Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2023

Sa huling araw ng Hunyo

Imahe
SA HULING ARAW NG HUNYO katapusan na ng buwan ng Hunyo aba'y kalahating taon na tayo kulang pa ba ang sweldo ng obrero ngayon ba'y kontraktwal pa rin ang uso at mareregular pa kaya sila kung dupang pa rin ang kapitalista kongreso'y tadtad pa ba ng buwaya trapo'y nang-uuto pa ba ng masa uso pa rin ang kontraktwalisasyon kapitalista'y sa ganyan nagumon sa maralita'y panay ang ebiksyon at nagpapatuloy ang demolisyon mga bundat pa rin ang nasa tuktok habang dalita'y lagi pa ring lugmok sa kahirapang abot na sa rurok ah, palitan na ang sistemang bulok dapat walang pribadong ari't yaman na dahilan ng laksang kahirapan dapat walang mahirap o mayaman dapat pantay ang lahat sa lipunan dapat magkaisa ang manggagawa bilang uri, kasama na ang dukha dapat na sila'y magkaisang diwa upang bagong mundo'y buuing sadya - gregoriovbituinjr. 06.30.2023

Sa ika-10 anibersaryo ng aking tatô

Imahe
SA IKA-10 ANIBERSARYO NG AKING TATÔ "Always Somewhere"  ang tanging nakasulat na tatô sa kaliwa kong balikat sandekada nang naukit sa balat kasama sa pagkatha't pagmumulat nagunita ko kung kailan iyon Hunyo Bente Nuwebe 'y petsa niyon na kapara ang sukat ng balisong ang tatô ko'y sampung taon na ngayon mula sa pamagat ng isang kanta na ang liriko'y kahali-halina "I'll be back to love you again"  ang isa at  "Always somewhere, miss you where I've been"  pa sa isang kasama ipinatatô dinisenyo kong may ukit na puso marahil tanda ng aking pagsuyo "I'll be back"  upang pagsinta'y mabuo "Always somewhere" , maraming napuntahan may  Climate Walk  na mahabang lakaran mula sa Luneta hanggang Tacloban at Paris, Thailand, Tsina, Burma, Japan naging laman din ng maraming rali sa lansangan, bangketa, tabi-tabi sa maraming isyu'y di mapakali pagkat tibak na Spartan, ang sabi bagamat malabo na kung tingnan mo ay di

20% discount ng magasin

Imahe
20% DISCOUNT NG MAGASIN buti't may twenty percent discount sa  Enrich magazine pag may  Mercury Drug SukiCard  ka'y tatamasahin aba'y kinse pesos talaga'y malaking tipid din sa pasaheng minimum, may tatlong piso ka pa rin seventy five pesos , glossy, makapal, may diskwento tiyak na  sixty pesos  na lang ang babayaran mo colored pa ang bawat pahina at mga litrato may dagdag kaalaman ka pa sa mga health issue buti't magasing ito'y nakita sa  Mercury Drug na naka-displey, sa iskaparate nakalatag magasing pangkalusugan upang tayo'y tumatag sa anumang nadaramang sakit ay mapanatag ang  Enrich magazine  ay malaking tulong talaga nang mga usaping pangkalusugan ay mabasa na pangangalaga sa sarili ay mahalaga salamat, dagdag kaalaman ay naging pag-asa - gregoriovbituinjr. 06.29.2023 * mga litrato ay isyu ng May 2023 at June 2023 ng buwanang  Enrich  magazine

Huwag mong iwan sa initan ang magnifying lens

Imahe
HUWAG MONG IWAN SA INITAN ANG MAGNIFYING LENS huwag mong iwan sa initan ang magnifying glass o magnifying lens kung ayaw mong masunugan ka iyan ang payo ng matatanda't isip ay bukas upang bahay at buhay ay maingatan tuwina na pag natamaan ng araw ang ubod o gitna ng magnifying lens at namuro sa isang bagay tiyak na sisiklab iyon nang walang patumangga na maaaring ikasunog ng buo mong bahay ilang beses na bang ang sinding kandila'y naiwan may namatay nang sa apoy, ang bahay ay natupok kayraming nagkasunog dahil sa kapabayaan sa balitang sunog, dapat ganito'y inaarok upang di ito maulit o mangyari sa atin kaya dapat makiramdam ka lagi sa paligid dapat pamilya'y protektahan, ingatan, isipin maging maagap, upang sa sunog ay di mabulid - gregoriovbituinjr. 06.27.2023

Brian Jansen Vallejo, 13, Pinoy sipnayanon

Imahe
BRIAN JANSEN VALLEJO, 13, PINOY SIPNAYANON sa batang gulang pa lamang na labingtatlo ay sumikat na si  Brian Jansen Vallejo di lang siya magaling sa mga numero kundi maraming award pa'y tinanggap nito sa  Sarrat National High School  ay estudyante ng Grade 7, sa numero'y nahilig, sabi sa mga kumpetisyon talagang sumali unang gintong medalya nga'y kanyang nadale sa  Thailand International Math Olympiad pati na roon sa  Big Bei Math Olympiad ; Philippine International Math Olympiad at  HongKong International Math Olympiad taasnoong pagpupugay sa sipnayanon o mathematician sa kanyang nilalayon dangal ng paaralan, tunay na may misyon bukod kay Brian, may pito pang  mathletes  doon: Arianne Rasalan, Allen Iver Barroga, Natalie Balisacan, Zyrene Angelica Dulluog, Mar Leon Malvar, Maria Cassandra Duque, Jushiem Barroga  ang ngalan nila sa mga sipnayanon, mabuhay! mabuhay! paabot nami'y taospusong pagpupugay! ang sipnayan ay pag-igihan ninyong tunay at magpatuloy kayo't kam

Nagdidilim ang langit

Imahe
NAGDIDILIM ANG LANGIT nagdidilim ang langit may parating na bagyo sakali mang magngalit dulot nito'y delubyo ang bubong kung may butas ay agad nang tapalan pag umulan tatagas sa loob ng tahanan kung babaha, itaas ang mga kagamitan magpayong kung lalabas o magbota rin naman kung hangin na'y lumakas at bumuhos ang ulan sana po kayo'y ligtas bumaha man sa daan - gregoriovbituinjr. 06.22.2023

Isang kaso ng OSAEC

Imahe
ISANG KASO NG OSAEC isa pang kaso ng  OSAEC  ang napabalita o  Online Sexual Abuse and Exploitation of Children sa sex video chat, ina'y ginamit ang mga bata buti't ang nanay, ayon sa ulat, ay nahuli rin upang magkapera lang, pinagsasamantalahan ang mga anak, na katwiran, di naman nahipo ang katawan ng anak kundi pinanood lamang ganito ba'y tamang katwiran, nakasisiphayo kayraming ikakaso sa nanay na siyang utak: Anti-Online Abuse and Exploitation of Children Act, ang  Anti-Child Abuse Law, ang Cybercrime Prevention Act, pati na E xpanded Anti-Trafficking in Persons Act dapat batid ng mamamayan ano ang  OSAEC ganitong krimen sa batas natin na'y natititik parang halik ni Hudas ang sa anak binabalik habang sa pera ng kostumer ay sabik na sabik - gregoriovbituinjr. 06.22.2023 * mga ulat mula sa pahayagang  Pang-Masa , Hunyo 22, 2023, p. 1-2, at  Pilipino Star Ngayon , Hunyo 22, 2023, p. 1 at p. 8

Utitab

Imahe
UTITAB sa krosword,  luha sa itim ng mata  ang  utitab habang sa isang diksyunaryo,  uhog  ang  utitab may luha sa puti ng mata at itim sa mata habang ang isa'y salitang gamit sa medisina magkaiba ng kahulugan, alin ba ang tama pareho mang likido, iba ang uhog sa luha gayunpaman, mga ito'y dagdag na kaalaman sa akda'y magagamit, di man magsingkahulugan pag nirambol ang  UTITAB , makukuha'y  BATUTI di kaya rito galing ang ngalang  Huseng BATUTE makatang may luha sa itim ng mata ang tula o kaya makatang ito'y uhugin noong bata ngunit makapagpapatunay ng ganito'y sino kung utitab ba'y Batute, ay, naisip lang ito - gregoriovbituinjr. 06.21.2023 * krosword mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Hunyo 21, 2023, p.10 * mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1312

Hina, Hinala, Hinalay

Imahe
HINA, HINALA, HINALAY aba'y grabe ang balitang iyon dalagang labingsiyam na taon yaong  "hinihinalang hinalay itinali sa puno, pinatay" sinamantala ang kahinaan ng mutyang marahil walang muwang na mangyayari iyon sa kanya gayong pupuntahan ay pagsamba bakit kaya ang dalagang iyon ay pinaslang ng pagayon-gayon sinumang gumawa'y walang budhi sa mundo'y di dapat manatili dapat ang salarin na'y madakip ang kanyang mundo na'y sumisikip tiyak, nagmamahal sa biktima ngayo'y humihiyaw ng hustisya! - gregoriovbituinjr. 06.21.2023 * ulat at larawan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Hunyo 20, 2023

Di Reyna kundi Diwata

Imahe
DI REYNA KUNDI DIWATA di ako mahilig sa reyna ng kanluran bagamat may reyna tayo sa santakrusan mas Diwata kung patungkol sa paraluman na nasa ating katutubong panitikan sa pagkatha man ng sanaysay, kwento't tula iniiwasan kong bida yaong kuhila walang hari, walang pari, walang banyaga kundi bayani'y katutubo at diwata tayo nama'y walang kaharian o reyno na pinamumunua'y karaniwang tao lipunang makatao'y nais ko sa kwento at walang uring mapagsamantala rito katha'y di isang bida kundi taumbayan ang sambayanang kolektibong lumalaban binabaka ang mapang-api sa lipunan naghahandang talunin ang mga gahaman kaya heto, tumutula na namang muli para sa isang Diwatang kasamang lagi sinasaka ang bukirin ng tuwa't hapdi upang itanim sa lupa'y mabuting binhi - gregoriovbituinjr. 06.20.2023

Bayad muna bago selfie

Imahe
BAYAD MUNA BAGO SELFIE minsan, sumakay ng traysikel puntang Mandaluyong upang daluhan ang isang tinakdang pagpupulong may paskil doong unawa kahit ng di marunong sa traysikel na pag nabasa'y di na magtatanong imbes na  "Bayad Muna Bago Baba"   ang mensahe ay tumataginting na " Bayad Muna Bago Selfie" baka sa kase-selfie mo'y makalimutan kasi ang bayad, panay selfie't natutuwa sa sarili ibig sabihin, presence of mind, dapat laging listo magbayad ka, di ka sakay ng sarili mong awto nakasalalay sa bayad ang iyong pagkatao kung sino ka, ikaw ba'y makatao't prinsipyado napakapayak ng mensahe doon sa traysikel subalit tumatagos sa puso't diwa ang paskil barya'y ihanda bago sa pagse-selfie manggigil bayaran ang pagsakay, huwag hintaying masingil - gregoriovbituinjr. 06.20.2023

Walang ititira

Imahe
WALANG ITITIRA "Walang ititira"  sa pagkain "No Left Over Policy"  ang bilin huwag magtira kahit balat man? ng saging o buto man ng pakwan? ang ibig lang sabihin, ubusin bawat kinuha mong kakainin ah, dapat pa ba iyang ilinaw gayong maliwanag pa sa araw kunin mo lang ang kayang kainin o pag lumabis, ibigay lang din sa kasamang sapat lang kumuha pag binigyan mo, siya'y sosobra na pipilitin mong ipakain ang hindi niya gustong kainin para lamang hindi ka magmulta sobra mo'y ipapasa sa iba aba'y matuto kang makuntento ang kunin mo'y sapat lang sa iyo huwag kang parang kapitalista na sa kapwa'y di man lang magtira - gregoriovbituinjr. 06.19.2023

Itapon ng wasto ang kalat natin

Imahe
ITAPON NG WASTO ANG KALAT NATIN nararamdaman natin ang paghibik ng kalikasang nabikig, natinik kalat natin sa kanya'y nagsumiksik na tayo rin naman yaong naghasik kalat natin ay kanya nang nilulon habang tayo'y masayang maglimayon paanong dapat nating gawin ngayon kundi kalat ay sa wasto itapon nakakababa ba ng pagkatao ang mga kalat doon, kalat dito? gayong may pinag-aralang totoo subalit plastik at walang prinsipyo? basura't plastik ay huwag sunugin iyan ay ganap nang batas sa atin nabubulok at hindi'y pagbuklurin ang nabubulok sa lupa ilibing pag-aralan ang sistemang ganito: ang di nabubulok ay iresiklo o kaya'y ibalik nating totoo ang bote't plastik sa gumawa nito - gregoriovbituinjr. 06.19.2023

Happy Father's Day

Imahe
HAPPY FATHER'S DAY isang araw bago kaarawan ni Dr. Rizal ay Father's Day, kaya mga ama'y ating itanghal pagkat sila'y nagtrabaho, nagsikap at nagpagal nang tayo'y mapalaki, mapakain, mapag-aral paano ba ilalarawan sa mga kataga ang hirap at sakripisyo ng amang manggagawa upang tayo'y lumaking marangal at maihanda sa pagtahak sa landas ng luha, tuwa't paglaya ating pagpugayan ngayong Araw ng mga Ama,  sina Tatay, Daddy, Ama, Itay, o kaya'y Papa, haligi ng tahanan silang katuwang ni Ina pagkat wala tayo sa daigdig kung wala sila ating bati:  Maligayang araw ng mga Tatay! at sa lahat ng ama,  mabuhay kayo! Mabuhay! - gregoriovbituinjr. 06.18.2023

Entrance, Pasukan, Pagserekan

Imahe
   ENTRANCE, PASUKAN, PAGSEREKAN nakikita ng madla ang naroong paabiso saan ang  Entrance, Pasukan o Pagserekan  dito na nasa wikang Ingles, Tagalog, at Ilokano habang aking binabaybay ang palengke sa Baguio mahalagang maunawa ang ganitong salita at ipinatatalastas ang trilingwal na wika bagamat ang pagserekan nang hinanap kong sadya sa U.P. Diksiyonaryong Filipino pa'y wala Entrance, Pasukan, Pagserekan , daling unawain mumunting salitang mabuting nababatid natin dayo o katutubo, nagkakaintindihan din pagkakaisa't unawaan ang hatid sa atin di maliligaw, salitang Ilokano'y nawatas kung may pagserekan, ano ang exit o palabas buti nang may dagdag-kaalaman tayong napitas na magagamit sa patutunguhan nating landas - gregoriovbituinjr. 06.17.2023

Talinum pala ang spinach

Imahe
TALINUM PALA ANG SPINACH minsang maparaan ako sa palengke sa Baguio ang tindang spinach ay kinunan ko ng litrato aba'y talinum pala ito kung tawagin dito salitang magandang ipalaganap na totoo lokal na salitang sa pag-akda'y nais gamitin na nasa U.P. Diksiyonaryong Filipino rin gulay o dahon itong kaysarap sadyang ulamin na mailalaga o kaya'y isapaw sa kanin spinach na pampalakas ni Papay Da Selorman masarap at pampaganda rin ng pangangatawan marahil kaya talinum pampatalino naman na pag inulam ay pampalusog niring isipan tawag din ay water leaf, aba'y parang naiinom pampatighaw ng uhaw at pampawi rin ng gutom gayunpaman ay itutula ko na ang talinum magtanim nito't baka sa sugat ay pampahilom - gregoriovbituinjr. 06.17.2023 * litratong kuha ng makatang gala sa Baguio * talinum - matatagpuan din sa U.P. Diksiyonaryong Filipino, p. 1215

Telebisyon

Imahe
TELEBISYON marahil wala kasing telebisyon kaya nagagawa ang nilalayon sinusulat ang mga napapansin at anumang napagninilayan din minsan, nakatunganga sa kisame paksa'y samutsari, di man balanse  at nakakapagkonsentra talaga sa pagsulat ng asam na hustisya buti't walang telebisyon sa bahay at naisusulat ang tuwa't lumbay para bang telebisyon na'y balakid sa nadadalumat, sa nababatid bagamat minsan, nais kong manood ng Voltes V na ikinalulugod upang mabalikan ang nakaraan ang panahon ng aming kabataan telebisyon ba'y pampalipas-oras lalo't di makapili ng palabas nagti-T.V. rin naman noong araw nang lumalaban pa si Manny Pacquiao - gregoriovbituinjr. 06.15.2023

Bahaw

Imahe
BAHAW kaning lamig ay sayang kung di kakainin kaya bahaw itong aking aalmusalin kamatis at tuyong hawot ang uulamin madaling araw natulog kaya puyat din tanghali nang bumangon dahil nauuhaw pagkainom saka lang napansin ang bahaw mamaya na lang ako bibili ng sitaw o talbos ng kangkong o ng isdang inihaw kayrami kasing gawain at tinitipa sa kompyuter na kwento, sanaysay, o tula at mga ulat sa samahang maralita na dapat matapos sa panahong tinakda sa ngayon kailangan ko munang sumubo upang nararamdamang gutom ay maglaho bagamat ulam lang ay kamatis at tuyo ay mabubusog din konti man ang niluto - gregoriovbituinjr. 06.13.2023

Pagkatha

Imahe
PAGKATHA oo, katoto, patuloy akong susulat ng anumang akdang nakapagsisiwalat ng mga isyu ng masa upang magmulat na sana balang araw ay maisaaklat madalas magnilay, minsan lang magliwaliw pagkatha'y adhikaing di ako bibitiw na sa kinagiliwan ko'y di magmamaliw kapara'y tinipong  "Alikabok at Agiw" tinatangka kong isang araw, isang tula subalit madalas ay di ito magawa minsan, pagkagising sa umaga'y tutula habang ang mga alaga'y pinatutuka kung tatanungin nila anong aking bisyo ay malinaw sa kanila anong tugon ko: tumunganga't nilay, magsulat sa kwaderno di babae, alak, sugal, o sigarilyo mamatamisin ko pang ang musa'y dalawin o mga manggagawa't dukha'y bisitahin mabatid ang mga isyung sumasalamin sa lipunang kayraming api't hirap pa rin - gregoriovbituinjr. 06.12.2023

Sa Araw ng Kalayaan

Imahe
SA ARAW NG KALAYAAN ang  Araw ng Kalayaa n sa atin ay pamana ng mga ninunong kilala at hindi kilala, ng mga bayaning dinarakila sa tuwina, dahil laya ng bayan ay ipinaglaban nila Araw ng Kalayaan ,  malaya nga ba ang bayan? bakit dukha'y laksa-laksa? mayaman ay iilan sa ngalan ng progreso'y sinira ang kalikasan nagtayo nga ng tulay, bundok ay kinalbo naman lumaya nga sa mga mananakop na banyaga ngunit di sa burgesya't kapitalistang kuhila di pa rin mabayarang tama ang lakas-paggawa nayuyurakan pa rin ang karapatan ng dukha may deklarasyon kaya may  Araw ng Kalayaan nariyan pa rin ang mapagsamantalang iilan Liberty, Freedom, Independence pa ri'y ipaglaban! hanggang kamtin ang asam na makataong lipunan! - gregoriovbituinjr. 06.12.2023

Mag-ingat sa tibani at/o tibari

Imahe
MAG-INGAT SA TIBANI AT/O TIBARI kumpara sa halibyong o fake news ay anong tindi ng panlilinlang na gawain ng mga tibani at/o tibari na sa panloloko nawiwili katulad ng matamis magsalitang trapo't imbi kapara'y langgam kung magsalita sila't mangako upang boto nati'y makuha ng trapong hunyango na pag nanalo na sila'y talagang napapako sa matamis nilang salita masa'y nabubuslo gagawin daw bente pesos ang isang kilong bigas pabababain daw ang presyo ng kilong sibuyas kalaban daw ng korapsyon at magiging parehas sila daw ang dapat mahalal pagkat sila'y patas buti pa ang  tibalyaw  pagkat  totoong balita at di halibyong o fake news na sadyang mapanira sa Kartilya ng Katipunan mababasang sadya yaong:  "Sa taong may hiya, salita'y panunumpa." tingnan na lang ang kahulugan nila ng progreso gawin daw ang Kaliwa Dam nang magkatubig tayo nagtatayo ng tulay kaya bundok ay kinalbo lupa'y minina upang tao raw ay umasenso kaya mag-ingat tayo laban sa mga 

Fourth, di last, Monday ng Hulyo ang SONA

Imahe
FOURTH, DI LAST, MONDAY NG HULYO ANG SONA di totoong every last Monday of July ang SONA di iyon tulad ng laging sinasabi ng iba lalo't maraming namamatay sa maling akala sa batas, SONA'y every fourth Monday of July pala kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan ang gabay na aral sa pagsusuri sa lipunan minsan ay may fifth Monday, di man madalas, ang buwan lalo't Monday ay may twenty-nine, thirty o thirty-one kaya ang SONA ay di laging last Monday ng July minsan kailangan talaga itong matalakay nagsusuri lamang tayo pagkat di mapalagay pag may nagsasabing SONA ay last Monday ng July ngayong taon nga, SONA'y tumapat ng bente-kwatro gayong last Monday ng July ay petsa trenta'y uno dito pa lang ay kita na natin anong totoo every fourth Monday ng July ang SONA ng Pangulo kaya dapat paghandaan ang malaking pagkilos upang ipabatid ang isyu ng obrero't kapos kung paano bang kahirapan nila'y matatapos mga panawagan nati'y maunawa'y tumagos - gregoriovbit

Fasten your seatbelt sa tricycle

Imahe
FASTEN YOUR SETBELT SA TRICYCLE may istiker sa loob ng traysikel na sinakyan ang nakasulat:  "Fasten Your Seatbelt" , talaga naman tila nasa eroplano o race car nakalulan gayong wala namang seatbelt nang ito'y aking tingnan natawa na lang ako o marahil ay natuwa nang magka-istiker ay dinikit lang doong bigla kaskasero ba't pinaalalahanan ang madla? buti nang nag-iingat, wala namang mawawala dagdag na istiker na lang ang  "Bawal Manigarilyo" pati himpilam ng mga awit na  "Love Radio" karaniwang panawagan, di lang sa dyip at kanto may  "Fun-alo sa saya"  pa sakaling laruin mo buti't nakarating sa patutunguhan ng ligtas bagamat walang seatbelt ay walang disgrasya't gasgas di pala kaskasero, maingat lang at parehas sa aking kalooban ay may sayang mababakas - gregoriovbituinjr. 06.10.2023

Libro't tsesbord ang sangkalan sa pagtuturnilyo

Imahe
LIBRO'T TSESBORD ANG SANGKALAN SA PAGTUTURNILYO wala nang makitang sangkalan ng patungang tabla upang pagpantayin ang butas na sadyang nakamarka para sa bookshelf upang maturnilyuhan talaga kundi tsesbord at librong isa-isa kong kinuha maraming salamat sa mga gamit kong nagkalat na animo'y nagboluntaryong tumulong nga't sukat diksyunaryo, aklat ng kwento, nobela't alamat trabaho'y dumali, nag-iisa man akong pangkat marahil, ginagawa ko'y alam ng mga libro at ng tsesbord na sa bookshelf sila'y ilalagay ko upang maging permanenteng tahanan nila ito kaya tinulungan na ako sa pagtuturnilyo kayraming karakter na naiisip ang makata upang maisama sa mga kakathaing akda salamat sa kanila't pagtulong nila'y dakila maya-maya lang bookshelf ay mayayari nang sadya mamayang gabi'y makakatulog silang mahimbing o habang ako'y himbing, naglalaro sila't gising bookshelf na tahanan nila'y nanamnaming magaling pagkat naisalansan sila't di na marurus

Pagtuturnilyo ng bookshelf

Imahe
PAGTUTURNILYO NG BOOKSHELF bumili ng bookshelf si misis upang may lagayan ako ng mga aklat na doon isasalansan upang madaling dalhin ay binaklas sa bilihan sa bahay, binuo kong muli ang bookshelf na iyan may padron o pattern sa papel na susundan doon una munang tinurnilyo ang pinakapundasyon isusunod ang patungan ng mga libro roon ay, parang ako'y karpinterong ginagawa iyon maya-maya lang, buong bookshelf ay matatapos na basta sundan ang padron sa papel, madali pala di pa manwal ang screwdriver, pindutin lang siya at agad magtuturnilyo na siya nang mag-isa makabagong teknolohiya ngayon ang ginamit kaya naman aking pulso't kamay ay di sumakit pagkatapos nito'y iinom ng kapeng mainit at isalansan ang mga binabasang malimit - gregoriovbituinjr. 06.09.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/l2yo5BquAz/

Sa sama-samang pagkilos magtatagumpay

Imahe
SA SAMA-SAMANG PAGKILOS MAGTATAGUMPAY di ako naghihintay sa sinumang manunubos na di darating, laksa-laksa ang naghihikahos na obrero't masang patuloy na binubusabos katubusan nila'y mula sama-samang pagkilos sagipin ang uri mula sa pagsasamantala ng uring kapitalista, elitista, burgesya mamatay man ako'y may patuloy na mag-aalsa hangga't may tusong mang-aapi't bulok ang sistema walang Superman, Batman, Robin, o iisang tao ang tutubos sa aping uri kundi kolektibo nilang pagkilos upang pangarap ay ipanalo maitayo ang asam na lipunang makatao O, manggagawa't dukha, ngayon ang tamang panahon upang magkaisang iguhit sa historya ngayon ang pagbaka't maipagwagi ang lipunang layon pag watak-watak tayo'y di natin kakamtin iyon huwag umasa sa manunubos na di darating na may mahikang lahat tayo'y biglang sasagipin tanging asahan ay sama-samang pagkilos natin bilang uri upang makataong sistema'y kamtin - gregoriovbituinjr. 06.08.2023     

Pangarap

Imahe
PANGARAP oo, pinangarap ko ring gumanda yaring buhay ngunit di pansarili kundi panlahatang tunay uring manggagawa't dukha'y giginhawa ng sabay dahil bulok na sistema'y nabaon na sa hukay yaman sa mundo'y aanhin kung mamamatay ka rin buti nang may pinaglalaban kang prinsipyong angkin punong-puno man ng sakripisyo'y may adhikain upang lipunang makatao'y maitayo natin at pagka gayon, alam mong nasa landas kang wasto sayang lamang kung mayaman kang lagi sa kasino sayang ang buhay kung nagdodroga lang o may bisyo minsan ka lang mabuhay, kaya tumpak na'y gawin mo aanhin mo ang magandang buhay kung nangmamata ng dukha, at sa kapwa tao'y nagsasamantala gusto mong pulos sarap? ay, sige lang, sumige ka habang kami'y patuloy sa paghanap ng hustisya ako'y isinilang na di para lang sa sarili kundi para sa uri't bayan ay makapagsilbi ako'y aktibistang Spartan na di mapakali sa pag-iral ng pagsasamantala't pang-aapi kaya huwag mong hanapin sa akin a

Mabuhay ang mga migranteng manggagawa!

Imahe
MABUHAY ANG MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA! tinaguriang bayani dahil nagsakripisyo pamilya'y iniwanan upang makapagtrabaho ng kung ilang taon sa malayong bansa dumayo kahit na ma-homesick ay nagsisikap umasenso nangibang-bayan na't kulang ang trabaho sa bansa kayraming nilang nagtrabaho para sa banyaga sa maraming bayan sa kanluran, timog, hilaga habang iniwanang tiwangwang ang tigang na lupa huwag lang sa illegal recruiter ay magpaloko ibinenta ang kalabaw upang ipambayad mo sa samutsaring papeles o mga dokumento dito pa lang, nagsakripisyo na silang totoo lumipat ng lugar nang makapagtrabaho roon o kaya'y upang sila'y manirahan na rin doon magandang bukas ang hinahanap ng mga iyon kaginhawahan ng pamilya ang kanilang layon oo, magandang buhay ang malimit sinasabi na marahil di maranasan sa bansang sarili kaya ang mga migrante ba'y ating masisisi kung sa ibang bansa na'y naakit sila't pumirmi pumirmi nang pansamantala o panghabambuhay pasiya nila iyang di mapipi

Tarang magkape

Imahe
TARANG MAGKAPE kaysarap ng tulog ng nakaraang gabi kaya paggising ngayong umaga'y nagkape sa dadaluhang pulong ay magiging busy upang sa obrero't masa'y makapagsilbi tarang magkape, kumukulo na ang tubig SULONG  patungo sa gawaing kapitbisig BANGON  at sa anumang problema'y tumindig KAYA MO 'YAN!  sa ating kapwa'y bukambibig magbahaginan ng kinaharap na isyu suriin ang lipunan paano tumakbo at magkaisa sa tinanganang prinsipyo magsikilos tungong lipunang makatao pagkunutan ng noo ang ating problema pag-usapan paano kamtin ang hustisya at pakikipagkapwa'y bigyan ng halaga habang mainit ang tubig, magkape muna - gregoriovbituinjr. 06.07.2023

Ngayong World Environment Day 2023

Imahe
NGAYONG WORLD ENVIRONMENT DAY 2023 sa harap ng D.E.N.R, walang nagpo-protesta nang magtungo ako ng ikasampu ng umaga kaya pala walang imbitasyon akong nakita dahil kaya administrasyong ito'y naiiba? di ba katulad ng nakaraang administrasyon aba'y kabi-kabila ang mga pagkilos noon sadyang naghanap ako ng masasamahan ngayon upang maibulalas ang sa diwa'y mga tanong: bakit ba progreso'y mapanira ng kalikasan? kaya raw nagmimina ay para sa kaunlaran kinalbo ang gubat at pinatag ang kabundukan iyan ba ang development? progreso nga ba iyan? matindi na ang pananalasa ng microplastic sa paligid-ligid, na sa laot pa'y nagsumiksik di sapat ang paggawa ng ekobrik at yosibrik upang malutas ang suliraning kahindik-hindik ngayong  World Environment Day , ating alalahanin sa pagkasira ng kalikasan, anong gagawin meron nang  Right to a Healthy Environment  ang U.N. Rights of Nature  pa'y dapat ding maitaguyod natin mabuhay ang mga nangangalagang katutubo sa kagubatan, kabunduka

Mahal, ako'y pauwi na (Sa eroplano, Bidyo 12)

Imahe
MAHAL, AKO'Y PAUWI NA (Sa eroplano, Bidyo 12) "Pauwi na ako,"  sabi sa isang awit na sa puso't diwa'y pananabik ang bitbit di na iniisip kung saan pa sasabit basta't tungo'y sa mahal na asawa't paslit sa eroplano'y sumakay tungong Maynila nang may kasabikang makakauwi na nga paglalakbay man ay matagal at mahaba o maiksi man, may saya sa puso't diwa "Pauwi na ako, mahal"  ang aking sabi sa tanging diwatang talagang kinakasi huwag lamang sanang matulad sa mensahe sa awiting  "Napakasakit, Kuya Eddie" tigib ng kasabikang puso'y inihanda upang di salubungin ng lumbay at luha upang tanging pagsinta yaong manariwa at magniig muli ang aming puso't diwa - gregoriovbituinjr. 06.05.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa paglipad ng eroplano mula Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lqwyLL_NGb/

Pagdatal sa NAIA 3 (Sa eroplano, Bidyo 11)

Imahe
PAGDATAL SA NAIA 3 (Sa eroplano, Bidyo 11) hapon na nang sa paliparan nakarating habang nasa isip ang diwatang kaylambing "baka may tsiks ka roon" ang biro't pasaring sinabi ko'y wala, at wala ring pahaging matagal pa ang pag-uwi mula NAIA lalo't nasa lungsod na, maulan, trapik pa ito ang nasa isip habang pababa na tanging bitbit ay karanasa't alaala pinagmasdan ko ang iba pang eroplano na aming nadaanan pagkalapag nito  maya-maya lang, tatayo na kami rito susunduin ng bus pagbaba namin dito halos isang oras din yaong paglalakbay na may kakaibang natutunan ding tunay mataas pa sa ulap, kaibang palagay ah, pahinga muna pagkauwi ng bahay  - gregoriovbituinjr. 06.05.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa paglipad ng eroplano mula Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lqwbnfz7jT/

Lalapag na ang eroplano (Sa eroplano, Bidyo 10)

Imahe
LALAPAG NA ANG EROPLANO (Sa eroplano, Bidyo 10) naroon pa ring patuloy na nagninilay ang nasasadiwa'y samutsaring palagay hanggang eroplano'y naghanda na ring tunay sa paglapag mula mahabang paglalakbay inihanda kong muli ang selpon-kamera upang mismong pag-landing ay mabidyuhan pa ano nang pakiramdan? saya ba o kaba? marahil saya dahil makakauwi na handa nang magbidyo upang may maikwento anong nasa isip, ano bang naengkwentro anong nakita habang nasa eroplano bukod pa sa ngiti ng istewardes dito "ako'y uuwi na, mahal ko", anang awit biyahe'y tanghali kaya di na pumikit at minasdan ang ulap, panganorin, langit, dagat at kalupaang animo'y kayliit - gregoriovbituinjr. 06.04.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa paglipad ng eroplano mula Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lqhPzEsSQU/

Lugar na mapuno at nagtatayugang gusali (Sa eroplano, Bidyo 9)

Imahe
LUGAR NA MAPUNO AT NAGTATAYUGANG GUSALI (Sa eroplano, Bidyo 9) may lugar pa palang pulos puno sa atin sa animo'y kalunsurang nakita lang din sa ere nang minamasdan ang panganorin lupa'y tanaw, ah, pagbaba'y malapit na rin katabi lang ng nagtatayugang gusali ang mapunong lugar, buti't napanatili animo sa lungsod, gubat ang kalahati na sadyang nagbibigay ng magandang ngiti dapat lang pangalagaan ang kalikasan huwag salaulain ang kapaligiran huwag kalbuhin ang bundok at kagubatan mga pinutol na puno'y dapat palitan iyan ang nasa diwa hinggil sa nakita nang nasa ere, naninilay ang problema paano kalikasa'y maprotektahan pa nang di sirain ng tusong kapitalista - gregoriovbituinjr. 06.04.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa paglipad ng eroplano mula Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lqdBdVe_BP/

Tanaw na ang kalupaan (Sa eroplano, Bidyo 8)

Imahe
TANAW NA ANG KALUPAAN (Sa eroplano, Bidyo 8) mula roon sa himpapawid ay pagkasabik yaong hatid kalupaan na'y namamasid malapit nang bumaba'y batid walang ibong nakasalubong walang agilang sumusuong o lawing sa dagat lumusong o kaya'y bahang nilulusong tanaw ko na ang kalupaan nang sa ere'y palutang-lutang pag iyo namang pagmamasdan ay tila baga mapa naman paano ba kami bababa nang may pag-iingat na lubha dama sa pagmasid sa lupa ay di naman nakalulula kundi kasabikang umuwi sa asawa't bahay na munti na ang talagang minimithi pag-ibig ay mapanatili - gregoriovbituinjr. 06.03.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa paglipad ng eroplano mula Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lnLAsc3bxe/

Pagtitig sa palikpik (Sa eroplano, Bidyo 7)

Imahe
PAGTITIG SA PALIKPIK (Sa eroplano, Bidyo 7) tanging palikpik ng eroplano ang tiningna't naging patnubay ko habang naroon sa himpapawid sa patutunguha'y ihahatid nasa tabi ako ng bintana tila baga roon ay napatda habang tinatanaw ang paligid habang mga pulo'y tinatawid baka lang malula akong lintik kung di ko namasdan ang palikpik tila duyang hinehele-hele yaong pakiramdam ko sa ere walang anumang alalahanin o kaya't takot sa papawirin sa pag-uwi'y sadyang nananabik habang may tulang sinasatitik - gregoriovbituinjr. 06.03.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa paglipad ng eroplano mula Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lnLz7Gl1DK/

Tila babagyo (Sa eroplano, Bidyo 6)

Imahe
TILA BABAGYO (Sa eroplano, Bidyo 6) ah, nangingitim ang alapaap may unos kayang kinakaharap? para bang may bagyong magaganap habang ang danas sa ere'y lasap animo'y bulak o kaya'y usok ang kaharap habang pabulusok tila narating namin ang tuktok ng mga nagtatayugang bundok bulak at usok, puti at itim may maarok kayang anong lalim? may malantad kaya ritong lihim? may liwanag ba o pulos dilim? hintaying tayo'y lumampas muna sa ulap na maitim talaga bagyo'y may banta mang manalasa may panahong makapaghanda pa - gregoriovbituinjr. 06.02.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lfHGBgwu9G/

Nalalambungan ng ulap (Sa eroplano, Bidyo 5)

Imahe
NALALAMBUNGAN NG ULAP (Sa eroplano, Bidyo 5) animo'y usok sa himpapawid o nagsulputang bulak ang hatid na nanagasa o bumalakid sa landas na yaong tinatawid marahil dahil inip nagbidyo o kaya'y dahil interesado sa agham upang may maikwento habang sakay pa sa eroplano tila kinain ng alapaap ang sinakyang noon pa pangarap nalalambungan kami ng ulap sa ere nang wala sa hinagap minsan lang marating ang itaas na animo'y uri ng palabas na isa na lang pangarap bukas maganda na ring ito'y dinanas - gregoriovbituinjr. 06.02.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/lfAZ7fYF9A/

Sa taas ng alapaap (Sa eroplano, Bidyo 4)

Imahe
SA TAAS NG ALAPAAP (SA EROPLANO, BIDYO 4) akala mo'y agila akong kaytayog ng lipad o di kaya'y si Bathalang mataas pa sa ulap o si Aladin na nasa karpet na lumilipad tanaw ang musa't diwatang naroon nakabungad pagkat ibabaw ng alapaap ay naabot din ng tanaw, nakamit din ang malaon nang mithiin tila baga panaginip sa kaytagal kong himbing nasa taas man ay wala pa rin sa toreng garing pagkat paa ng makata'y nanatili sa lupa na buong pakumbabang sinasamahan ang dukha inaabot man ang langit ng asam na ginhawa sugat ay nagpapatuloy pa ring nananariwa kaya di tayo titigil sa ating pagsisikap na abutin ang langit ng ating mga pangarap upang kamtin ang ginhawa't makaahon sa hirap upang tunay na pag-unlad ay kamtin nating ganap - gregoriovbituinjr. 06.01.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/l6V6uloEyU/