Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2025

Pahimakas kay kasamang Rod

Imahe
PAHIMAKAS KAY KASAMANG ROD (binigkas ng makatang gala sa pugay-parangal) sa iyo, kasama, pagpupugay sa pagpapatibay mo ng hanay sa adhikaing lipunang pantay para sa masa, misyon mo'y lantay ating kasamang Rod Guarino mahusay makitungo sa tao kasama ng guro, prinsipyado organisador siyang totoo naging secgen namin sa BMP naging pangulo namin sa XD organisador pa ng TDC at sa Ating Guro pa'y nagsilbi salamat sa lahat ng nagawa pinaglaban ang isyu ng madla kasangga ng uring manggagawa kaisa ng guro't maralita  pakikibaka ang ibinunsod ng pagkilos mo at paglilingkod ginhawa ng masa'y tinaguyod taasnoong pagpupugay, Ka Rod - gregoriovbituinjr. 07.03.2025 * BMP - Bukluran ng Manggagawang Pilipino * XDI - Ex-Political Detainees Initiative * TDC - Teachers Dignity Coalition  * Ating Guro party list

Nilay sa Fiesta Carnival

Imahe
NILAY SA FIESTA CARNIVAL kinakaya ko ang lahat ang totoo'y di pa kaya kunwari, kaya ko lahat bagamat naluluha pa kaya sa tambayan namin ni misis ng isang beses ay doon nagmuni-muni ng salu-salong kaytamis kanina, mga papeles ay di ko maunawaan bagamat naintindihan ang sinabi ng kausap di madali ang ganito kunwari'y kinakaya ko sa nakasamang totoo pagpasensyahan po ako di ko pa kaya? kaya pa? kakayanin ko talaga kahit na wala na siya sana nga'y kayanin ko pa - gregoriovbituinjr. 07.01.2025

P50 dagdag sahod sa Hulyo 18

Imahe
P50 DAGDAG SAHOD SA HULYO 18 imbes na dalawang daang piso dagdag sahod ay limampung piso pabor ba ito sa mga grupo ng manggagawa o ng obrero mabuti nang may dagdag, sabi nga ng kapitalista, kaysa wala pabor ba ang uring manggagawa na limos lang ang bigay na sadya aba, ito'y sa NCR pa lang paano ang nasa lalawigan kaawa-awa ang kalagayan ng mga lumikha ng lipunan anong liit ng kanilang sahod sa ekonomya, sila'y gulugod likha ng likha, kayod ng kayod kaysisipag sapatos ma'y pudpod - gregoriovbituinjr. 07.01.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Hulyo 1, 2025, tampok na balita (headline) at pahina 2