SONETO 29 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Pag kahiya-hiya yaring palad / at sa mga mata pa ng madla, Ay mag-isa kong ipinanaghoy / yaring marawal na kalagayan, At ang langit ay magulo't bingi / sa aking walang kwentang pagluha, At itong sarili'y pinagmasdan, / at sinumpa yaring kapalaran. Na isang pag-asang umaapaw / ang ninanais kong magkaroon, Nilarawang tulad niya, tulad / niyang ang mga katoto'y angkin, Hangad ang sining ng taong ito / at yaong sakop ng taong iyon, Kung saan aking tinatamasa / kahit paano'y kasiyahan din; Datapwat sa pag-alalang ito'y / halos sarili na'y hinahamak, Mapalad nga't inaalala ka, / pati na yaring kalagayan ko, Na tulad ng isang ibong lagsing / sa pagputok ng araw sumikat Mula mundong mapanglaw, inawit / sa pinto ng langit yaong himno; Tungo sa matamis kong pagsintang / tanda ko'y dulot ng yamang iwi Na lagay ko'y ayokong baguhin / ma...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento