Pagsusulit - salin ng tula ni Sheikha Hlewa
PAGSUSULIT Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Napakahuli na ng mga aralin ng aking ina. Matapos lahat ng dinanas namin - binibilang niya ang mga taon sa tapat na pagsang-ayon sa Nakba at ang mga binilang ko habang kagat ang aking dila - ginigiit niyang maturuan ako, salita sa salita, nang agad-agad. Wala siyang pagsasaalang-alang sa patuloy kong pagkataranta o sa pagitan ng mga taon namin, sa urbanidad na nagpaamo sa pagiging lagalag ko at nagpakislap sa mga gilid ng aking wika. Inuulit niya ang mga aralin nang may kalupitan ng isang gurong naantala ang pagreretiro. Hinahanap niya ang kanyang patpat sa ilalim ng kanyang bisig, na hindi mahanap, kaya hinampas niya ang mesang kahoy. Isinusumpa ko ang sinumang lalaking magpapaiyak sa iyo, naiintindihan mo? at walang batingaw na sasagip sa akin bago ang pagsusulit. - sa Haifa 10.18.2024 * Si Sheikha Hlewa ay isang Palestinong manunulat...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento