TULAMPATI SA IKASAMPUNG ANIBERSARYO NG CEED
taasnoong pagpupugay sa CEED
pagkat kalikasa'y di nabulid
sa pagkasira, inyong hinatid
ay pakikibakang aming batid
pinagtatanggol ang kalikasan
sinuri rin ng CEED ang lipunan
upang matiyak ang kaligtasan
ng katutubo at mamamayan
negosyo'y mapanira talaga
dulot ay maruming enerhiya
kalikasa'y winawaksi nila
kaya tayo'y dapat magkaisa
mula po sa maralitang hanay
muli, taospusong pagpupugay
sa CEED sa pagbaka n'yo't tagumpay
sigaw namin! mabuhay! mabuhay!
- gregoriovbituinjr.
07.31.2026
* tulampati ng secgen ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na binigkas sa pagdiriwang ng CEED
* CEED - Center for Energy, Ecology and Development
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
DI SAPAT ANG TULOG matutulog na ng alas-diyes mabuti iyan sa kalusugan ngunit nagigising ng alas-tres ng madaling araw, madalas 'yan lim...
-
SONETO 94 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Si...
-
SONETO 29 ni William Shakespeare malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg) Pag kahiya-h...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento