Ilog
ILOG kayrami rin pala nating salawikain hinggil sa ilog na dapat nating alamin na bakasakaling makatulong sa atin paano mo tatawirin ang Ilog Pasig kung walang tulay? kung may bangka walang katig? kung meron man, paggaod ba'y kaya ng bisig? ang tahimik na ilog umano'y malalim pag maingay ang tao, walang tagong lihim kung kayang languyin, ilog ba'y lalanguyin? ang ilog ay di lamang iisa ang pampang sa lubog ng lupà, ito'y naging pagitan daluyang tubig, pampang ay magkabilaan nais ko ring maligo't magbabad sa ilog tanggalin ang libag, katawan ay ilubog habang sa diwa'y may ideyang nangingitlog - gregoriovbituinjr. 03.04.2026 * litrato mula sa Bulgar, 08.17.2025, p.9