Daniel Quizon, bagong Chess Grandmaster ng Pilipinas
DANIEL QUIZON, BAGONG CHESS GRANDMASTER NG PILIPINAS si Chess International Master (I.M.) Daniel Quizon ang panglabingwalong Chess Grandmaster ng ating bansa nang two-thousand five hundred ELO rating ay maabot at nakuha ang kailangang tatlong grandmaster norm dalawampung anyos pa lamang nang maging grandmaster nang si G.M. Efimov ay pinisak ng woodpusher na Pinoy, doon sa FIDE Chess Olympiad sa Budapest sa bansang Hungary, pinakitang Pinoy ang Da Best sa AQ Prime ASEAN Chess Championship ang unang norm sa Eastern Asia Chess Championship ang ikalawang norm sa Hanoi Grandmasters Chess Tournament ang ikatlong norm nakamit niya ang pinapangarap niya't misyon sa bagong Pinoy Chess Grandmaster, kami'y nagpupugay karangalan ka ng bansa sa kahusayang taglay magpatuloy ka't kamtin ang marami pang tagumpay sa iyo, Grandmaster Quizon, mabuhay ka! Mabuhay! - gregoriovbituinjr. 09.16.2024 * ulat mula sa pahayagang Bulgar at pahayagang Abante, Setyembre 16, 2024 . . . TALAAN NG MGA FI