Inadobong lamang loob ng bangus

Inadobong lamang loob ng bangus

inadobo kong muli ang lamang loob ng bangus
dati'y pulutan lang, ngayon ay ulam ko nang lubos
inadobong bituka, apdo't atay, aba'y ayos
di isinama ang hasang, ang tiyan ko'y nag-utos

lamangloob ng bangus ay pampulutan lang noon
ngunit dahil sa kwarantina'y pang-ulam na ngayon
kadalasan nga, bituka'y kanilang tinatapon
inisip lang ng lasenggerong pulutanin iyon

kaya iba talaga ang panahong kwarantina
lalo na't COVID-19 sa mundo'y nananalasa
di na normal ang buhay, kaya mapapaisip ka
lalo sa pagkain, nang di magutom ang pamilya

sa kanila'y katawan ng bangus, iba ang akin
dagdag ang bituka ng bangus na aadobohin
ayaw man nila, sa akin ay nakabubusog din
salamat sa tanggero, ito'y natutunan ko rin

- gregbituinjr.
05.30.2020

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ulat sa kolehiyalang ginahasa

Ang makatang walang tigil

Pulang itlog at kamatis