spenserian sonnet idagdag pa ang nasaliksik kong Miltonic sonnet kaya lumikha rin ako ng sariling estilo na tinipon ko naman sa blog na Pinoy Soneto labing-apat na taludtod, may tugma't sukat ito na balang araw ay plano ko ring maisalibro si Shakespeake, manunulat, nobelista, mandudula subalit siya'y mas kilala ko bilang makata sa dami ng sonetong binasa ko't kanyang likha paabot ko'y pagpupugay sa makatang dakila - gregoriovbituinjr. 05.27.2021

Nais ko muling mag-aral at magturo

Imahe
NAIS KO MULING MAG-ARAL AT MAGTURO nais ko muling mag-aral, di sapat ang magbasa habang pinag-iisipan ang una kong nobela malikhaing pagsusulat ang kursong ninanasa o kaya'y tapusin ang kurso sa matematika aeronautical engineering ay di ko natapos pagkat naging manggagawang regular akong lubos ng tatlong taon, nag-resign, at iba ang inayos nag-aral muli hanggang maging editor pangkampus sa pagbabalik-eskwela'y naging ganap na tibak hanggang umalis muli't iba naman ang tinahak tumulong sa obrero't dukha, gumapang sa lusak nagtanim-tanim, buhay man ay gaano kapayak at ngayon, nais kong buksan ang panibagong pinto baka may mga bagong aral tayong mahahango lalo na't nais ko muling mag-aral at magturo ibahagi sa iba ang karanasan ko't kuro - gregoriovbituinjr.05.27.2021 * litratong kuha ng makatang gala sa tapat ng Benguet State University sa La Trinidad, Benguet

Sa katapusan ng Mayo

Imahe
SA KATAPUSAN NG MAYO hoy, may patalastas nga sa botikang nabilhan ko No Smoking , ngunit di ako naninigarilyo hanggang aking napagtanto, paalala rin ito na  World No Tobacco Day  sa katapusan ng Mayo naranasan ko ring magyosi noong kabataan na kasama ng barkada'y naging bisyo rin naman; nang mapasali sa makakalikasang samahan ay napagtanto kong pera ko sa yosi'y sayang lang heto, kalusugan ng kapwa'y itinataguyod di nagyoyosi, magtanim na lang kahit mapagod bagamat upos ay tinitipon ng inyong lingkod upang gawin ang pagyo-yosibrick, nakalulugod marahil, ambag ko na sa lipunan ang yosibrick upos ay ipasok at ilibing sa boteng plastik gagawin sa hibla ng upos ay nagsasaliksik at baka balang araw, may solusyong matititik may ibang grupong bahala sa kampanyang No Smoking habang inyong lingkod ay yosibrick ang adhikain sa katapusan ng Mayo'y sama-samang isipin at pag-usapan ang kalikasang dapat sagipin - gregoriovbituinjr.05.27.2021

Mga boteng plastik na walang laman

Imahe
MGA BOTENG PLASTIK NA WALANG LAMAN naipon kong muli'y boteng plastik na walang laman ito'y itatapon ko na lang ba sa basurahan? maganda kaya itong pagtaniman ng halaman? iresiklo ang boteng plastik, gawing paso naman o kaya mga ito'y gamitin din sa ekobrik dapat lang malinisan ang loob ng boteng plastik malinis na ginupit na plastik ang isisiksik gagawing mesa, silya, patitigasing parang brick o kaya naman ay pagtitipunan ko ng upos upang proyektong yosibrick ay matuloy kong lubos baka makatulong sa kalikasan kahit kapos upang buhay na ito'y marangal na mairaos sa pagtatanim ay may mapipitas balang araw upang pamilya'y di magutom sa gabing maginaw itanim ang buto ng gulay, okra man o sitaw o anumang gulay bago iluto o isapaw mula sa gawa ng tao, basura'y halukipkip kaya sa walang lamang boteng plastik ay malirip na anumang makabubuti sa kapwa'y maisip baka kahit munti man, kalikasan ay masagip - gregoriovbituinjr.

Pangakong napapako

Imahe
PANGAKONG NAPAPAKO bakit nga ba kayraming pangako ang napapako? di tinupad ng mahal ang sinumpaang pangako? pangako ba ng pulitiko'y pagbabalatkayo? na sa mga kampanyahan ay nagiging hunyango? kaya nga ba pangako ay upang ipakong sadya? na pinaglalaruan lang ang bawat sinalita? sa Kartilya ng Katipunan ay nakalathala anya: Sa taong may hiya, salita'y panunumpa! kaya hirap magbitaw ng salita ang tulad ko na kasapi ng isang samahang Katipunero dahil sa gabay ng Kartilya'y nagpapakatao dahil Kartilya'y sinasabuhay punto per punto kaya ang bawat pangako'y katumbas ng dignidad pag salita'y pinako, makasarili ang hangad kaya puri't pagkatao'y sa putikan sinadsad kalawanging puso't kawalang dangal mo'y nalantad - gregoriovbituinjr.05.26.2021

Ang habilin sa dyip

Imahe
ANG HABILIN SA DYIP sa sinakyan kong dyip ay habilin sa pasahero nakapaskil sa harapan: Bawal Manigarilyo ayos lang sa akin, di ako nagbibisyo nito lalo't kinikilalang patakarang ito'y wasto World No Tobacco Day na sa katapusan ng buwan ng Mayo't ganitong bilin ay kinakailangan habiling huwag abusuhin ang baga't katawan paalalang irespeto ang bawat karapatan maraming nagyoyosing sa suliranin ay lugmok at sa yosi'y nakakahiram ng ginhawang alok maraming may hikang ayaw makaamoy ng usok karapatan nilang huminga'y igalang, maarok at sa katapusan ng Mayo bilang paghahanda mga ekobrik at yosibrik ay aking ginawa habang pinagninilayan ang lilikhaing tula upang ipagdiwang ang araw nang hindi tulala - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa dyip niyang nasakyan, 05.26.2021

Pagtatasa sa bawat agam-agam

Imahe
PAGTATASA SA BAWAT AGAM-AGAM kailangan ding magtasa sa bawat agam-agam upang alinsangan ay bakasakaling maparam habang pinag-iisipan kung ano bang mainam habang pinag-uusapan kung anong aming alam upang maisagawa ang nararapat na plano upang sa bawat karanasan ay may pagkatuto upang nakalap na datos ay suriing totoo upang nagkakaisa ng tono ang kolektibo upang panlipunang hustisya'y makamit ng madla upang bulok na sistema'y malabanan ng dukha upang uring manggagawa'y pagkaisahing diwa upang kamtin ang lipunang makatao't ginhawa payak lamang naman ang layunin at adhikain: pagsasamantala ng tao sa tao'y pawiin pakikipagkapwa, panlipunang hustisya'y kamtin magpakatao, karapatang pantao'y galangin sa kumunoy man o sa mga putikan sasabak ang mga tibak ay talagang may pusong busilak nilalandas ang lansangang di basta tinatahak upang lipunang makatao'y matayo't matiyak - gregoriovbituinjr.05.26.21     

Mga tula sa Unang Daigdigang Digma

Imahe
MGA TULA SA UNANG DAIGDIGANG DIGMA magpatuloy pa rin kitang kumatha ng kumatha habang binabasa ang tula ng ibang makata sa kasaysayan lalo na sa panahong may digma ang yugto mang iyon ay ayaw nating masariwa anong isiniwalat ng mga makatang iyon sa digmaan at patayan sa kanilang panahon inilahad nilang patula ang nangyari noon datapwat ito'y hindi upang maging inspirasyon na sa yugtong iyon may makatang inilarawan ang kasawian, walang pagdiriwang sa digmaan kundi pagluha sa pagkawala ng kasamahan kundi himutok upang kamtin lang ang kalayaan bakit dinaan sa digmaang kayraming nasawi upang makuha ng mananakop ang minimithi bakit kailangang may digmaang nagpapalungi sa bansang imbes halik ay dugo ang pinadampi Unang Daigdigang Digmaan ang isinatula ng mga makatang saksi sa naganap na digma na batayan din ng historyang nakakatulala buti't tula nila'y nakita, di na mawawala - gregoriovbituinjr.

