Sapul ng editorial cartoon
SAPUL NG EDITORIAL CARTOON
sapul ng editorial cartoon
ang pulso ng madlâ
pati na pusâ ay tumugon
kaytalim ng diwà
ngunit ating mauunawaan
ang kanyang trabaho
upang di mag-panic ang bayan
upang di gumulo
subalit ramdam naman natin
yaong nangyayari
kaytaas ng mga bilihin
sinong masisisi
ngunit may patamà ang pusà
bansa'y paraiso
pag sila raw ay nagsalitâ
ito ba'y totoo?
- gregoriovbituinjr.
03.28.2026
* litrato mulâ sa pahayagang Bulgar, Marso 28, 2026

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento