Paskil sa sahig ng traysikel
PASKIL SA SAHIG NG TRAYSIKEL may abiso sa sahig ng traysikel kong sinakyan: "Bawal manigarilyo" tagos sa puso't diwa'y umukilkil kahit sa makatang di nagbibisyo kundi ang magsulat ng kwento't tula minsan paksa'y yaong nasa hinagap bisyo'y pagninilay at tumingala sa kisame o kaya'y alapaap anong masasabi ng nagyoyosi na may paalala doon sa sahig tunay iyong mahalagang mensahe ipinaskil ang di maisatinig salamat at may paalalang ganyan habang patungo sa paroroonan - gregoriovbituinjr. 12.17.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/wwAHJD8msl/