Sana, hustisya'y kamtin

Imahe
SANA, HUSTISYA'Y KAMTIN di matingkala ang pinsalang  dinulot nila sa pinaslang tokhang ay ginawang libangang kaylupit tungo sa libingang di mawaring atas ng bu-ang ngingisi-ngisi lang si Tanda na tila baga asal-linta habang mga ina'y lumuha hustisya ba'y walang magawa tatawa-tawa ang kuhila wala na bang due process of law paslang na lang doon at dito proseso'y di na nirespeto naging halimaw na totoo silang mga walang prinsipyo sana hustisya'y kamtin pa rin ng mga biktima ng krimen balang araw, mananagot din yaong tumalimang salarin sa atas ng bu-ang at praning - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan

Kumatha't mag-post lang

Imahe
KUMATHA'T MAG-POST LANG ang kawalan ng like ba'y repleksyon  ng kawalang kaibigan doon wala pang nag-like sa post ko ngayon di ba nila napapansin iyon basta isa lang ang prinsipyo ko mag-post lang wala mang mag-like nito katha ng katha ng kahit ano ang tula ma'y paroo't parito di man mag-like sinuman sa masa ang aral sa Noli'y tanda ko pa Kabanata Dalawampu't Lima doon ay nagtanong si Ibarra panulat na di maunawaan na hieroglipiko raw naman si Pilosopo Tasyo'y sagot lang ito'y para sa kinabukasan isang araling dala sa puso kaya kinakaya ang siphayo magninilay habang nakaupo malugmok man ay makatatayo wala mang mag-like sa post, ayos lang dito naman ay walang pilitan basta ako'y kakathang lubusan hanggang tula'y maging daan-daan - gregoriovbituinjr.

Pagsamba sa mutya

Imahe
PAGSAMBA SA MUTYA sinasamba ko ang mutya sa aking pag-iisa pagkat tulad siya ng aklat na nais mabasa kanyang mga pahina'y nilalakbay ko tuwina kahit aking pluma'y halos mawalan na ng tinta sinusulat ko ang mutya sa aking panaginip na pagdatal ng panganib ay aking sinasagip kariktan niya sa puso ko'y walang kahulilip habang larawan niya sa dibdib ko'y halukipkip sinimsim ko ang kanyang nektar tulad ng bubuyog sa kanyang bitag ang puso ko'y tuluyang nahulog bakit ba siya pa? kailan ako mauuntog? siya ang nais ko kaya pagsinta'y iniluhog! ako ang bubuyog sa kanyang kaytinik na rosas ang pag-ibig kong tigib ay sadyang walang katumbas kung siya'y aklat, dahon niya'y ayokong malagas kung siya'y bulaklak, sa kanya'y ako ang pipitas - gregoriovbituinjr. * litrato mula sa google

Ang pusang nasok sa bintana

Imahe
ANG PUSANG NASOK SA BINTANA naroon akong nakatalungko't may naaarok na sa pagninilay doon animo'y nakalugmok hanggang sa isang pusa ang sa bintana'y pumasok at napangiti na lamang sa pagkakayukayok di siya agad lumayo, sa akin pa'y tumitig maamo ang mukha't mata niya'y di nang-uusig at pinagmasdan ko siyang tila kaibig-ibig para bang walang anumang nadaramang ligalig anong pahiwatig ng pusang nasok sa bintana mula sa musa ng panitik ba'y may payong sadya bilin ba'y magpatuloy ako sa nasa't pagkatha at linangin ang saknong habang mataba ang lupa dati'y may pusa ring alaga ang isang kasama na lagi niyang bitbit pagpunta ng opisina hanggang nasabing kasama'y umuwi ng probinsya pusang alaga'y dala niyang kaybuti talaga kaya pagdatal ng pusang iyon na anong amo siya'y sumagi sa isip habang tangan ang baso babarik bang muli o ayos na ang kapeng ito at kinakathang nobela'y atupaging totoo - gregoriovbituinjr.

Ang isdang nababalutan ng plastik

Imahe
ANG ISDANG NABABALUTAN NG PLASTIK kaytindi ng balitang nababalutan ng plastik ang galunggong na iyon na kanilang inihibik habang isdang yaon ang pulutan ko sa pagbarik kinakain ko na rin kaya'y mga microplastic? sinong may kagagawan sa ganitong nangyayari? pag nagkasakit dahil dito'y sinong masisisi? sisisihin mo ba'y isda't kinain nila kasi? ang naglipanang plastik na sa laot nga'y dumami? anong dapat nating gawin? anong mungkahi ninyo? sa susunod na henerasyon ba'y pamana ito? paano ang kalusugan ng ating kapwa tao? kung hahayaan lang nating mangyari ang ganito? pinag-uusapan talaga ang West Philippine Sea habang sa isdang kumain ng plastik, tayo'y pipi balita lang ba ito't magiging bulag at bingi? o dapat tayong kumilos sa problemang sakbibi? halina't magsama-sama at ito'y pag-usapan at igiit natin sa maraming pamahalaan na ating karagatan ay puno ng kaplastikan sana namununo'y di rin plastik ang katugunan - gregoriovbituinjr. * litrato mu

Matabang punla

Imahe
MATABANG PUNLA ang mga aktibista't tulad ng matabang punla pagkat lipunang makatao ang inaadhika lumalaban sa mga gahaman, tuso't kuhila laban sa burgesyang mapagsamantala sa dukha tumaba ang punla na araw-gabi'y dinidilig na balang araw ay gintong palay ang mahahamig tulad man ng dukhang isang tuka sa bawat kahig ay patuloy sa pagkilos at pagkakapitbisig ang manggagawa'y tulad ng masipag na kalabaw gigising na't magtatrabaho sa madaling araw kalabaw at tanim ay titiyaking di mauhaw habang inaaral ang lipunan sa bawat galaw mataba ang lupa sa paglunsad ng pagbabago na ang mga kuhila'y patatalsikin sa pwesto upang uring manggagawa ang maging liderato magtatayo ng hangad na lipunang makatao habang kapitalismo'y patuloy na yumuyurak ng dangal ng bayan ay nariyan ang mga tibak nagtatanim ng palay sa bundok man o sa lambak na pawang masisipag sa paglinang ng pinitak - gregoriovbituinjr. * litrato mula sa google     

Pagtahak sa karimlan

Imahe
PAGTAHAK SA KARIMLAN ramdam mong ang pagkakasakit ay tinik sa dibdib puno ang mga ospital, ikaw ay nanganganib pag nahawahan ka ng sakit, pagdurusa'y tigib sarili mong tahanan ang iyong magiging yungib ano ba namang sundin ang health protocol na gabay bilang respeto sa iyong kapwa, huwag pasaway mabuting may nagagawa kaysa di mapalagay dahil nahawahan, pakiramdam na'y mangingisay ika nga, sama-sama nating labanan ang COVID iwasang mahawa baka buhay, biglang mapatid naiisip ito kahit pakiramdam ko'y umid sa panahong tila walang bagong umagang hatid di man matatakasan ang pusikit na karimlan ngunit magpatuloy pagkat pag-asa'y naririyan kaya pagtahak sa dilim ay ating pagsikapan at matatanaw ang liwanag sa dulo ng daan ang kalusugan ng ating kapwa'y pakaisipin tulad ng community pantry'y magbayanihan din magbigay ng tulong ayon sa kakayahan natin at kung kailangan natin ng tulong ay sabihin - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa isang gusali sa k

Lipunang pantay, patas, parehas

Imahe
LIPUNANG PANTAY, PATAS, PAREHAS pangarap ay pagkakapantay-pantay sa lipunan bawat isa'y nagpapakatao't naggagalangan subalit di pa naman ganito ang kaayusan kaya ito'y patuloy nating ipinaglalaban subalit burgesya'y paano magpapakatao kung laging nasa isip ay tumubo ang negosyo ginigilitan na sa leeg ang mga obrero subalit di pa ba makapalag sa mga tuso? kaya dapat ngang mag-organisa, mag-organisa organisahin ang obrero, dukha't magsasaka pag-aralan ang lipunan, baguhin ang sistema ipaglabang makamit ang panlipunang hustisya alamin ng madla bakit pribadong pag-aari ang dahilan ng pagsasamantala't pagkasawi ng mayorya sa lipunan na laging napalungi sa bulok na sistemang di na dapat manatili walang nagugutom sa tinatahak nating landas kung saan umiiral ang katarungan at batas may respeto sa due process, lumalaban ng patas sa pangarap na lipunang pantay, patas, parehas - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala malapit sa Cultural Center of the Philippi

Pa-selfie-selfie

Imahe
PA-SELFIE-SELFIE pa-selfie-selfie lang ang magkasi habang makata'y ngingisi-ngisi pakiramdam nila'y very happy batid man na life is not so easy panahon ng pandemya'y asiwa animo'y wala silang magawa subalit nagsisikap nang kusa kaysa naman mangangalumbaba sila'y di negatibong mag-isip kaya subalit mahirap pala kundi positibo kung mag-isip mahirap pala subalit kaya ganyan ang dalawang nagse-selfie mukha man silang pa-easy-easy nawa'y magtagumpay ang mag-honey na nagsisikap at very busy - gregoriovbituinjr.

Dinadaan na lang sa tula

Imahe
DINADAAN NA LANG SA TULA dinadaan ko na lang sa tula ang karanasan pati na mga nababalitaang karahasan sapagkat di na naggagalangan ng karapatan nababalewala ang panlipunang katarungan bakit kailangang maganap ang mga ganito? dahil ba nasusulat daw sa kung anumang libro? dahil ba iyan daw ang tadhana ng mga tao? dahil ba tinakda ng sistemang kapitalismo? bata pa lang ay napag-aralan sa eskwelahan ang basura'y itapon ng tama sa basurahan subalit tila ba ito'y sadyang kinalimutan pagkat naglipana ang basura sa karagatan palutang-lutang na sa laot ang upos at plastik kinakain naman ng mga isda'y microplastic tao'y kakainin ang isdang kumain ng plastik magtataka pa ba tayong kayraming taong plastik? sa bawat hakbang, isang tula ang balak makatha tingnan ang dinadaanan, huwag nakatingala ah, pasasaan ba't malulutas din nating kusa ang anumang suliranin, unos din ay huhupa - gregoriovbituinjr.

Ilang panambitan sa madaling araw

Imahe
ILANG PANAMBITAN SA MADALING ARAW madaling araw, nagmulat ng mata at bumangon upang manubigan upang umidlip muli roon habang sa panaginip, may diwatang naglimayon sinalubong ko siya subalit di ko matunton may ibang katangian ang nakabimbing tag-araw animo sa likod ko'y may nakaambang balaraw mabuti na lamang at matapang-tapang ang lugaw na inihain nila kaya isip ko'y napukaw malupit ang sanga-sangang dila ng pulitiko na turing sa dukha'y basahan, tulad niyang trapo subalit siya'y iba, serbisyo'y ninenegosyo naging hari ng katiwalian, nakalaboso nakikita mo ba kung gaano kawalanghiya yaong sa iba't ibang pabrika'y namamahala imbes gawing regular ang kanilang manggagawa aba'y ginagawang kontraktwal ng mga kuhila dinig ko ang tila awitan ng mga kuliglig naalimpungatan at muling tumayo't nanubig kailan kaya hinaing ng dukha'y maririnig? kapag ba lipunang makatao na'y naitindig? at muli kong inihiga ang pagal kong katawan upang ipahinga't may

