Huwebes, Enero 25, 2024

Pangarap

PANGARAP

nais kong muling makapag-aral
kursong pagluluto ng almusal
kursong hinggil sa pangangalakal
kursong kahit di pamprupesyunal

pag-aayos ng sirang sasakyan
paggawa ng bahay o tahanan
maging inhinyero'y paghusayan
maging working student minsan man

nagtrabaho akong makinista
sa metal press noon sa pabrika
ngunit ako'y nag-resign talaga
nang sa kolehiyo'y mag-aral na

may kurso ako noon: B.S. Math
ngunit kay-agang nag-pultaym agad
upang masa't uri ay imulat
at sistemang bulok ay ilantad

di sapat ang magbasa ng libro
o tumambay sa aklatan dito
pasya ko'y mag-aral muli ako
at makapagtapos nang totoo

- gregoriovbituinjr.
01.25.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa ika-14 death monthsary ni misis

SA IKA-14 DEATH MONTHSARY NI MISIS‎ paano pa ba sumiglâ ‎kung si misis na'y nawalâ? ‎araw-gabi nang tulalâ ‎ay, kinapitan ko'y tulâ ...