Sabado, Marso 19, 2022
Upuan
napaupo ako sa upuan
napahiga ako sa higaan
napatayo ako sa tayuan
o kaya naman ay sa Tayuman
madalas nakakaupo sa dyip
lalo't barya lang ang halukipkip
madalas din doong managinip
kasama ang mutyang nasa isip
pinta sa upuan ay masdan mo
obra maestrang kayhusay, ano?
di basta matibag ng delubyo
pintang tila likha ng maestro
una ang kabayo sa kalesa
di ba? kaya di kalesa muna
dapat unawa itong talaga
lalo sa paggawa ng taktika
uupo tayo sa mga pulong
ng may kahandaan ng marunong
upang di tayo basta uurong
kung alam nating kayang sumulong
- gregoriovbituinjr.
03.19.2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-14 death monthsary ni misis
SA IKA-14 DEATH MONTHSARY NI MISIS paano pa ba sumiglâ kung si misis na'y nawalâ? araw-gabi nang tulalâ ay, kinapitan ko'y tulâ ...
-
PAGSUSULIT Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Lena Tuffaha (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Napakahuli na ng mga aralin n...
-
DI SAPAT ANG TULOG matutulog na ng alas-diyes mabuti iyan sa kalusugan ngunit nagigising ng alas-tres ng madaling araw, madalas 'yan lim...
-
SONETO 94 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Si...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento