Soneto 94
SONETO 94 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Sila yaong may kapangyarihang / manakit at walang ginagawa, Na hindi magawa yaong bagay / na lagi nilang inilaladlad, Sino, na iba’y pinagagalaw, / silang sa bato ginayang pawa, Hindi natitinag, anong lamig, / at pagdating sa tukso’y kaykupad - Minana nila ng wato mula / sa langit yaong mga biyaya, At pati yaman ng kalikasan / ng asawa mula sa gugulin; Sila yaong mga panginoon / at may-ari niyong mukha nila, Habang iba’y tagapangasiwa / ng kanilang kahusayan man din. Yaong bulaklak niyong tag-araw / na sa tag-araw din ay kaytamis Datapwat ito’y sa sarili lang / nangabubuhay at namamatay; Subalit kung yaong bulaklak na / nakahahawa’y nagkakaniig, Ang pinakamasama mang damo’y / sinasalungat ang kanyang dangal. Matatamis ma’y pinaaasim / ng mga ikinikilos nito: Tulad ng mga liryong ang amoy / ay mas malala pa kaysa damo. 07.05.20...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento