Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2024

Hating kapatid

Imahe
HATING KAPATID  hating kapatid ang mga alaga sa natirang bangus, balat ng isda at pinagmasdan ko silang may tuwa  kaya may naihanda akong tula pusang alaga sa bahay na ito pagala-gala't natutulog dito kaya napagpasyahan kong totoo  katapon sila pag nagluto ako bagamat minsan, sila'y nag-aaway inaawat ko naman silang tunay awayan nila'y ikinalulumbay buti't sila'y nagiging mapagbigay mabuti't alaga'y hating kapatid  upang sa gutom sila'y di mabulid - gregoriovbituinjr. 08.31.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/uithLmOvd3/      

Buhay-kalye

Imahe
  BUHAY-KALYE kaytindi ng kahirapan sa buhay-kalye na upang makakain ay pulos diskarte nang sa pangangalakal sila'y maitaboy aba'y lalo silang nagmistulang palaboy dati'y nakakakain pa sila ng pagpag ngunit ngayon, gutom sila buong magdamag dukhang walang lamon, sikmura'y kumakalam habang ang mayamang aso'y busog sa ulam dapat pagbutihin ang pagkakawanggawa mulatin at organisahin silang dukha ipakitang sila'y may magagawa pa rin kung kikilos sila'y may ginhawang kakamtin bahaghari'y lilitaw matapos ang unos di lahat ng panaho'y panahong hikahos may araw ding sisilay matapos ang bagyo mabubusog din sa kangkong na inadobo - gregoriovbituinjr. 08.30.2024 * larawan mula sa magasing  Liwayway , Agosto 2024, pahina 29, kung saan nakasulat sa malalaking letra:  "Naisip ni Biboy, sana ay hindi na niya kailangang umasa sa mga itinapong pagkain ng iba. Iyong sana ay masaya ring kasama ang kaniyang ama't ina. At sana ay hindi na niya kinakailangang uma

Pag-utos sa pagpaslang

Imahe
PAG-UTOS SA PAGPASLANG hinggil sa War on Drugs, nakakagimbal na pag-amin utos noon ng hepe ng pulisya na patayin ang umano'y mga suspek sa droga, at lipulin ang ilegal na droga't tuluyan itong durugin mga pagpaslang ay utos daw ni Senador Bato noong ito pa'y hepe ng pulis sa bansang ito iyon ang pahayag sa Kongreso ni Espenido na natalagang hepe ng pulis sa Leyte mismo habang kalaban sa drug war campaign ay tinutugis sa tanong kay Espenido'y sinagot nang mabilis pag sinabi raw na mawala, sa lenggwaheng pulis kasali raw ang pagpaslang upang droga'y mapalis maganda namang mawala ang droga at malipol ang mga sindikato ng drogang nakakaulol ngunit kayrami raw inosenteng dito'y nasapol pinaslang, walang proseso, krimen itong masahol ang mga kamag-anak ng inosenteng biktima ng pamamaslang ay nananawagan ng hustisya kung may kasalanan ay ikinulong na lang sana ang mga mahal nila sa buhay, sana'y buhay pa - gregoriovbituinjr. 08.29.2024 * ulat mula sa pahayagang Pan

Panimdim

Imahe
PANIMDIM mabuhangin man ang lupa mga putik ay sariwa sinta, ikaw pa ring sadya ang iibigin kong lubha langit man ay makulimlim bulaklak mo'y masisimsim pagkagat ng takipsilim ikaw ang nasa't panimdim mamahalin kitang tapat kahit tamaan ng kidlat lalo't kaisa kang mulat sa mundo kong parisukat kahit malalim ang ilog sisisirin kita, irog di hahayaang lumubog sarili ko'y ihahandog - gregoriovbituinjr. 08.29.2024 * larawan mula sa google

Pulang tshirt

Imahe
PULANG TSHIRT mare-redtag ba ako kung suot ko'y pula? o dahil simbolo ng pag-ibig ang pula? di ba't watawat ng Katipunan ay pula? di ba't sa bandila ng Pinas ay may pula? tatak ng tshirt ni misis ay Baguio City na noong naroon kami'y aming nabili tatak naman ng tshirt ko ay Ka Leody suot ko nang tumakbo siyang presidente bughaw ang kulay ng langit at karagatan luntian ang bundok, parang, at kabukiran puti'y kapayapaan, itim ay karimlan pula ang dugo ng sinumang mamamayan sa kulay ng dugo makikitang malusog kulay din ng galit at digmaang sumabog kulay ng tapang upang bansa'y di madurog salamat sa kulay pulang sa atin handog - gregoriovbituinjr. 08.28.2024

Di lang palay kundi talbos

Imahe
DI LANG PALAY KUNDI TALBOS di lang palay ang tinutuka kundi talbos ng sayote, mabuti't nagagawang lubos halimbawang sa patuka na'y kinakapos  kayraming talbos na di agad mauubos pag nasa lalawigan, manok ay malaya subalit kinukulong pag nasa Maynila  kaya dito sa bundok ay pagala-gala sila na ang naghahanap ng matutuka paggising sa umaga, hanap na'y bulate isang kahig at isang tuka ang diskarte pag walang matuka, babaling sa sayote  na sa aming looban ay sadyang kayrami  ganyan ang pamumuhay ng alagang tandang  ngunit di upang isabak lang sa sabungan kundi mga inahin ay buhayin naman upang mangitlog, may bagong aalagaan - gregoriovbituinjr. 08.26.2024 * mapapanood ang ilang segundong bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/uedWShIfQd/  

Pagtuka ng bigas

Imahe
PAGTUKA NG BIGAS umaga, mga manok na'y patutukain bibigyan sila ng bigas na mumurahin habang malaya silang lupa'y galugarin may alagang tandang at may ilang inahin binidyo ko ang payak nilang pamumuhay upang itula iyon habang nagninilay ang buhay nila kung ilalarawang tunay sangkahig, santuka, kahit mga inakay tingni, animo sila'y abalang abala sa paligid ay pagala-gala lang sila  kakahig, tutuka, aba sila'y buhay na di alam na panghanda sila sa piyesta ganyan ang buhay ng mga alagang manok isang kahig, isang tuka'y aking naarok datapwat malaya naman sila sa bundok na madalas ay itlog ang iniaalok - gregoriovbituinjr. 08.26.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/ucRFVHCQNZ/  

Pattong

Imahe
PATTONG nakiisa ako sa pagtugtog ng gangsa  o Pattong nang may pagdiriwang sa kanila na kaysarap sa kalooban ko talaga na ako'y kanilang kaisa at kasama kamag-anakan ni misis sa Cordillera  na nagpapatuloy ng nagisnang kultura lalo't aking napangasawa'y Igorota na kalinangan ay pinaliwanag niya sa pagtangan ng gangsa ay nababaguhan dahil laking Maynila, tagakapatagan subalit madali rin namang matutunan at sumabay rin sa mga nagsisayawan puso'y nagalak, kalooban ko'y sinalat mula nang ikasal ay nabatid kong sukat at kay misis sa pagbidyo niya'y salamat nababalikan ko kung ginawa ko'y sapat - gregoriovbituinjr. 08.25.2024 * mapapanood ang maikling bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/ueTTGZdC6E/  

Kaylakas ng ulan sa bundok

Imahe
KAYLAKAS NG ULAN SA BUNDOK kaylakas ng ulan sa kabundukan  ang mga bubong ay nagkalampagan tubig sa dalisdis ay nagdaluyan pusa't manok ay nagsipagtaguan mabilis na niligpit ang sinampay di na lumabas, doon lang sa bahay ihip ng hangin ay napakaingay na sa pisngi't balat ko'y lumalatay ginawa na muna'y magmuni-muni habang may ulan ay di mapakali taludtod at saknong ang hinahabi sa panulat man lang makapagsilbi sana biyahe bukas ay maaraw mula sa Benguet pauwi ng Cubao ayos lang kahit biyahe'y maginaw at si haring araw sana'y lumitaw - gregoriovbituinjr. 08.25.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/ueud3ZCtjh/       

Sa kabundukan

Imahe
SA KABUNDUKAN muling dumatal sa kabundukan  ang tagapatag na mamamayan lumayo muna sa kalunsuran kamag-anakan ay pinasyalan ulap ay nasa rabaw ng bundok na di ko pa naabot ang tuktok  ngunit ingat lang sa mga lamok baka dengue pa ang makatusok animo'y piging ang naririnig nagsasaya ang mga kuliglig awitan nila'y nakakaantig huni ba nila'y iyo ring dinig munti man ang bidyo kong hinabi kaysa wala, ito na'y mabuti at dito'y muling nagmuni-muni palagay ay sa tula sinabi - gregoriovbituinjr. 08.24.2024 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/uetS4p1vtl/  

Pagtilaok ng tandang

Imahe
PAGTILAOK NG TANDANG pagtilaok ng alagang tandang ay saglit ko namang binidyuhan pakinggan mo ang tinig sa ilang animo'y musika sa tahanan isang matikas na mandirigma na tinuka'y aking sinariwa talbos, palay, natira sa isda bituka't hasang ay tinutuka bawat pagtilaok niya'y batid na kasiyahan sa puso'y hatid hayaang alpas, lumigid-ligid doon sa labas, sa gilid-gilid minsan, patuka'y di na bibilhin bagamat alaga siyang turing talbos at mumo nga'y kinakain sa ganyan, nakakatipid na rin - gregoriovbituinjr. 08.24.2024 * mapapanood ang pitong segundong bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/ueh2YSpZcg/  

Angep

Imahe
ANGEP kung kayganda ng araw kahapon nang dumatal na ang dapithapon kaytindi ng fog o angep ngayon tila kabundukan nga'y nilamon dama na ng katawan ko'y lamig dapat nang magdyaket, nanginginig animo ako'y nagpapalupig sa ginaw, hamog at halumigmig di ko na matanaw ang kaharap na bundok sa kabila ng ulap pagkat angep na ang yumayakap sa nayon ng maraming pangarap papasok muna ako ng bahay umaambon na't di na palagay at sa munting dampa'y magninilay nang may tula muling maialay - gregoriovbituinjr. 08.23.2024 * angep - salitang Ilokano sa fog * mapapanood ang ilang segundong bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/uddMkNQbs7/  

Sa paligid ng kabahayan

Imahe
SA PALIGID NG KABAHAYAN napakatahimik ng paligid habang nagblakawt dito sa Benguet dama ko ang amihang may hatid na ginaw na sa pisngi'y humaplit tinitigan ko ang mga tanim na kay-aliwalas sa paningin may paruparong bughaw at itim na sa bulaklak ay naglalambing muling sumikat ang haring araw na di nalalambungan ng ulap ang kariktan ng bundok ay tanaw at tila sining ang alapaap kayrami ng magugulay dito sa pagkain ay tiyak ganado - gregoriovbituinjr. 08.23.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/ud2JbY4FfG/  

Si Muning

Imahe
SI MUNING may Muning pala silang alaga makulit at di nakakatuwa sa lamesa'y sadyang nakaabang pag nalingat, ulam na'y nadukwang subalit mabuti nang may pusa pagkat paligid ay maahas nga dahil masukal ang kagubatan pusa'y depensa mo sa tahanan ahas ay lalabanan n'yang tiyak upang pamilya'y di mapahamak binidyo ko siyang kumakain at siya'y sarap na sarap man din hayaan lang siya sa paglamon at siya'y pinanood lang doon sa kawalan ay muling nagmuni kaylakas din ng ulan kagabi - gregoriovbituinjr. 08.23.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/ud0kBtC2pJ/  

Dapithapon sa Alapang

Imahe
DAPITHAPON SA ALAPANG pagdating ng hapon, ako'y nag-abang sa paglubog ng araw sa Alapang ang birthday ni bayaw ay pinagdiwang na ang handa'y pansit at pinikpikan araw ay aking minasdang lumubog  upang nilayin ang kanyang pag-inog tila ba ang kanyang iniluluhog ay kapayapaa't pag-asang handog sasapit din ang ating dapithapon o takipsilim sa dako pa roon ngunit natupad ba ang ating misyon? at napagbuti ba ang nilalayon? dapithapon, nagbalik ang gunita sa mga pagbaka't di pa nagawa nawa'y kamtin ng bayan ang ginhawa umaaraw din matapos ang sigwa - gregoriovbituinjr. 08.22.2024 * kuha ng makatang gala sa Barangay Alapang, La Trinidad, Benguet * mapapanood ang maikling bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/udc_gavyaA/  

Mula Alabang hanggang Alapang

Imahe
MULA ALABANG HANGGANG ALAPANG halos limang oras ang biyaheng kaybilis tanaw na namin ang kanayunan at bundok kaysarap bumalik sa bahay nina misis kaylamig dito habang aking naaarok: noong manggagawa pa ako sa pabrika ay nag-opereyt ng makina sa Alabang makalipas ang higit dalawang dekada ang naging pamilya'y may bahay sa Alapang sa una'y nagtrabaho akong manggagawa sa pangalwa'y tahanang malayo sa lungsod ang una'y nananatili na lang gunita ang ikalawa'y kasalukuyan kong lugod "Mula Alabang hanggang Alapang"  sa isip ko'y pamagat ng libro ng tula't sanaysay subalit ito sa ngayon pa'y panaginip kaya dapat lang aking pagsikapang tunay - gregoriovbituinjr. 08.22.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/u6JJI5vXfc/  

Mga bigating pugante'y di pa mahuli

Imahe
MGA BIGATING PUGANTE'Y DI PA MAHULI nagigisa ang PNP at DILG sapagkat ang dalawang bigating pugante hanggang ngayon ay di pa nila nahuhuli anong nangyari? bakit di pa masakote? para bang awtoridad pa ang kinakapos subalit ayon kina Marbil at Abalos lahat ng makakaya'y ginagawang lubos nang gawain ng mga suspek na'y matapos sina Guo at Quiboloy ang tinutukoy na dapat nilang masakote sa kumunoy ang isa'y Mayora, isa'y Pastor, kaluoy! baka nakaalis na ng bansa, aba, hoy! hoy, gising! ang sinisigaw ng mamamayan ipakita nilang sila'y may kakayahan dakpin na agad ang mga suspek na iyan at maikulong sa kanilang kasalanan - gregoriovbituinjr. 08.21.2024 * ulat mula sa pahayagang Abante, Agosto 16, 2024, p. 1 at 2

Sa BookSale

Imahe
SA BOOKSALE napadaan muli sa paboritong BookSale at muling naghanap ng magandang pamagat habang suot ang tshirt na may tatak BookSale may mga bago kayang mumurahing aklat? imbes magyosi, barkada, sugal o alak bilihan ng aklat ang napiling tambayan imbes sa bisyo, libro ang laman ng utak hanap ko'y paksang sipnayan at panitikan may mumurahing libro sa matematika game theory, calculus, algebra, geometry may mumurahing aklat sa literatura fiction, kwento, nobela, tula o poetry mayroon ding martial arts na libro't magasin jeet kune do, aikido, judo, yawyan, karate mayroon ding hinggil sa mga lulutuin adobo, sinigang, iba't ibang resipe napakaraming paksa ang mababasa mo sa BookSale na aklatan ng dukha't dakila maraming salamat, BookSale, sa mga libro kaya ikaw ay amin ding kinakalinga - gregoriovbituinjr. 08.20.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/u4rQxm2fH6/  

Maligayang ika-85 kaarawan, FPJ

Imahe
MALIGAYANG IKA-85 KAARAWAN, FPJ bata pa lang ako'y pinanood na kita sa sinehan, lalo ang pelikulang  Panday na sadyang kinagiliwan naming talaga O, mabuhay ka,  Flavio , bayani kang tunay  aba'y nakasama mo pa si  Julie Vega doon sa pelikulang  Isang Bala Ka Lang pati  Batang Quiapo ,  Eseng ng Tondo  pa Pepeng Kaliwete , at  Batas ng Lansangan kasama sa  Pakner  si  Efren Bata Reyes pinanood ang kayrami mong pelikula sa sine'y pinakitang sa baril kaybilis Ang Probinsyano, Ang Dalubhasa, Aguila ikaw ay binabating tunay ni GBJ dahil artista kang sadyang kahanga-hanga maligayang kaarawan sa'yo, FPJ tunay kang national artist ng ating bansa - gregoriovbituinjr. 08.20.2024 * litrato mula sa isang fb page

Lagpas apat na taon sa kulungan

Imahe
LAGPAS APAT NA TAON SA KULUNGAN tatlong taon lang dapat sa kulungan sa Cavite ang isang P.D.L. o person deprived of liberty ngunit naging pitong taon, aba'y anong nangyari? ating masasabi'y sadyang nagpabaya ang Korte! ganyang pangyayari'y talagang nakakabagabag mabuti't nabatid iyon ng isang Raymund Narag nakausap niya ang preso't siya'y napapitlag dapat lumaya na ang preso, ang kanyang pahayag nabatid ni Narag ang ganitong pagmamalabis sa training niya on jail management at ito'y lihis mababasa iyon sa pesbuk post niyang  "Just-Tiis" siya'y expert sa international criminal justice "Ay sori, di pala napadala ang dokumento" ang sabi umano ng isang istaf ng husgado matapos paralegal officers sanayin nito umaasa siyang di mauulit ang ganito - gregoriovbituinjr. 08.20.2024 * ang buong ulat ay matatagpuan sa kawing na:  https://news.abs-cbn.com/regions/2024/8/12/cavite-court-blamed-for-inmate-overstaying-for-4-years-in-jail-1642  

Dalawa kong aklat ng tula ni National Artist Gemino H. Abad

Imahe
DALAWA KONG AKLAT NG TULA NI NATIONAL ARTIST GEMINO H. ABAD Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Dalawang beses ko lang siyang nakita nang personal - nang maging tagapagsalita siya sa asembliya ng Philippine PEN sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong Setyembre 20, 2022, at noong unang ganapin ang National Poetry Day, Nobyembre 22, 2022, sa Metropolitan Theatre (MET). Gayunman, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-selfie o magpalitrato nang kasama siya. Naging  National Artist for Literature si Ginoong Gemino H. Abad  noong Hunyo 10, 2022. Nang mailunsad ang tatlong araw na 25th Philippine Academic Book Fair sa SM Megamall nitong Hunyo 2024, nabili ko sa ikatlong araw sa booth ng UP Press ang dalawang libro ng mga tula ni Ginoong Abad. Ang isa ay may pamagat na  "Where No Words Break - New Poems and Past"  na may kabuuang 190 pahina (14 ang Roman numeral, at 176 ang nasa Hindu-Arabic numeral), may sukat na 6" x 9". Ang isa pang aklat, n

Ang barko sa Fiesta Carnival

Imahe
ANG BARKO SA FIESTA CARNIVAL para bagang babagsak ang barko at dadaganan ang aking ulo kung mapigtal ba iyon, paano tiyak ang barko'y masasalo ko ngunit Spartan ay di natinag ipinakitang siya'y matatag ang barko'y di naman bumalibag nagpatuloy lang sa paglalayag ang galaw ng barko'y binidyuhan sabay sa alon ng karagatan habang doon nakaupo lamang sa nakitang pagpapahingahan ang barko'y palaruan ng bata sa karnibal na puno ng sigla batang naroong nakatutuwa na dapat may kasamang matanda - gregoriovbituinjr. 08.19.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/u30J-czEHQ/  

Batang edad 2, patay sa kalderong may kumukulong sabaw

Imahe
BATANG EDAD 2, PATAY SA KALDERONG MAY KUMUKULONG SABAW sadyang nakaluluha ang mapait na naganap sa isang batang dalawang taon pa lang ang edad di inakala ng inang mamamatay ang anak sa kalderong may kumukulong sabaw mapahamak nasabing ina'y abala noon sa pagluluto sa malaking kaldero ng batsoy na kumukulo katabi lamang niya ang anak na naglalaro hanggang kanyang nilapag sa lupa ang niluluto nilapag dahil sa ibang lulutuin tumutok di namalayang anak ay aksidenteng napasok sa kalderong may kumukulong sabaw, at nalapnos ang buong katawan ng bata, ah, kalunos-lunos naitakbo pa sa ospital ang nasabing bata na halos buong katawan ay nag-fourth degree burn nga lumipas ang ilang araw, pumanaw na't nawala ang nasabing bata, ngayon, ang ina'y nagluluksa - gregoriovbituinjr. 08.19.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Agosto 16, 2024, p.2

Arestado?

Imahe
ARESTADO? kung si Pastor Quiboloy, alam ni Duterte kung saan nagtatago, ano ang mensahe? di mahuli-huli ng pulis, D.I.L.G. at siya pa'y aarestuhin ng I.C.C. ayon kay J. Antonio Carpio, retired Justice may ilalabas umanong warrant of arrest kay Duterte, na nag-atas sa mga pulis na ang mga suspek sa drug war ay matugis ang mga salitang extra-judicial killing na pumalit sa 'salvage', maging ang tokhang din ay naging palasak na salita sa atin batid ng bayan kung sinong dapat usigin mga samahan sa karapatang pantao ay tiyak inabangan ang balitang ito dahil mga pagpaslang ng walang proseso ay kawalang hustisya't isang pag-abuso kayraming ina pa ring ngayo'y lumuluha dahil mahal nila sa buhay ay nawala ang E.J.K. at tokhang nga'y kasumpa-sumpa hiling nilang hustisya'y makamtan nang sadya - gregoriovbituinjr. 08.19.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Agosto 16, 2024, p. 1 at 2

Tatlong Pocketbook at Dalawang Biograpiya

Imahe
TATLONG POCKETBOOK AT DALAWANG BIOGRAPIYA bumili akong pocketbooks na mumurahin upang mga nobelang narito'y basahin sampung piso nga ang isa, napakamura na nadaanan ko lang sa isang bangketa akala mo lang bagito ang manunulat dahil mura lang ang mga librong nagkalat subalit kayhusay pala ng mga ito mag-iisip ka sa banghay at pagkakwento estilo ng nobelista'y nais maaral sa mga librong sa akin ay nagtatagal nabili ko sa BookSale ang biograpiya nina Muhammad Ali at Barack Obama kaya pala BookSale, mura ang magagastos isang libro'y nabili kong kwarenta pesos dagdag sa munti kong aklatan ang nabili lalo't sa pagbabasa, ako'y nawiwili - gregoriovbituinjr. 08.19.2024

4' 11" lang si Caloy Yulo

Imahe
4' 11" LANG SI CALOY YULO pitong dali pala ang tangkad ko sa kanya singliit lang siya ng artistang si Nora o marahil ay ng dating pangulong Gloria ngunit siya'y  "Ismol Bat Teribol"  talaga ang tulad niyang maliit ay sumisikat tulad ni Nora na sa pag-arte sumikat tulad ni Gloria na naging pangulong sukat sa galing at di sa liit sila nasukat alam niyang di siya pwede sa basketball kaya sa gymnastics panahon ay ginugol ayon sa kasabihan:  "kung ukol, bubukol" nakuha'y dalawang gold,  "Ismol Bat Teribol" Carlos Yulo , sadyang isa ka nang alamat ngalan mo sa kasaysayan na'y nasusulat sa tagumpay mo, buong mundo ang ginulat kaya ang buong bansa'y nagpapasalamat - gregoriovbituinjr. 08.18.2024 * ulat mula sa pahayagang Remate, Agosto 15, 2024, p.5

Salamat sa pagkilala

Imahe
SALAMAT SA PAGKILALA dapat kong pasalamatan ang anumang pagkilala tulad na lang ng lingguhang engagement sa pesbuk pala ah, mayroon palang ganyan nasusubaybayan ako sa aking nakaugnayan sa sanlinggo ng Agosto pawang sila'y nabubuklat  o hinggil sa mga libro na hilig ng manunulat at abang makatang ito Liwayway, Anvil Publishing, limbagan ng Ateneo, BiblioCave, Mt. Cloud Bookshop, Savage Mind: Arts, Books, Cinema kaya ako'y nawiwili pesbuk page nila'y abangan kung marapat ay bibili ng aklat kung kailangan muli, maraming salamat sa ganitong pagkilala maraming nadadalumat at nagbibigay-pag-asa - gregoriovbituinjr. 08.18.2024

Malayang taludturan

Imahe
MALAYANG TALUDTURAN "where brains matter more than looks" tatak sa tshirt na nabili ko sa BookSale "Where No Words Break" na nabili ko sa UP Press pamagat ng aklat ng national artist na si  Gemino H. Abad katabi ng  "Selected Poems and New" ni national artist  Jose Garcia Villa dalawang Pinoy na makata sa Ingles nais kong mabasa ang kanilang obra kaunti lang ang tula kong nasulat sa wikang Ingles na pinagbutihang sukat sa wikang banyaga'y di pa makapagmulat kaya sa wikang sarili nagpapakabihasa buhay kong maikli'y napapahaba dahil sa pagkatha ng talim ng diwa habang nakatapak pa sa lupa habang nakayapak pa sa luha habang nakatatak pa sa luma habang nakayakap pa sa lula habang napalatak pa sa luga habang napakapayak ng tula - gregoriovbituinjr. 08.18.2024

Mag-inang natutulog sa bangketa

Imahe
MAG-INANG NATUTULOG SA BANGKETA natutulog sa bangketa silang mag-ina na habang lulan ng dyip ay aking nakita kalsada na ba ang tahanan ng pamilya dahil ba sa hirap ay doon na tumira? pasimple ko silang kinunan ng litrato sa kanila'y walang magawa ang gobyerno? kundi bigyan ng limos o ayuda ito? imbes na paalwanin ang buhay ng tao? bakit walang magawa ang pamahalaan? sa mga naghihirap nating mamamayan? silang mga matakaw sa kapangyarihan na nais lang gawin yata'y katiwalian! dahil utak negosyante ang namumuno na nais lang mangyari'y paano tumubo serbisyo'y ninegosyo ng trapong hunyango gayong "pinuno" silang di dapat maupo pag daw maraming pulubi sa isang bansa ang gobyerno raw nila'y walang ginagawa gobyernong walang paki sa buhay ng dukha ay dapat sama-samang ibagsak ng madla - gregoriovbituinjr. 08.18.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa Roces Avenue sa Lungsod Quezon, Agosto 16, 2024

Mag-isang nagdiriwang

Imahe
MAG-ISANG NAGDIRIWANG kalmado lang akong umiinom ng Red Horse dito sa munting silid pangatlong dekada'y nilalagom katapatan ko'y di nalilingid tatlong dekada na sa lansangan tatlumpung taon na ng pag-iral na yaring puso't diwa'y nahinang sa pagbaka kahit napapagal ah, sino kayang mag-aakala sa dami ng dinaanang sigwa sa rali'y ilang beses nadapa narito pa ring lapat sa lupa patalim man, balaraw o baril sa pagbaka'y walang makapigil hangga't prinsipyo'y nakaukilkil tibak na makata'y walang tigil - gregoriovbituinjr. 08.17.2024

Wala nang boksing sa Los Angeles Olympics 2028

Imahe
WALA NANG BOKSING SA LOS ANGELES OLYMPICS 2028 tagahanga raw ng Olympics umano'y nainis dahil mayroon daw kilalang isports ang inalis International Olympics Committee ang nagturing sa sunod na Olympics na'y walang isports na boxing inalis ng IOC ang ganap na pagkilala  sa International Boxing Association (IBA) na global governing body noong nagdaang taon matapos ang maraming isyu'y iyon ang desisyon wala munang boxing sa Quadrennial Sportsfest sa susunod na Olympics doon sa Los Angeles sana'y maibalik ang boxing dahil may panlaban ang mga Pilipinong may kamaong katigasan bagamat wala pa tayong gold medalist sa boxing may gold medalists naman sa gymnastics at weightlifting kaya mga isports na iyan ang ating tutukan sa Los Angeles Olympics ay may mga panlaban - gregoriovbituinjr. 08.17.2024 * ulat mula sa pahayagang Remate at Abante Sports, Agosto 15, 2024

Tokasi

Imahe
TOKASI muli,  TOKASI  - may  TO yong  KA matis at  SI buyas ang aking agahan upang katawan ay lumakas habang pinanonood ko ang Alas Pilipinas sina Jia, Sisi, Fifi, kung pumalo'y matikas madaling araw natulog, at tirik na ang araw nang magising, habang dinig ang mga pambubulyaw ng kapitbahay, ang isa'y may asong binubugaw habang may isa namang sa malayo nakatanaw pagkakain ay baka pumunta munang palengke o magtanggal muna ng mga agiw sa kisame o labhan muna ang naipong labadang kaydami habang mainit pa ang araw, ito ang diskarte TOKASI  ang agahan dahil iyan ang nariyan pampakinis ng kutis, pampalakas ng katawan paghahanda sa maraming trabaho sa tahanan lalo na't Sabado, walang pasok sa pagawaan parang  "Ito kasi"  tila paninisi sa akin habang nilagang luya o salabat ang inumin buting may laman ang tiyan sa dami ng gawain pagkalaba saka na mag-isip ng uulamin - gregoriovbituinjr. 08.17.2024

Agosto 17, 1994

Imahe
AGOSTO 17, 1994 iyan ang petsa noong ako'y tanggapin nang ganap at sumumpang sa masa't uri'y maglingkod ng tapat ilang taon na akong tibak bago pa matanggap petsang iyan ang birthday ko sa prinsipyong akibat ngayong araw ay ikatlong dekada nang Spartan pagbati sa sarili'y  "Maligayang Kaarawan!" patuloy lang sa tungkuling niyakap kong lubusan tangan ang prinsipyo maging kapalit ay buhay man patuloy sa pakikibaka, tuloy ang pagkatha bilang Spartan, bilang atleta, bilang makata bawat tula'y tulay ko sa paglilingkod sa dukha, babae, vendor, bata, magsasaka, manggagawa ah, tatlong dekada na nga ako sa araw na 'to madalas, ipinagdiriwang ko ito ng solo ngayon, isang tagay para sa iyo, katoto ko sa samboteng serbesa'y magtig-isang baso tayo - gregoriovbituinjr. 08.17.2024

Payo ni Caloy

Imahe
PAYO NI CALOY magtiwala ka lang sa sarili di man maniwala ang marami gawin ang nararapat pa'y sabi at tiyak na di ka magsisisi iyan ang payo ni Carlos Yulo sa nais mag-atletang totoo susi sa tagumpay niyang ito kaya Pilipino'y inspirado magtiwala ka lang sa sarili sa atin ay magandang mensahe maniwala ka lang sa sarili di ka luluha ng balde-balde Carlos Yulo, ang pangalang iyan ay naukit na sa kasaysayan ng isports sa bunyi nating bayan di ka mabibigo magsikap lang Caloy Yulo, mabuhay! Mabuhay! salamat ang tanging iaalay taasnoo kaming nagpupugay sa mga nakamit mong tagumpay - gregoriovbituinjr. 08.17.2024 * ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Agosto 15, 2024, p.8

Si Bulaklak at si Bubuyog

Imahe
SI BULAKLAK AT SI BUBUYOG nang manligaw / kay Bulaklak / si Bubuyog agad niyang / sinambit ay /  "Aking irog! Tanggapin mo / nawa yaring / niluluhog" (parang manggang / manibalang, / di pa hinog) "Aking hiling / ay sagutin / ako agad at ikasal / agad tayo / yaring hangad!" (sa lambanog / ay may pasas / akong babad kung sa kasoy / ay prinsesang / nakalantad!) ang Kampupot / ay nag-isip / namang saglit "Narinig ko / anong iyong / sinasambit ay, datapwat / ayoko nang / pinipilit huwag munang / umasa kang / mapalapit" "Ako nama'y / handa ngunit / di susuko pagkat ikaw / lamang yaring / sinusuyo sakali mang / ako'y sa'yo'y / mabibigo ay talagang / nawarat na / yaring puso!" - gregoriovbituinjr. 08.17.2024 * litrato mula sa google    

Dalawang nawawalang tibak

Imahe
DALAWANG NAWAWALANG TIBAK dalawa na namang / aktibista yaong / umano'y dinukot ng mga tauhan / ng isang ahensyang / baka nga kasangkot ang ganitong gawang / kriminal ay sadyang / nakakahilakbot dalawang tibak na'y / desaparesido... / ah, nakatatakot! sina  Gene de Jesus  / at  Dexter Capuyan  / ang dalawang tibak nagpasaklolo na / sa Korte Suprema / ang mga kaanak hiling ng pamilya / ay maligtas sila't / di na mapahamak ang  writ of amparo  / at  habeas data 'y / hiling na tiniyak ang  writ of amparo  / ay isang remedyo / para sa nalabag nilang karapatan, / buhay, kalayaan, / maging seguridad ng sinumang tao, / taga-gobyero man, / simpleng indibidwal konstitusyonal na / karapatan naman / ang  habeas data upang magkaroon / ng akses sa impo / hinggil sa kanila kung nasaan sila? / saan ikinulong? / mailabas sila kinaroroonang / selda, tagong silid / ay di dapat malingid sa pamilya nilang / ang hirap ng loob / ay di napapatid tinortyur ba sila? / patay na ba sila? / ay dapa

Nakasusugat din ang salita

Imahe
NAKASUSUGAT DIN ANG SALITA higit pa sa bala o punyal ang salita sapagkat kayang sumugat ng puso't diwa nakahihiwa ang masakit na kataga kaya pag-ingatan ang lalabas sa dila subukan mong magtungayaw sa isang tao nang walang dahilan, ikaw ay siraulo subalit ngumiti ka't sila'y purihin mo ng taos, at sila'y matutuwa sa iyo "ang salita'y panunumpa" anang Kartilya ng Katipunan kaya huwag bara-bara pag namutawi sa labi mo'y magaganda sinumang makarinig ay tiyak sasaya kung pagdurugo ng sugat ay di maampat sa kalaunan ay balantukan ang pilat masakit pa rin kahit naghilom ang balat kaya bawat bitaw ng salita'y mag-ingat - gregoriovbituinjr. 08.16.2024 * litratong kuha ng makatang gala sa Daang Onyx sa San Andres Bukid, Maynila, Agosto 16, 2024

Noong isang araw

Imahe
NOONG ISANG ARAW nagdeyt na naman ang magsing-irog bago pa ang araw ay lumubog nagsama'y  Bulaklak at Bubuyog kumain muna't nagpakabusog inulam sa karinderya'y sisig panghimagas naman ay pinipig ganyan sina  Maganda't Makisig na parang asukal pag umibig maraming salamat, aking sinta sa puto, kutsinta at bibingka sa biko, suman at ensaymada sa pagpupulotgata tuwina sa isang salaminan nag-selfie sa deyt ng  Ginoo't Binibini noong isang araw lang nangyari habang sa ibang araw ay busy - gregoriovbituinjr. 08.16.2024

Pahinga muna sa Fiesta Carnival

Imahe
PAHINGA MUNA SA FIESTA CARNIVAL matapos magbenta ng Taliba ng Maralita sa mga erya't organisasyon ng mga dukha bumiyahe pauwing Cubao ang abang makata sa Fiesta Carnival nagpahingang nanlalata noong kabataan ko'y hilig kong tumambay doon ngunit nawala iyon higit dalawampung taon naiba na, naging pamilihan, Shopwise paglaon nagbalik ang Fiesta Carnival, iba na ngayon uminom muna ako ng kinse pesos na palamig umupo sa bangko, malakas ang erkon, malamig ngunit katamtaman lang, di naman ako nanginig pahinga, nagnilay, habang sa musika'y nakinig pinanood ang mga bata't inang nakasakay sa barkong naglalayag habang ako'y nagninilay may kalahating oras din ako roon tumambay magsasaing pa, at ako'y umuwi na ng bahay - gregoriovbituinjr. 08.15.2024 * mapapanood ang 15 segundong bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/tZFb3sCKn6/  

Sigaw ng Taumbayan: Sweldo ng Mambabatas, Bawasan!

Imahe
SIGAW NG TAUMBAYAN:  SWELDO NG MAMBABATAS, BAWASAN! sa isang artikulong showbiz sa Bulgar na pahayagan ay nakapukaw agad ng pansin ang pamagat pa lamang: "Sigaw ng Madlang Pipol: Sweldo ng Mambabatas, Bawasan!" showbiz ngunit pulitikal ang laman, aba'y kainaman artista kasi ang asawa ng pinuno ng Senado kaya nga pinupusuan na rin ng showbiz si Heart mismo local holidays ay nais bawasan ni Chiz Escudero kayrami raw holidays sa bansa, dapat bawasan ito sagot ng madla: Ang bawasan n'yo'y sweldo ng mambabatas! ang mababawas ay ilagay sa bawat kilo ng bigas baka mapababa rin ang presyong pataas ng pataas bumaba ang presyo ng kamatis, galunggong at sardinas  iparehas ang sweldo ng mambabatas sa manggagawa minimum wage plus seven hundred fifty pesos, ipasa nga! mambabatas sana'y pakinggan ang panawagan ng madla at ipakita nilang sila'y tunay na kumakalinga - gregoriovbituinjr. 08.15.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Agosto 14, 2024, p.7

Huwag mong basahin ang aking tula, kung...

Imahe
HUWAG MONG BASAHIN ANG AKING TULA, KUNG... huwag mong basahin ang aking tula kung ikaw ay palamara't kuhila kung pulitikong walang ginagawa kundi magnakaw sa kaban ng bansa ang aking tula'y huwag mong basahin kung ikaw ay kapitalistang sakim kung may krimen kang karima-rimarim kung trapo kang may budhing anong itim huwag mong babasahin ang tula ko kung nagsasamantala sa obrero kung mahihirap ay inaapi mo kung serbisyo'y iyong ninenegosyo dahil tiyak na uupakan kita sa aking tula't baka masaktan ka pag-uusig ko'y baka di mo kaya at baka ako'y gagantihan mo na ngunit ang tulad kong mananaludtod sa kagaya mo'y di maninikluhod hustisya'y lagi kong tinataguyod kahit galamay mo pa'y magsisugod - gregoriovbituinjr. 08.15.2024

Bianca Pagdanganan, 4th Placer sa Golf sa Paris Olympics

Imahe
BIANCA PAGDANGANAN, 4TH PLACER SA GOLF SA PARIS OLYMPICS isa ka sa mga atletang aking inabangan kung gintong medalya sa golf ay iyong makakamtan sa ikaapat mong pwesto'y tagumpay ka rin naman kaya ikaw ay marapat lang naming saluduhan nakasama sa paglalakbay si Dottie Ardina na golf din ang larangan at magaling ding atleta panglabintatlong pwesto man yaong kanyang nakuha ay dapat pa ring kilalanin ang tagumpay niya nawa sa susunod ay makuha ninyo ang ginto o medalyang pilak o kahit na medalyang tanso sa larangang golf, naabot ninyo'y napakalayo makakamit din ang tagumpay, huwag lang susuko nagpapasalamat kami sa inyong matagumpay na pagrepresenta sa bansa, kami'y nagpupugay sa larangan n'yo'y magpatuloy lang kayong magsikhay sa ating mga golfer, mabuhay kayo! MABUHAY! - gregoriovbituinjr. 08.14.2024 * ulat ng Agosto 12, 2024 ,mula sa mga pahayagang Pilipino Star Ngayon (p.12), Bulgar (p.12), Abante (p.12), at Pang-Masa (p.8)

Yes sa wage increase!

Imahe
YES SA WAGE INCREASE! sa tanong nilang  "Pabor ka ba sa wage increase?" OO ang sagot ng obrerong mapagtiis HINDI sa kapitalistang mapagmalabis at HINDI rin sa negosyanteng mapantikis anong klaseng tanong iyan? nakamumuhi! pinakita lang nilang wala silang budhi sa kayod-kalabaw na manggagawa kundi ang mga tusong negosyante'y ipagwagi kung obrero ka't nag-HINDI, aba'y gago ka! tataasan ka na ng sahod, ayaw mo pa?! kung kapitalista kang nag-OO, santo ka lalamunin ka ng ibang kapitalista tanga lang ang aayaw sa umentong iyon kung obrero kang sa hirap at utang baon kaya bakit Wage Board iyan ay itinanong sila nga ba'y makakapitalista't buhong? kapitalista'y palamunin ng obrero kaya may tubo dahil sa nagtatrabaho tengga ang pabrika kung wala ang obrero panahon nang taasan ang kanilang sweldo - gregoriovbituinjr. 08.14.2024