Patalastas sa isang paaralan

Imahe
PATALASTAS SA ISANG PAARALAN nakakatuwa yaong paaralan sa Navotas dahil sa ipininta nila sa bakod sa labas "No Smoking Area"  yaong kanilang patalastas tinukoy pa kung anong nakakasakop na batas ang ibig sabihin, bawal doong manigarilyo estudyante'y tinuturuan nang huwag magbisyo salamat naman, maaga pa lang ay may ganito upang kalusugan muna ang isiping totoo unahin ang pag-aaral, payo sa kabataan huwag magbisyo, isipin muna'y kinabukasan alalahaning nagsisikap ang inyong magulang na sa inyong pag-aaral, kayo'y iginagapang kung iniisip n'yong yosi'y pamporma sa babae astig ang inyong dating sa magandang binibini baka mali kayo, mahirap magsisi sa huli kabataan, maiging mag-aral munang mabuti - gregoriobituinjr. * kuha ng makatang gala nang minsang mapadaan sa Tumana sa Lungsod ng Navotas

Soneto laban sa basura

Imahe
SONETO LABAN SA BASURA Ang ating mundo'y tinadtad na ng basurang plastik At upos na sa kanal at laot nagsusumiksik Sa ganyan, ang inyong puso ba'y di naghihimagsik? Hahayaan na lang ang problema't mananahimik? Gising! at pag-usapan ang problema sa basura Bumangon upang kapaligiran ay mapaganda Anong nakikita ninyong solusyon sa problema? Ah, kayrami nang batas subalit nasusunod ba? Ako nga'y sumali sa gumagawa ng ecobrick Kung saan sa boteng plastik ay aming sinisiksik Ang ginupit na plastik, patitigasing parang brick At pagdating sa upos, ginagawa ko'y yosibrick Ikaw, anong ginagawa para sa kalikasan? Halina't magbahaginan tayo ng kaalaman! - gregoriovbituinjr.

Pangalagaan at ipaglaban ang kalikasan

Imahe
PANGALAGAAN AT IPAGLABAN ANG KALIKASAN tinanong ako ng isang tagapakinig minsan paano raw kalikasan ay mapangalagaan kung di raw naman nakikinig ang pamahalaan maliliit lamang daw kami't di mapakikinggan bakit? tanong ko, sila lang ba'y aasahan natin ngunit maliliit man tayo'y baka makapuwing kung anong nakikita nating tama'y ating gawin sumisira sa kalikasa'y ating kalabanin dagdag niya, mapanganib ang naiisip ninyo lalo na't tokhang ang polisiya nitong gobyerno terorista kayo pag bu-ang ay kinalaban n'yo pulis at army'y nagtila kanyang hukbong pribado ang aming tugon, gawin ang para sa kalikasan gawin naman nila ang para sa pamahalaan sa amin, di basura ang daigdig na tahanan magtanim din ng puno para sa kinabukasan naglipana kung saan-saan ang upos at plastik sa pagmimina, buhay ng katutubo'y tumirik nangamatay ang pananim, ang madla'y humihibik bakit tropa ng gobyerno'y takot ang hinahasik ang pamahalaan ba'y kampi sa kapitalista? dah

Sa dalawang aarestuhing Beauty Queen

Imahe
SA DALAWANG AARESTUHING BEAUTY QUEEN dalawa silang anong tapang na kababaihan dalawang beauty queen, mga musa ng kagandahan dalawang Miss Myanmar, sa bansa nila'y karangalan dalawang dalaga sa puso ng sangkatauhan aarestuhin sila, ayon sa mga balita ng Myanmar military junta pag-uwi sa bansa dahil hustisya'y ipinanawagan nilang sadya dahil military junta'y kanilang sinalunga Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin ang isang ngalan at Miss Grand Myanmar Han Lay naman ang isa pang ngalan inuusig sa Myanmar ang dalawang kagandahan gayong sa kanilang bansa'y nagbigay-karangalan na sa nangyari sa Myanmar, nagsabi ng totoo hinggil sa kudeta ng militar noong Pebrero hinuli ang pamunuan ng sibilyang gobyerno at sa nagprotesta, napapatay na'y libu-libo salamat sa dalawang dilag sa kabayanihan upang sa mundo'y isiwalat ang katotohanan upang kababayan ay masagip sa kamatayan upang panlipunang hustisya'y makamit ng bayan aming mensahe sa dalawang magandang Beauty Queen n