doon sa malayong lalawigan ng Iloilo labing-apat anyos na binatilyo'y arestado na ginahasa'y labingsiyam anyos na dalaga sinaksak daw ang kolehiyala't iginapos pa ang paalam sa ama'y bibili lang sa tindahan dalaga'y di umuwi ilang oras ang nagdaan hanggang makitang patay na't nakatali sa kahoy ang hikbi ng ama, "anak ko'y kanilang binaboy!" hustisya para kay 'Rona' ang sigaw ng kaanak ikulong yaong maysalang gumahasa't sumaksak pahayag nga ng ama, "grabe 'yung ginawa nila!" dugtong pa, " kung pwede lang sana, patayin din sila" mula sa pahayagang Bulgar ang nasabing ulat talagang nakagagalit yaong isiniwalat nawa hustisya'y makamtan ng dalagang pinaslang makulong ang salaring puri't buhay ang inutang - gregbituinjr. * ibinatay ang tula mula sa headline ng pahayagang Bulgar, Oktubre 28, 2019, na may pamagat na "Kolehiyala Ni-Rape, Pinatay; 14-anyos, arestado...
ILOG kailan tayo mauuntog? upang alagaan ang ilog at mga lugar pang kanugnog pag araw na nati'y lumubog? kailan pa magkukumahog? upang alagaan ang ilog pag tuhod na'y aalog-alog? at mga kalamnan na'y lamog? kahit ilog man ay di bantog pangarap man ay di matayog ito man lang ay maihandog sa kinabukasan at irog - gregoriovbituinjr. 08.26.2023 * alay na tula bilang tugon sa Right of Nature (RoN) page sa fb, sa inilabas nilang "Ang Ilog ay Buhay" na matatagpuan sa kawing na: https://web.facebook.com/photo/?fbid=678296577678446&set=a.636241711883933 * litrato mula sa google
taas-kamaong pagpupugay sa kababaihan pagkat tao'y nagmula sa inyong sinapupunan pagkat nanggaling sa inyo'y buong sangkatauhan kaya marapat kayong saluduhan at igalang ang kalahati ng buong daigdig ay babae ngunit kayraming kababaihan ang inaapi pinagsasamantalahan ng kung sinong buwitre at inuupasala ang puri ng binibini paano ba pipigilan ang pagyurak sa dangal at ipagtatanggol ang puri ng babaeng basal paano mapipigil ang pagnanasa ng hangal at igalang ang taong kawangis ng inang mahal may araw na itinalaga upang mapawi na ang karahasan sa kababaihan, mawala na dapat pa bang may isang araw na itatalaga upang karapatan nila'y ating maalaala sa kababaihan, taas-kamaong pagpupugay kalahati kayo ng mundo, mabuhay, mabuhay! nawa'y lalaging nasa mabuti ang inyong lagay at wala nang dahas na dumapo sa inyong tunay! - gregbituinjr. * nilikha ng makata bilang paggunita sa International Day for the Elimination of Violence A...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento