doon sa malayong lalawigan ng Iloilo labing-apat anyos na binatilyo'y arestado na ginahasa'y labingsiyam anyos na dalaga sinaksak daw ang kolehiyala't iginapos pa ang paalam sa ama'y bibili lang sa tindahan dalaga'y di umuwi ilang oras ang nagdaan hanggang makitang patay na't nakatali sa kahoy ang hikbi ng ama, "anak ko'y kanilang binaboy!" hustisya para kay 'Rona' ang sigaw ng kaanak ikulong yaong maysalang gumahasa't sumaksak pahayag nga ng ama, "grabe 'yung ginawa nila!" dugtong pa, " kung pwede lang sana, patayin din sila" mula sa pahayagang Bulgar ang nasabing ulat talagang nakagagalit yaong isiniwalat nawa hustisya'y makamtan ng dalagang pinaslang makulong ang salaring puri't buhay ang inutang - gregbituinjr. * ibinatay ang tula mula sa headline ng pahayagang Bulgar, Oktubre 28, 2019, na may pamagat na "Kolehiyala Ni-Rape, Pinatay; 14-anyos, arestado&q
ANG MAKATANG WALANG TIGIL basta sulat na lamang ng sulat, katha ng katha walang tigil na sa papel laging nakatunganga animo'y kayraming paksang nakaimbak sa diwa lakad ng lakad, panhik manaog, gala ng gala at sa napiling tungkulin ay nanatiling tapat kahit tulog, naglalakbay pa rin ang diwang salat upang mahanap ang paksang di pa alam ng lahat wala pa ring pahinga, tila ba di mo maawat himbing na tinatahi-tahi ng diwang malaya ang samutsaring isyu't paksang pupukaw sa madla madaling araw pa lamang ay gising na ang diwa almusal na sa umaga ang pagkatha ng tula bili ng aklat, basa, aral, nilay, pagsusuri sa lipunan ng elitista't naghaharing uri ang pagsasamantala sa masa'y di na mawari kaya sa tula'y binibira ang makitang mali paumanhin kung nakilalang ganyan na sa buhay araw-gabi'y laksa ang mga paksang naninilay kayraming talakay ng dati'y makata ng lumbay na pangarap maitayo'y isang lipunang pantay ngayon, isang makatang sa pagkatha'y walang tigil n
PULANG ITLOG AT KAMATIS pulang itlog at kamatis, ulam sa tanghalian sinabay na ang almusal, ito rin ang hapunan di magarbo, sa tahanan lang, wala sa pistahan mahalaga'y di magutom, lamang tiyan din iyan tawag pa sa pulang itlog ay itlog na maalat binalatan ko ang itlog, kamatis ay ginayat tinamad kasing magluto ng ulam, napulikat dahil gutom na'y ito agad ang aking nasipat wala nang luto-luto, basta ito'y pinaghalo kaysa magutom, tugon na sa tiyang kumukulo maraming salamat at nawala ang pagkahapo nabusog din at binalita sa sinta't kasuyo kumain kung mayroon nang di tayo magkasakit maggatas din at katawan ay palakasing pilit pampalakas man ang pulang itlog, huwag malimit paminsan-minsan lang, baka maumay kung mapilit - gregoriovbituinjr.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento