kaysarap magsulat sa isipan
habang pinggan ay hinuhugasan
maya-maya'y maglalaba naman
habang tumutula ng anuman
dapat matanggal ang mga sebo
kayurin ang uling sa kaldero
punasan ang nahugasang plato
at ikamada ang mga baso
mga buto'y agad pagbuklurin
mga tinik ay ibasura na rin
isama pati balat ng saging
habang kinakatha ang pahaging
pag natapos na'y agad maghinaw
ng kamay, kahit na giniginaw
gubat ma'y marilim at mapanglaw
magsusulat sa tabi ng tanglaw
at ititipa agad sa selpon
yaong naganap buong maghapon
isasalansan sa mga saknong
ang mga titik ng rebolusyon
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tanaga sa klima
TANAGA SA KLIMA Di palagay ang masa Sa nagbabagong klima: Noon daw: BAHALA NA. Sigaw ngayon: BAHA NA! - gregoriovbituinjr. 08.11.2026 * a...
-
PAGSUSULIT Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Napakahuli na ng mga aralin n...
-
DI SAPAT ANG TULOG matutulog na ng alas-diyes mabuti iyan sa kalusugan ngunit nagigising ng alas-tres ng madaling araw, madalas 'yan lim...
-
SONETO 94 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Si...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento