Maligayang Pi Day sa lahat!
MALIGAYANG PI DAY SA LAHAT!
sa matematika, 3.14 ang numerong Pi
dahil diyan, ginawang Pi Day ang Marso Katorse
mula sa rasyo ng kumperensya ng bilog ang Pi
sa diyametro nito, ating suriing mabuti
sukat ng bilog, three point fourteen ang kinalabasan
di eksakto, tuloy-tuloy at infinite ang bilang
mahalaga ito sa mahihilig sa sipnayan
na magagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan
kamatayan ni Karl Marx at kaarawan ni Einstein
ngayon ay International Day of Mathematics din
na tema ngayo'y "Mathematics and Hope", dinggin natin
mga aral ng sipnayan ay ating sariwain
sa mga sipnayanon o mathematician, tunay
akong nagpupugay sa inyo! mabuhay! mabuhay!
maligayang Pi Day, maglabas ng pie o tinapay
at ipagdiwang ang kahulugan ng Pi sa buhay!
- gregoriovbituinjr.
03.14.2026
* litrato mula sa google

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento