Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2024

Huling umaga ng Mayo 2024

Imahe
HULING UMAGA NG MAYO 2024 ginising ako ng alarma ng relo, umaga na pala ang haring araw sa silangan ay unti-unting nagpakita tila baga nangungumusta akong antok pa sa higaan ay nag-inat na ng katawan kaylamig pa upang maligo hinanda muna ang agahan pandesal at kape na naman sa talakayan patutungo sapagkat may isyung di biro na dapat pag-usapan namin baka bansa'y biglang gumuho at kalayaan ay maglaho kaylamig, ako'y nababahin habang isyu'y dapat basahin dapat handa sa sigwa't gera bago pa sa baha lubugin bago pa sa luha lunurin - gregoriovbituinjr. 05.31.2024

Tibuyo upang makaipon

Imahe
TIBUYO UPANG MAKAIPON napili ko'y labing-anim na aklat pampanitikang nakahihikayat basahin kaya pag-ipunang sukat upang nagustuha'y mabiling lahat presyo nito'y dalawang libong piso na aking pagsisikapang totoo iyong tingnan ang listahan at presyo kung bakit nais ko ng gayong libro di lang iyan pandagdag sa aklatan kundi higit pa'y dagdag kaalaman pagsuporta na rin sa panitikan na naging buhay ko ring kainaman tibuyo'y pupunuin ko ng barya sampung piso o bente pesos muna kakayod ako't kakayod talaga sa pagkayod lang ako umaasa - gregoriovbituinjr. 05.30.2024 Mga pinag-iipunan kong balak bilhing aklat sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF): 1 - ANG APAT NA HIMAGSIK NI FRANCISCO BALAGTAS - P100 2 - INTRODUKSIYON SA LEKSIKOGRAPIYA NG FILIPINAS - P200 3 - KAPAYAPAAN SA ILANG WIKA NG FILIPINAS - P100 4 - KASAYSAYAN NG MGA PAMAYANAN NG MINDANAO AT ARKIPELAGO NG SULU - P150 5 - LAPAT: ANTOLOHIYA NG MGA KONTEMPORANEONG KUWENTONG FILIPINO - P165 6 - MGA LEKTURA SA KASAYSAY

Bardagulan sa walwalan

Imahe
BARDAGULAN SA WALWALAN muli nating natunghayan sa dyaryo yaong pabalbal o salitang kanto pagkat bumungad agad sa titulo pamagat:  "Bardagulan sa walwalan, katropa nategi" , iyo bang alam kung ano ang ibig sabihin niyan? nagkabugbugan habang tumatagay isa sa kasamahan ang napatay salita ng mga maton at tambay umuunlad ang wikang Filipino nagagamit pati salitang kanto sa balita o pag-ulat sa dyaryo sa partikular na lugar ay wika na minulan ng tagapagbalita na tiyak unawa ng mga siga sa bokabularyo'y maidaragdag sa glosaryo'y mga salitang ambag na sa ating wika'y di naman labag - gregoriovbituinjr. 05.30.2024 * ulat mula sa  Abante Tonite , Mayo 26, 2024, p.3

Ano nga bang silbi ng 4PH?

Imahe
ANO NGA BANG SILBI NG 4PH? ano nga bang silbi ng 4PH kung di sinasama ang ISF may pabahay para sa iskwater ngunit kung mayroon kang Pag-Ibig pabahay na pang-underprivilege at pang-homeless sang-ayon sa batas ngunit para pala sa may payslip na kayang magbayad ng regular 4PH ba'y may silbi sa dukha o pinaaasa lang sa wala dukha'y nais nang magpasalamat kung iskemang ito'y walang lamat pabahay palang ito'y negosyo at di pala serbisyo sa tao pag tatlong buwang di makabayad sa bahay mo'y tanggal ka raw agad dapat dukha'y magbigkis na tunay nang may sosyalisadong pabahay itatayo'y kanilang sistema ng lipunang mayroong hustisya - gregoriovbituinjr. 05.30.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa isang rali sa harap ng DHSUD * 4PH - Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program * ISF - informal setller families, bagong pangalan sa squatter

Tatlong buwang sanggol ang biktima

Imahe
TATLONG BUWANG SANGGOL ANG BIKTIMA pamagat ng ulat ay nakapukaw ng atensyon  "Unthinkable" : isang batang tatlong buwan lang ngayon ay nabiktima na ng  online sexual exploitation mga nambibiktima'y dapat mahuli't makulong aba'y paglabag na ito sa batas na  OSAEC bakit sanggol pa lang ay inaabuso na ng lintik magulang ba ang maygawa o sila ang humibik na anak nila'y biktima kaya sila'y umimik bago iyon ay edad onse ang pinakabata sa nabiktima ng ganyang kasong di matingkala subalit ngayon ang sanggol na batay sa balita naku, bakit ba ang ganyan ay nangyayaring sadya? bakit bata pa lang ay biktima na sa internet? dahil ba sa hirap kaya pati bata'y ginamit? kahirapan ba ang rason ng naranasang gipit? hanap ay pagkakakitaan, nakita'y kaylupit? - gregoriovbituinjr. 05.30.2024 *  OSAEC  - online sexual abuse and exploitation of children * ulat mula sa pahayagang  Tempo , Abril 26, 2024

Dalawang sagot sa palaisipan

Imahe
DALAWANG SAGOT SA PALAISIPAN tanong sa Pahalang ay  Nota  sa musika tanong sa Pababa:  Pangalan ng babae ang sagot sa Pababa ay  MINA  o  TINA ang sagot naman sa Pahalang ay  MI  o  TI parehong tama kahit ano ang isagot baligtarin man ang Pahalang at Pababa parehong tama kaya di ka manlalambot sa ganyang kaiga-igayang larong diwa ang ganito'y ngayon ko lamang naengkwentro alinman sa dalawa ang iyong itugon ay tumpak, makuha man ang sagot sa dyaryo bukas ay walang alinlangang tama iyon salamat sa anong sayang palaisipan at diwa animo'y kinikiliti lamang - gregoriovbituinjr. 05.29.2024 * 21 Pahalang at 21 Pababa * palaisipan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 29, 2024, pahina 14

Paghahanda sa hapunan

Imahe
PAGHAHANDA SA HAPUNAN kahit mag-isa man sa tahanan ay naghahanda rin ng hapunan ganyan ang aktibistang Spartan nasa isip lagi'y kalusugan binili'y dalawang kilong bigas kamatis at lata ng sadinas sampung okra't dahon ng sibuyas gulay na dapat lang pinipitas nais ko sa hapunan may gulay na maganda habang nagninilay dapat loob ay napapalagay upang makapag-isip na tunay ulam upang diwa'y di maglaho tarang kumain pag nakaluto - gregoriovbituinjr. 05.29.2024

Pagsisikap sa pagkatha ng kwento

Imahe
PAGSISIKAP SA PAGKATHA NG KWENTO dapat pagbutihin ang pagkatha ng kwento upang mabasa ng masang dukha't obrero lalo't malalathala ito sa diyaryo publikasyon ng mahihirap na totoo na daluyan ng pahayag hinggil sa isyu kaya binabasa pati mga polyeto nagsikap na mag-ipon upang makabili ng mga aklat ng kwento nina  Tagore, Irving, Austen, Jack London, F. Sionil Jose, Lovecraft, Mark Twain,  upang sanayin ang sarili sa pagkatha ng kwentong sa masa'y may silbi na balang araw ay maipagmamalaki salamat at may  Taliba ng Maralita na natatanging diyaryong naglalathala ng aking kwento't tula, na kung ito'y wala walang lalagakan ng aking mga akda - gregoriovbituinjr. 05.29.2024 *  Taliba ng Maralita  - opisyal na publikasyon ng pambansang samahang  Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)

Isdang espada pala'y tagan

Imahe
ISDANG ESPADA PALA'Y TAGAN tanong pahalang ay  ISDANG ESPADA di ko alam iyon, ah, limang letra kaya pababa'y sinagutan muna iyon, isdang espada'y  TAGAN  pala tiningnan ko sa isang diksyunaryo kung ano nga bang kahulugan nito isda, nguso'y parang lagari, sakto ito na nga ang sagot sa tanong ko isdang espada, ang nguso'y lagari na sa kanyang kalaban ay panghati o depensa laban sa katunggali pag natusok nito'y baka masawi walang duda, isdang espada'y  TAGAN bagong dagdag sa ating kaalaman magagamit sa tula, kwentong bayan, dula at pabula sa panitikan - gregoriovbituinjr. 05.29.2024 * 25 Pahalang - isdang espada * palaisipam mula sa pahayagang  Abante , Abril 2, 2024 *  tagan  - isdang tabang  (Pritis microdon)  na may mahabang nguso na parang lagari, humahaba ng 1 metro, abuhin ang sapad na katawan na may maraming tinik na maliliit, kulay tsokolate, at dilaw ang dulo  (mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, Ikalawang Edisyon, pahina 1200)

Paglaba't pagsampay ng basahan

Imahe
PAGLABA'T PAGSAMPAY NG BASAHAN di lamang damit ang aking nilabhan kundi ang pitong tuwalyang basahan na nabasa sa tulo sa tahanan mula sa bubungan dahil sa ulan animo sa bahay ay naglawa na kahit may tagasalong palanggana basang-basa ang basahang tuwalya sa sahig ay pinampunas talaga walang ibang gagawa kundi ako sa sabon ay binabad munang todo kinusot, binanlawan, sinampay ko sana mamaya'y matuyo na ito paglalaba'y karaniwang gawain sunod, damit namang ginamit namin ang kukusutin at aatupagin na pag natuyo'y may maisuot din - gregoriovbituinjr. 05.28.2024

Ang sipnayanon

Imahe
ANG SIPNAYANON It is impossible to be a mathematician without being a poet in soul. ~ Sophia Kovalevskaya imposible raw maging sipnayanon pag di ka isang makata sa diwa kaylalim ng pananalitang iyon pag sipnayanon ka'y nagmamakata iyang sipnayan o matematika ay para ring tulang may tugma't sukat batid mo ano ang geometriya at trigonometriya ng pagsulat kung maging sipnayanon ang nais mo pagkamakata mo'y di maglalaho lalo't batid ang padron ng numero sipnayan sa diwa, tula sa puso mabuhay ka, sipnayanon, mabuhay! makata kang wala sa toreng garing sa sipnayan ikaw magpakahusay at sa pananaludtod ay titining - gregoriovbituinjr. 05.28.2024 * sipnayanon - mathematician;  sipnayan - mathematics

Pagkilos laban sa ChaCha

Imahe
PAGKILOS LABAN SA CHACHA sa rali ako'y sumama na panawagan sa masa: Manggagawa, Magkaisa! Labanan ang Elitista at Kapitalistang ChaCha sa guro'y nakinig ako sa pagtalakay ng isyu laban sa ChaCha ng dayo at ChaCha rin ng Pangulo na masa ang apektado guro naming naririyan ay lider-kababaihan lider obrerong palaban lider-dukha, kabataan lider-tsuper, sambayanan ang ChaCha'y kasumpa-sumpa nais ng trapo't kuhila na ibenta sa banyaga ng sandaang porsyento nga ang edukasyon at lupa trapong sugapa sa tubo ang sa ChaCha'y namumuno dapat lang silang masugpo ang bayan na'y punong-puno sa mga trapong damuho - gregoriovbituinjr. 05.27.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa harap ng Senado, Mayo 22, 2024

Pahimakas kay Direk Carlo J. Caparas

Imahe
PAHIMAKAS KAY CARLO J. CAPARAS bata pa lang ako'y kilala ko na siya una'y sa komiks, sunod ay sa pelikula Totoy Bato ni F.P.J.  ay likha niya Ang Panday  hanggang ikaapat na yugto pa siya nga'y bahagi ng aming kabataan sa  komiks  na inaarkila sa tindahan na sadya namang aming kinagigiliwan walang pang socmed, komiks na'y aming libangan basta pag nabalitang  Carlo J. Caparas yaong mga pelikulang ipapalabas tiyak na iyon ay maaksyon at magilas tatabo sa takilya, kwento ma'y marahas mga nagawa mo'y sadyang kahanga-hanga bagamat sa iyo'y maraming tumuligsa parangal na  National Artist  pa'y nawala nang Korte Suprema ang nagdeklarang sadya gayunpaman, sa tulad mo ako'y saludo mula nang makilala ka sa  Totoy Bato pasasalamat ang tanging masasabi ko pagpupugay sa lahat ng mga ambag mo - gregoriovbituinjr. 05.27.2024 * mula sa pahayagang P ang-Masa,  ika-27 ng Mayo, 2024, pahina 6 *  https://www.spot.ph/newsfeatures/53963/carlo-j-caparas-national-artist-awa

Tulog na si alaga

Imahe
TULOG NA SI ALAGA si alaga ko'y tulog na ay, heto't ako'y gising pa madaling araw na, aba ay dapat nang magpahinga nais ko na ring pumikit tulad ng pusang kaybait at sa pagtulog mabitbit ang pangarap na kakabit bakit nga ba nagsisikap na abutin ang pangarap upang di na naghihirap pagkabigo'y di malasap ano pa bang inaarok di pa dalawin ng antok at mamaya na'y puputok iyang araw sa ituktok sabayan na si alaga at huwag nang tumunganga mata'y ipikit nang kusa hanggang makatulog na nga - gregoriovbituinjr. 05.27.2024

Nilay sa madaling araw

Imahe
NILAY SA MADALING ARAW kung bakit di ako makatulog gayong madaling araw na pala sa pagbabasa kasi uminog itong maghapon mula umaga dapat magbasa ng dokumento dapat magbasa ng panitikan babasahin ang nabiling libro sa kwaderno'y magsusulat naman isusulat anong naninilay sa buong maghapon at magdamag at kakatha ng tula't sanaysay upang buhay ay di maging hungkag madaling araw na'y di pa antok baka gising pa ng alas-sais mapupuyat, sasakit ang batok ah, pipikit na lang ng alas-tres huwag pabayaan ang katawan ang kabilin-bilinan ni Inay nasa diwa'y makakatulugan matapos ang mahaba kong nilay - gregoriovbituinjr. 05.27.2024

Panitikang bayan

Imahe
PANITIKANG BAYAN nais ko palaging magbasa nitong ating literatura at matunghayan ko tuwina ang mga akda ng nauna mga naunang manunulat paano ba sila namulat paano ba sila nagmulat paano ba sila nagsulat kaya ginawa ko nang misyon na inakda nila'y matipon pambihirang pagkakataon ang matipon ang mga iyon at basahin sa libreng oras na katulad ng panghimagas tila binasa'y mga pantas na hangad ay lipunang patas panitikan mang subersibo o panitikang makatao babasahin ko lahat ito sa mga nauna'y matuto halina't magbasa ng aklat ng mga naunang kabalat sa bansa'y pamana ngang sukat tanging masasabi'y salamat - gregoriovbituinjr. 05.26.2024

Sa pag-iisa - salin ng tula ni Edgar Allan Poe

Imahe
SA PAG-IISA ni Edgar Allan Poe Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 12 pantig bawat taludtod Noong ako'y bata, ako nga'y hindi pa Katulad ng iba - hindi ko natanaw Ang nakita nila - hindi ko madala Ang mga hilig ko mula pa sa bukal Mula pinagmulang hindi ko matangay Yaring kalungkutan - hindi ko ginising Ang puso sa tuwa sa parehong himig - Tanang inibig ko'y - inibig mag-isa Kaya - nang bata pa - sa madaling araw Ng buhay kong tigib ng sigwa - ginuhit Nang mula sa lalim ng buti't masama Ang kahiwagaang bumalot sa akin - Magmula sa agos, o kaya'y sa balong - Mula pulang bangin niyong kabundukan -  Mula sa araw na lumigid sa akin Sa taglagas niyong tinina ng ginto Mula sa pagkidlat niyong kalangitan Nilampasan akong ito'y lumilipad - Mula sa pagkulog, at maging sa unos - At sa alapaap na siyang nag-anyo (Na ilang bahagi ng Langit ay bughaw) Ng isang diyablo sa aking pananaw - * isinalin, ika-26 ng Mayo, 2024 * litrato mula sa google ALONE BY EDGAR ALLAN POE F

Pagngiti sa pagwawangis

Imahe
PAGNGITI SA PAGWAWANGIS pag may kakaibang nabasang talinghaga lalo't kayganda'y mapapangiti kang sadya animo'y nakikiliti ang iyong diwa napapaisip sa alindog ng salita tulad na lang ng tayutay na pagwawangis o simile, na matulaing binibigkis bakit puso mo'y gaya ng bato sa batis pinaluluha mo ako ng labis-labis kapara mo'y talangka sa laot ng lumbay katulad ko'y bituin sa langit ng malay ang gerilya'y tulad ng makatang mahusay parang tulang di madalumat ng kaaway pangako ng trapo'y parang dampi ng hangin laging napapako kundi man nakabitin sa ChaCha ang bayan ay parang nasa bangin bantang ibenta sa dayo ang lupa natin sa ganitong tayutay ay napapangiti pagkat sa larang ng tula ako'y masidhi sa pagkatha nito'y di dapat magmadali na paksa'y inaalam muna't sinusuri - gregoriovbituinjr. 05.26.2024 * litrato mula sa app game na  Word Connect

Sudoku - larong palatambilang

Imahe
SUDOKU - LARONG PALATAMBILANG ang palatambilang ay larong diwa na sa ating utak ay naghahasa tulad ng sudokung nakatutuwa sapagkat ito'y nagbibigay sigla sa bawat larong diwa tulad nito ay pinag-iisip talaga tayo ilalagay mo ang wastong numero sa isang linyang walang kapareho ang bilang isa hanggang bilang siyam pahalang, pababa, o pahilis man at tatlo-tatlong bloke ng tambilang ay ilagay sa tamang kalalagyan pag in-add ang munero bawat linya sumatotal ay apatnapu't lima pag may parehong numero sa linya ayusin mo pagkat iya'y mali na sa ganitong larong diwa, salamat at isipan ay di pinupulikat sapagkat naeehersisyong sukat lalo't nabuo't nasagutang lahat - gregoriovbituinjr. 05.26.2024

Ano ang gusto mong kape?

Imahe
ANO ANG GUSTO MONG KAPE? ano ang gusto mong kape? nang tuminik sa diskarte sikmura'y minamasahe? o pampaayos ng siste? nais mo ba'y Cafe Puro? Ricoa ba'y paborito? Nescafe, Great Taste ba ito? ako? ay, kapeng barako magkakape sa umaga bago puntang opisina o sa rali sa kalsada kape'y popular talaga ginigising ang isipan pati ang buong kalamnan maaaring mabawasan yaong taba sa katawan anong kapeng iyong nais? yaong pampawi ng inis? huwag lang sobra sa tamis upang iwas-diabetes magkape pag nakatunghay sa laban ni Manny Pacquiao o kaya'y pag nagninilay sa malayo nakatanaw - gregoriovbituinjr. 05.25.2024 * litrato mula sa google

Nagrali laban sa Israel, sinipa ng iskul

Imahe
NAGRALI LABAN SA ISRAEL, SINIPA NG ISKUL tama lang namang lumahok sa rali laban sa Israel na asta'y Nazi ngunit U.S. ito'y kinukunsinti pinatay mang Palestino'y kayrami ngunit na-kickout ang babaeng anak ni Kim Atienza matapos sumabak sa anti-Israel raling palasak na sa mundo't lalo pang lumalawak na-kickout ang anak ni Kim Atienza sa  University of Pennsylvania pagkat isa sa lider si Eliana sa higit dalawang linggong protesta ng  Gaza Solidarity Encampment na nagsikilos sa loob ng UPenn hustisyang panawagan nila'y dinggin: itigil ang pagmarder sa Palestine! tangi kong masasabi'y pagpupugay kay Eliana na nanindigang tunay gawain ng Israel na pagpatay sa Palestino'y kahudasang lantay - gregoriovbituinjr. 05.25.2024 * ulat mula sa pahayagang  Abante , ika-25 ng Mayo, 2024, pahina 2

Ang laban ng tsuper

Imahe
ANG LABAN NG TSUPER ang laban ng tsuper , sabing mariin ay laban ng konsyumer tulad natin ang kanilang panawagan ay dinggin at sa laban sila'y samahan natin lalo na't tayo'y pasahero ng dyip sa modernisasyon, sila'y nahagip di tayo payag na ma-phase out ang dyip na kasama na mula magkaisip ang sabi pa, wala raw ibang ruta kundi ang landas ng pakikibaka sigaw nila: Prangkisa, Hindi ChaCha sa kanila, ako'y nakikiisa phase out ang sa kanila'y kumakatay ngayon, mawawalan ng hanapbuhay ang mga tsuper na di mapalagay kaya dapat tulungan silang tunay - gregoriovbituinjr. 05.25.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa tarangkahan ng Senado, 05.22.2024

Sabaw ng nilagang bawang

Imahe
SABAW NG NILAGANG BAWANG iniinom ko sa umaga ay nilagang bawang tuwina pampatibay daw, sabi nila animo'y kinakape ko na pampalakas ng immune system na may active compound allicin na ang mikrobyo'y papatayin nang di tayo maging sakitin ito'y payo ng matatanda maganda ang bawang na laga sabaw ay iinuming kusa parang salabat na tinungga higit sampung butil ang bilang nitong bawat kumpol ng bawang araw-gabi'y inumin lamang sa sakit na'y may pananggalang pag ubos ko ng isang baso ng bawang ay babantuan ko ng mainit na tubig ito at tiyak ako na'y ganado - gregoriovbituinjr. 05.25.2024

Muling lumahok sa rali

Imahe
MULING LUMAHOK SA RALI muli akong nagtungo sa rali at lumahok sa masang kayrami dito'y pinakinggan kong mabuti ang mga talumpati't mensahe mga sagigilid ang kasama manggagawa, dukha, aping masa panawagan:  Sahod, Hindi ChaCha! Hustisyang Pangklima, Hindi Gera! isinigaw doon sa Senado: itaas ang sahod ng obrero! ayaw sa isandaang porsyento na mag-ari sa bansa ang dayo! Climate Justice, at hindi Just-Tiis! ang climate change ay napakabilis! tanggalin ang mga EDCA bases! h'wag sumali sa Gera ng U.S.! ilan ito sa isyu ng bayan na dapat mabigyang kalutasan para sa makataong lipunan para sa patas na kalakaran - gregoriovbituinjr. 05.24.2024 * sagigilid - marginalized * litratong kuha ng makatang gala sa harap ng Senado, 05.22.2024

Pagsagupa

Imahe
PAGSAGUPA Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~ Ho Chi Minh kabilin-bilinan ni Ho Chi Minh na tila nagsalita sa akin dapat mayroong bakal ang tula at makata't alam sumagupa si Ho Chi Minh, lider ng Vietnam, na sa mga Kano ay lumaban Amerika'y kanilang tinalo nang sa laban ay sumuko ito at bilang isang makatang tibak handa akong gumapang sa lusak at patuloy na nakikibaka para sa karapata't hustisya maitayo ang lipunang patas umiral ay sistemang parehas - gregoriovbituinjr. 05.23.2024 * selfie ng makatang gala sa Bantayog ng mga Bayani

Tarang maghapunan

Imahe
TARANG MAGHAPUNAN payak na hapunan ng tibak na Spartan pais na bangus, dahon ng sibuyas, bawang, pati kamatis, pampalakas ng katawan mumurahin mang gulay, mabubusog naman ganyan madalas pag mag-isa lang sa bahay at di pa umuuwi ang mutyang maybahay batid niyang hilig ko lang ay isda't gulay na may bitamina at mineral na taglay pag walang pagkilos, nagkukulong sa silid magsusulat, magsusuri, may binabatid sa mga isyu ng sektor ng sagigilid nang tinig nila'y mapalakas, di maumid payak man ang ulam, maghapunan ta ngayon upang sa pagtulog, di makadamang gutom - gregoriovbituinjr. 05.23.2024 * litratong kuha ng makatang gala

Ipasa ang klase

Imahe
IPASA ANG KLASE sabi nila, mag-aral kang maigi upang kinabukasan mo'y bumuti kaya huwag mong ibagsak ang klase ginawa nila lahat ng diskarte upang umahon sa pagiging pobre lalo't magulang mo'y todo ang kayod pinagkakasya ang mababang sahod minsan, sa amo pa'y naninikluhod nang makabale't may maipamudmod sa anak na sa pag-aaral lunod kapitalismo kasi ang sistema na ang edukasyon ay bibilhin pa dapat pag-ipunan ang matrikula kayod-kalabaw sina ina't ama pahalagahan mo ang hirap nila pag sistemang bulok ay napalitan at naging makatao ang lipunan edukasyon ay di na kalakalan di tubo ang misyon ng paaralan kundi kagalingan ng mamamayan - gregoriovbituinjr. 05.23.2024 * litrato mula sa app game na Word Connect

Sinong pipigil sa matatandang nagmamahalan?

Imahe
SINONG PIPIGIL SA MATATANDANG NAGMAMAHALAN? kahit pa matatanda na sila'y nagmamahalan ayon sa inilathala ng isang pahayagan anang babae, mahirap daw mag-isa sa buhay lalo't anak ay may kanya-kanyang pamilyang taglay siya'y biyuda't tanging naiiwan sa tahanan kaya nadarama'y kahungkagan at kalungkutan hanggang sa kanya'y may balo rin namang nanliligaw upang sumaya, dito'y may bukas na natatanaw di ba't wala naman sa edad kung nais umibig lalo na't ang puso sa isa't isa'y pumipintig sa dalawang umiibig, sinong makapipigil wala, kahit na sa edad, sila'y di pasisiil muli, bigyan nila ng pagkakataon ang puso na maranasang muli ang asukal ng pagsuyo - gregoriovbituinjr. 05.23.2024 * mula sa isang lathalain sa pahayagang  Bulgar , 05.20.2024, p.9

Edad 6, kampyon na sa jiu jitsu

Imahe
EDAD 6, KAMPYON NA SA JIU JITSU edad anim na taon ay nagkampyon nang totoo si Jeon Bradley Dela Cruz sa larang ng jiu jitsu gintong medalya'y nasungkit niya noong Pebrero sa Kindergarten Rooster division , kaygaling nito sa lungsod ng Las Piñas ay nagbigay karangalan ginto muli sa internasyunal na paligsahan doon naman sa Marianas Pro Manila Brazilian Jiu Jitsu Championship na kanya pa ring sinabakan ang Brazilian Jiu Jitsu ay martial arts, pandepensa, pagsakal at pakikipagbalitian talaga, pakikipagbuno kahit sa malaki sa kanya sa combat isport na ito siya nagkamedalya sa batang gulang sa jiu jitsu na siya sinanay kaya sa depensa, loob niya'y napapalagay kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang husay sa kanyang tagumpay ay taospusong pagpupugay - gregoriovbituinjr. 05.22.2024 * ulat mula sa pahayagang Abante , ika-22 ng Mayo, 2024. pahina 8

Isusulat ko

Imahe
ISUSULAT KO isusulat ko'y kwentong kutsero habang nakasakay sa kalesa isusulat ko'y kwentong barbero habang nagdadama sa barberya isusulat ko anong totoo ngunit ano ang katotohanan isusulat ko anumang isyu't mga usapin ng mamamayan isusulat ko si Bonifacio at ang naganap sa Katipunan isusulat ko rin si Jacinto at pamanang Kartilya sa bayan isusulat ko'y tunay na kwento ng manggagawa't ng sambayanan ang isusulat ko'y samutsari nang wala mang pag-aatubili - gregoriovbituinjr. 05.20.2024

May tatlong serbesa roon

Imahe
MAY TATLONG SERBESA ROON may tatlong serbesa pala roon ayon ito sa app na  Word Connect tagay lang tayo pag may okasyon katoto, kita muna'y bumarik pulutan ma'y samplatitong mani mahalaga'y magkakumustahan sa tagay ay huwag magmadali lalo na't masaya ang huntahan tigisa't kalahating serbesa kung iyon talaga'y hahatiin ngunit magkwentuhan lang talaga tatlong serbesa'y di naman bitin maya-maya'y uwi na ng bahay antok na lamang ang hinihintay - gregoriovbituinjr. 05.19.2024

Makakatago pa ba?

Imahe
= MAKAKATAGO PA BA? makakatago ba tayo kay  Kamatayan gayong lahat naman ng tao'y mamamatay di lang batid kung paano, kailan, saan ang mahalaga'y paano tayo nabuhay kayrami nang mga nangamatay sa sakit habang marami pa'y dahil sa aksidente ang iba'y nakaranas ng pagmamalupit kaya bumigay ang kalusugan, ang sabi oras na ba talaga ng mga pinaslang? gayong kaya nangamatay, sila'y inambus? o ang naaksidente'y sa bangin nalaglag? pagkat nawalan ng preno, tsuper ba'y tulog? maaakyat kaya natin ang sampung bundok masisisid ba natin ang laot ng dagat upang takasan si Kamatayan sa tuktok o sa kailalimang di ko madalumat ika nila, kung oras mo na, oras mo na di na ubra kay  Kalawit  ang patintero wala ka nang mapagtataguan talaga kay  Kamatayan  kung oras mo na sa mundo - gregoriovbituinjr. 05.19.2024 * litrato mula sa app game na Word Connect

Edad 15, ni-rape ng rider

Imahe
EDAD 15, NI-RAPE NG RIDER huwag basta magtitiwala sa matatamis na salita baka mapahamak na sadya gawa ng haragang kuhila ulat sa dyaryo, ang nangyari: "Ni-rape ng rider, edad kinse" rider na napakasalbahe ang nang-rape sa batang babae inalok daw ng libreng sakay at pagkain pa'y ibinigay ngunit malaon ay hinalay ng rider yaong walang malay babae'y iyan ang sinapit sa rider na iyong kaylupit hustisya'y dapat na makamit rider ay dapat lang ipiit - gregoriovbituinjr. 05.19.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar , ika-19 ng Mayo, 2024, pahina 2

Tabak ang tula

Imahe
TABAK ANG TULA animo'y tabak ang tula sa balat nakahihiwa nakadudugo ng diwa nakasusugat ng dila armas iyang anong talim laban sa burgesyang lagim armas habang nasa dilim ng sangkaterbang panimdim armas ng makatang tibak depensa ng hinahamak ang nagniningas na tabak ng salita at pinitak bubunutin sa kaluban ang tabak na hinasaan para sa obrero't bayan laban sa trapo't gahaman - gregoriovbituinjr. 05.19.2024

Agahan

Imahe
AGAHAN tara munang mag-almusal bago magtungo't dumatal sa dadaluhang pestibal at pulong na magpapagal dapat may laman ang tiyan pag umalis ng tahanan nang di magutom sa daan may lakas sa talakayan dadaluha'y isang misyon na usapin ay translasyon mga tagasalin roon ay may gawaing maghapon kaya ako'y naghahanda sa dadaluhang adhika nang mapaunlad ang diwa at ang tungkulin sa wika - gregoriovbituinjr. 05.18.2024

Naabot na ang Level 6000

Imahe
NAABOT NA ANG LEVEL 6000 nakagiliwan ko ang app game na  Word Connect na nilaro santaon na'ng nakararaan madaling araw pa'y walang patumpik-tumpik nilalaro iyong tila aking agahan sa salitang Ingles, ilan ang mabubuo mula sa mga letrang doon nasasangkot sa larong ito sadyang ako'y narahuyo at ngayon, sa level six thousand na'y umabot ang lebel na iyon ay parang gantimpala sa isang manlalarong taga sa panahon animnalibong laro'y sinagutang sadya na para bagang iyon ay isa kong misyon nilalaro lang iyon sa patay na oras madaling araw, pagbangon bago magkape maraming salitang natutunan kong wagas daghang salamat ang tangi kong masasabi - gregoriovbituinjr. 05.17.2024

Ang dalawang edisyon ng aklat na "Jose Corazon de Jesus: Mga Piling Tula"

Imahe
ANG DALAWANG EDISYON NG AKLAT NA "JOSE CORAZON DE JESUS: MGA PILING TULA" Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mayroon na akong dalawang edisyon ng aklat na  "Jose Corazon de Jesus" Mga Piling Tula"  na ang pagitan ng pagbili ko sa mga ito ay dalawampung taon at apat na buwan. Ang editor ng mga nasabing aklat ay si National Artist for Literature Virgilio S. Almario. Ang unang edisyon, na may paunang salita ng namayapa nang dating Senador Blas F. Ople, ay nabili ko sa halagang P250.00 sa National Book Store sa Gotesco Grand Central sa Lungsod ng Caloocan noong Disyembre 23, 2003. May sukat itong 5 3/4 x 8 3/4, may kapal na kalahating pulgada, at binubuo ng 252 pahina, 200 pahina ang nasa Hindu-Arabic numeral habang 52 pahina ang naka-Roman numeral. Ang ikalawang edisyon naman ay nabili ko sa halagang P350.00 noong Abril 17, 2024, sa Gimenez Gallery ng UP Diliman, habang inilulunsad doon ang 50th UMPIL National Writers Congress at ika-37 Gawad Pamb

"Babae na" o "Babaeng", "Dalagita na" o "Dalagitang"?

Imahe
"BABAE NA" O "BABAENG", "DALAGITA NA" O "DALAGITANG"? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Sa pahayagang Pilipino Star Ngayon (PSN) na may petsang Mayo 17, 2024, may dalawang pamagat ng balita o artikulong nakakuha ng aking atensyon. Ang una ay may pamagat na  "Babae na maraming pinaretoke para gumanda, tumunog sa airport scanner ang mga 'turnilyo' sa kanyang mukha" , pahina 5. Ang ikalawa ay may pamagat na  "Dalagita na nais kumalas sa nobyo, pinatay"  na nasa pahina 9.. Hindi ko na tatalakayin ang nilalaman ng balita, kundi ang paggamit ng sumulat sa pang-angkop na "na" at "ng". Parang hindi Pinoy o marahil ay gumamit ng google translate o artificial intelligence (AI) ang nagsalin ng pamagat ng unang artikulo. Makiikita mo agad ito sa "Babae na" na dapat ay "Babaeng" kung Pinoy talaga ang sumulat. Mas maayos na pamagat ay "Babaeng maraming pinaretoke para gu